April Monthly Exam

Cards (30)

  • Obhetibo - Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinion o kuro- kurong pinapanigan ng manunulat kundi batay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya at sinuri.
  • Sistematiko - hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap- tanggap na kongklusyon
     
  • Empirikal - Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at/o na-obserbahan ng mananaliksik.
  • Kritikal - Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
     
  • Dokumentado - Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.
  • Galero-Tejero (2011) - ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang layunin: (1) isagawa ito upang makahanap ng isang teoryang; (2) mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito; (3) isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin.
  • Constantino at Zafra (2000) - ayon sa kanila may apat na bahagi ang konseptong papel na binubuo ng rationale, layunin, metodolohiya, at inaasahang output o resulta.
  • Spalding (2005) - Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa. Hindi lang ito basta pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t ibang primary at sekundaryang mapagkunan ng impormasyon kundi taglay nito ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap. Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik.
  • Balangkas - Tinatawag na “outline” o kalansay ng mga ideya na pinagbabatayan ng aktuwal na proyektong gagawin
     
  • Literature Search - Ito ang karaniwang paraan kung paano mangalap ng mga datos ang mananaliksik upang makahanap ng datos o imposmasyon sa kagamitan ng aklatan o internet
  • Literature search - kung saan ang mananaliksik ay naghahanap ng impormasyon o datos sa mga kagamitang nasa aklatan at sa Internet.
  • Ayon kay Gates(1994) ang bibliograpi ay tala ng mga aklat, artikulo, opisyal na dokumento ng gobyerno, manuskrito at iba pang publikasyon tungkol sa isang paksa na binigyang-detalye at isinaayos ng may pagkakasunud-sunod. Saan niya ito sinipi? – Mount Allison University
  • Bakit kailangan manaliksik? - Ito ang karaniwang itinatanong ng mga mag-aaral kapag ibinibigay o tinatalakay na sa kanila ang gawaing ito.
     
  • Konseptong Papel - Ito ay nagsisilbing proposal para sa gagawin mong pananaliksik at sa pamamagitan nito'y mailalahad mo ang magagawa mo upang mapatunayan ang iyong paksa at pahayag ng tesis
     
  • Rationale - Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
  • Layunin - Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa.
  • Metodolohiya - Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon.
  • Sarbey - Nakukuhang mga impormasyon mula sa maraming tao
  • Saklaw at Delimitasyon - Pagtalakay kung anong paksa ang talagang pokus ng pagtalakay at kung anongf bahagi lamang ng paksang iyong ang magiging bahagi ng pagtalakay.
  • Glosari - Talaan ng mga teknikal na terminong ginagamit sa pananaliksik na binibigyang kahulugan
  • Thesis Statement - Isang matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksang handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng datos at ebidensiya.
  • Kronolohiya - ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o impormasyon ay ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung ang iyong paksa ay naglalahad ng proseso ng pangyayari o maging kasaysayan.
  • Heograpikal o batay sa espasyo - ginagamit ito kung ipakikita at ipaliliwanag ang lokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo.
  • Komparatibo - ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad at/o ang pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo o kaisipan.
     
  • Sanhi/Bunga - ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at bunga o sanhi o bunga ng isang paksang sinisiyasat. Maaaring alam na ang sanhi at sisiyasatin ang bunga, o kaya ay alam na ang bunga at sisiyasatin naman ang sanhi.
  • Pagsusuri - Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong kaisipan.
  • MLA (Aklat)
    •       Apelyido, sinusundan ng kompletong pangalan.
    •       Pamagat ng aklat.
    •       Lungsod na pinaglimbagan.
    •       Pangalan ng kompanyang naglimbag,
    •       Taon ng pagkakalimbag.
  • APA
    •       Nauuna ang apelyido, sinusundan ng inisyal lang ng unang pangalan.
    •       Taon ng pagkakalimbag ( ).
    •       Pamagat ng aklat.
    •       Pook na pinaglimbagan:
    •       Pangalan ng kompanyang naglimbag.
  • Background Information – Ito ang magbibigay ideya sa mananaliksik kung bakit kailangang pag-aralan ang napiling paksa at gagabay sa pananaw sa bubuoing pahayag ng tesis.
  • Bibliograpi - tala ng mga aklat, artikulo, opisyal na dokumento ng gobyerno, manuskrito at iba pang publikasyon tungkol sa isang paksa na binigyang-detalye at isinaayos ng may pagkakasunud-sunod.