GLOBALISASYON 1

Cards (39)

  • Globalisasyon
    Mabilis at patuloy na inter boarder na paggalaw ng produkto at capital, teknolohiya, ideya, impormasyon, kultura at nasyon
  • Globalisasyon
    • Nakakaapekto sa maraming disiplina
    • Hindi lamang sa konteksto ng politika, ekonomiya o capital, bagkus sa iba ring dimension tulad ng teknolohiya, kultura at impormasyon
  • Transference
    Ang pagpapalitan o exchange ng mga bagay sa pagitan ng dalawang pre-constitutes units, na maaaring politikal, ekonomikal, at kultura
  • Transformation
    Ang proseso ng globalisasyon ay nakaaapekto sa buong sistema, sa parehong antas na naaapektuhan nito ang mga yunit na bumubuo rito
  • Transcendence
    Ang globalisasyon ay hindi lamang nakakapagpabago sa buong sistema at ang mga yunit na bumubuo rito, pati narin ang conditions of existence kung saan ito matatagpuan
  • Kasaysayan ng Globalisasyon
    • Early History
    • Medieval
    • Pre-modern at Modern period
    • Modern Era
  • MALING PANANAW: Ang globalisasyon ay isa lamang uri ng economic imperialism o Westernization
  • MALING PANANAW: Ang globalisasyon ay nagmula noong 1980
  • Mabubuting Epekto ng Globalisasyon
    • Nakakapgbawas sa mga gastos sa transportasyon at komunikasyon, ang pag-unlad ng teknolohiya, at liberalisasyon sa internasyonal na pamilihan
    • Kalakalan sa mga produkto at serbisyo, sa pamamagitan ng internasyonal na pagpapalitan na nagbibigay ng competitive advantage at reduksyon sa tariff at non-tariff barriers sa mga papaunlad na ekonomiya
    • Paggalaw ng kapital, sa pamamagitan ng pagpapaikot ng savings ng mga bansa
    • Paggalaw ng pera
    • Nagkakaroon ng tinatawag na free trade o malayang kalakalan
    • Nakakatulong sa mahihirap na bansa sa pamamagitan ng pagtanggap nila ng dayuhang kapital at teknolohiya at ang kanilang partisipasyon sa internasyonal na kalakalan
    • Ang pagtaas ng kompetisyon sa internasyonal na pamilihan
    • Paggalaw ng mga manggagawa or labor
    • Nagkakaroon ng mas mataas na investment ang isang bansa
  • Mga Suliraning Kinakaharap Ng Globalisasyon
    • Ang posibilidad ng hindi pantay na distribusyon ng kita o gains ng globalisasyon sa iba't ibang bansa
    • Ang kalayaan ng ilang multinational na kumpanya na gamitin ang tax havens sa ibang bansa upang maiwasan ang pagbabayad ng malalaking buwis
    • Ang pag-iisip ng ilang nasyonal na lider na ang kanilang national sovereignty ay maaaring maapektuhan
  • MALING PANANAW: Naglalayon ang globalisasyon ng homogenization
  • MALING PANANAW: Ang globalisasyon ay taliwas sa karapatang pantao
  • MALING PANANAW: Ang globalisasyon ay makasasama sa mga lokal na pagkakakilanlan
  • Pandaigdigang ekonomiya
    Isang proseso na dulot ng pagbabago ng mga tao at ng prosesong teknolohikal na nagbubunga ng mataas na bilang ng pag-uugnayan o pagsasama-sama ng ekonomiya sa buong mundo sa pamamagitan ng pagkilos o paggalaw ng mga produkto, serbisyo at puhunan papunta sa iba't iabang hangganan ng mundo
  • Mga aspekto ng globalisasyon
    • Kalakalan ng mga produkto at serbisyo
    • Pamilihan ng pananalapi at puhunan
    • Teknolohiya at talastasan
    • Produksyon o paggawa
  • Globalisasyon
    Ang proseso kung saan ang pandaigdigang kalakalan ay nagiging bahagi ng isang organikong (pangkabuang) sistema sa pamamagitan ng paghahatid ng pandaigdigang prosesong pang-ekonomiya at pangekonomiyang pakikipagugnayan sa mas maraming bansa na nagpapalalim ng kanilang pagtutulungan
  • Internasyonalisasyon
    Ang pagbabago ng kahulugan sa papel na ginagampanan ng estado bilang epektibong tagapamahala ng pambansang ekonomiya, ngunit ang mga indibidwal na bansa ay nananatiling ligtas na kanlungan ng bawat isa sa masamang epekto ng malayang pandaigdigang kalakalan
  • Ang malalaking pandaigdigang korporasyon ang pangunahing tagaganap sa larangan ng globalisasyong pang ekonomiya
  • Mga pangalan ng malalaking pandaigdigang korporasyon
    • Transnational corporation (TNCs)
    • International corporation (ICs)
    • Multinational corporations (MCs)
  • Ang globalisasyon ay nariyan na simula pa sa pagsulpot ng tao at magsimula ang Homosapiens na maglakbay galing sa kontinente ng Africa at nanirahan ang pa sa iba pang bahagi ng mundo
  • Ang pinakaunang mahalagang tagumpay ng globalisasyon ay noong ika-19 na siglo, kung saan tumaas sa 4.2% ang kabuuang antas ng paglago ng pandaigdigang kalakalan sa pagitan ng 1820 at 1870, at 3.4% sa pagitan ng mga taong 1870 at 1913
  • Ang kabuuang kalakalan ay 16%-17% katumbas ng pandaigdigang kita
  • Ang mga bansang hindi sumusuporta sa globalisasyon ang nabigong mapaliit ang insidente ng kahirapan sa kanilang mga nasasakupan sa nakalipas na ilang dekada
  • Ang underdevelopment o ang patuloy na kawalan ng pangekonomiyang paglago at pag-unlad, kasama na ang kahirapan at malnutrisyon ay hindi ang panimulang yugto ng pangkasaysayan at ebolusyonaryong proseso
  • International Monetary System (IMS)
    Mga panuntunan, buwis na ibinabayad sa mga inaangkat na produkto, mga instrumento, pasilidad at mga organisasyong ginagamit sa mga bayaring internasyonal
  • Noong 1867, nagpasimula ang mga bansa sa Europe at ang United States ng paglipat sa ginto bilang tumbasan ng pera
  • Bumagsak ang klasikong tumbasang ginto sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914
  • Ibinatay sa balangkas ng United Nations Monetary and Financial Conference na ginanap sa bretton Woods, New Hampshire sa United States noong 1944, 44 na bansa ang nagkaisa na ipatupad ang bagong sistema ng pagtatakda na tinawag na gold-exchange standard
  • BRETTON WOODS SYSTEM AT ANG PAGKALUSAW NITO: Ang mga delegado ay nagkasundo rin na magtatag ng dalawang pandaigdigang institusyon: International Banks for Reconstruction and Development (IBRD) at ang International Monetary Fund (IMF)
  • ANG PAGSASANIB NG PANANALAPI SA EUROPE: Ang milagrong tagumpay pang-ekonomiya ng Kanlurang Europea ang nagpasimula ng malapit na kooperasyon sa panrehiyong antas at nagresulta sa pagtatatag ng European Coal and Steel Community noong 1951
  • ANG PAGSASANIB NG PANANALAPI SA EUROPE: Sa tagumpay ng EMS at ng pangkalahatang pagtanggal ng kontrol sa puhunan sa pagtatapos ng dekada 1980, nagkabuhay ang ideya ng isang pagsasanib ng ekonomiya ng Europe
  • MULTILATERALISM: MULA GATT HANGGANG WTO: Noong 1957, itinatag ang European Economic Community
  • MULTILATERALISM: MULA GATT HANGGANG WTO: Noong 1986 hanggang 1994, sa Uruguay Rounds, nabago ang kalakaran ng pandaigidigang kalakalan kung saan nagkaroon ng paglihis sa orihinal na konsepto na kung dati ang estado ang pangungahing manlalaro sa pangangalakal, sa sumunod na panahon napalitan na sila ng mga transnasyonal na korporasyon (transnational corporations o TNCs) o inter-company trade
  • Multilateralism
    Isang alyansiyang may maraming bansa na nagtutulungan upang makamit ang isang karaniwang layunin
  • Bagama't atubili ang United States na pangunahan ang pandaigdigang kalakalan pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, hindi ganito ang kaso makalipas ang dalawa at kalahating dekada. Naging pandaigdigang salapi ang dolyar ng United States na sinusuportahan ng dalawangkatlo (2/3) ng lahat ng reserbadong ginto ng buong mundo noong dekada 1950
  • Noong 1962, tumawag ang United States ng bagong round, na tinawag na Kennedy Round
  • MULTILATERALISM: MULA GATT HANGGANG WTO: Nasundan ito ng Tokyo Round kung saan napagkasunduan ang patuloy na pagbababa ng buwis sa mga produkto across the board sa halip na naunang patakaran na pagbawas-bawat-produkto (itemby-item cuts)
  • MULTILATERALISM: MULA GATT HANGGANG WTO: Pinakapopular sa lahat ng usapang ito ang idinaos sa Uruguay (Uruguay Rounds) mula 1986 hanggang 1994
  • MULTILATERALISM: MULA GATT HANGGANG WTO: Sa pagkakatatag na ito, hindi nagpahuli ang mga papaunlad na bansa. Tinatapatan nila ito ng kahalintulad na negosasyon sa Seattle noong 1999