week1

Cards (36)

  • Unang Digmaang Pandaigdig
    Ang ugat nito ay mababakas mula sa pagsakop ng Germany sa mga probinsya sa hanggahan ng France at Prussia
  • Pagbuo ng mga alyansa
    1. Germany bumuo ng Triple Alliance
    2. France at Great Britain bumuo ng Entente Cordiale
    3. Russia at Great Britain bumuo ng Triple Entente
  • Pinaslang si Franz Ferdinand, archduke ng Austria, ng isang makabayang Serbian na si Gavrilo Princip
    Hunyo 28, 1914
  • Pagdeklara ng digmaan ng Austria laban sa Serbia noong Hulyo 28, 1914
    Nagsimula ang epekto ng sistema ng alyansa
  • Noong Agosto 1914, sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Central Powers (Germany, Italy, at Austria-Hungary) laban sa Allied Powers (Great Britain, France, at Russia)
  • Tumagal ang digmaan ng halos apat na taon at natapos lamang nang matalo ang Germany noong 1918
  • Isinisi sa Germany at mga kakampi ang digmaan
  • Pinabayaran sa Germany ang lahat ng nasira ng digmaan, umabot ang halaga nito sa USD 35 bilyon
  • Papel ng Asia sa Unang Digmaang Pandaigdig

    • Nagkaroon sila ng sapat at tuloy-tuloy na suplay ng materyales sa tulong ng teknolohiya
    • Naging mahalaga ang bansang Thailand sa digmaan
  • Pagsakop ng Japan sa mga teritoryo ng Germany sa Pasipiko
    1. Sinakop ang Shantung at ang daungan ng Kiachow sa Yellow Sea
    2. Kinuha ang karapatan ng Germany sa Shantung at kinontrol ang riles ng tren sa Manchuria
    3. Nakuha ang kalahati ng kita sa mga pabrika ng bakal at asero sa mga minahan
    4. Naglagay ng tagapayong Hapones sa pamahalaan, sa militar at sa pananalapi
    5. Ipinangako na hindi ibibigay sa ibang dayuhan ang tabing-dagat sa China
  • Noong 1918, tatlong mahahalagang pagbabago ang nangyari sa Asia: 1) ang pagkakawatak-watak ng Imperyong Ottoman, 2) ang pagtindi ng pagnanais na kalayaan, at 3) ang pag-usbong ng Japan bilang imperyalistang estado
  • Pagkatapos ng digmaan, itinuon ng Great Britain, Russia, France at United States ang pansin sa pagpapatatag ng kani-kanilang bansa
  • Sa India, sa halip na ibigay ang kalayaan, naging marahas ang mga namamahalang Ingles
  • Ang sakit ng kalooban ng mga German ang nagtulak sa kanila upang magsumikap na bumawi ang dignidad
  • Sa pamumuno ni Adolf Hitler, nagtatag sila ng isang diktadura na suportado ng mga dugong bughaw
  • Ayon kay Hitler, ang German ay superyor na lahi at lahat ng ibang lahi ay mas mababa at pabigat lamang sa bayan
  • Lumaganap ang diskriminasyon laban sa mga Hudyo, libo-libo ang pinatay
  • Pagpapalakas ng militar ni Hitler
    1. Sinimulan niyang palakasin ang militar noong 1925, ang Nazi, isang bagay na ipinagbawal sa Kasunduan ng Versailles
    2. Noong Marso 1936, sinakop ni Hitler ang rehiyon sa pagitan ng ilog Rhine at hanggahan ng France
  • Noong 1939, hiningi ng Germany ang kalayaan ng Kanlurang Poland para sa mga Aleman na nakatira doon

    Nang tumanggi ang Poland, sumalakay si Hitler noong Setyembre 1, 1939
  • Ang kanyang blitzkrieg o "biglang pagsalakay" ay nagbunga ng pagsalakay sa Poland, Denmark, Norway at ng buong Europe
  • Ang mga Hapones ay kakampi ng Germany at Italy
  • Pagsakop ng mga Hapones
    1. Noong 1941, sinalakay nila ang Pearl Harbor
    2. Sinalakay rin ang Pilipinas, Burma, Singapore, Dutch East Indies (Malaysia at Indonesia), French Indochina (Laos, Cambodia at Vietnam), at iba pang bahagi ng Timog-Silangang Asia
  • Sinamantala ng mga Hapones ang pagkakataon upang maisakatuparan ang pangarap na impyernong Hapones sa Asia
  • Nanatiling neutral o walang kinikilingan ang Iran upang maiwasang magamit ang bansa na base-militar papunto sa Russia
  • Ang India ay hindi kumbinsidong makilahok sa digmaan
  • Nang magpadala ang Great Britain ng mga tropang Sepoy, umalma ang mga Indian
  • Naging bahagi ang Japan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig bunga ng pagpirma nito ng Tripartite Pact kasama ang Germany at Italy noong 1940
  • Nang matalo ang France, pinakiusapan ang Germany na hayaan siyang makontrol ang French Indochina at ang teritoryo ng mga Dutch sa Indonesia
    Upang mapagkunan niya ng likas na yaman
  • Nang mabigo ang negosasyon, sinalakay ng mga Hapones ang US Pacific Fleet sa Pearl Harbor sa Hawaii noong Disyembre 7, 1941
  • Naging marahas at malupit ang paraan ng pagsakop ng mga hapones upang maipakita ang pagiging superyor ng lahing Hapones kaysa sa iba
  • Nang tumanggi ang Japan na sumuko, pinasabugan ng bomba ang siyudad ng Hiroshima. 80,000 tao ang namatay
  • Pinagbayad ang Japan ng bayad-pinsala para sa mga nasira ng digmaan
  • Sa Laos, nagpatuloy ang kaguluhan hanggang sa manaig ang Partido Komunista noong 1973
  • Taong 1930 pa nang itatag ni Ho Chi Minh at ng mga Viet Minh ang Partido Komunista ng Vietnam
  • Sa pagsuko ng Japan, sinakop ng US at ng Russia ang Korea. Pansamantala lang sana ito ngunit dahil sa Cold War, naging permanente ang pagkakahati
  • Sa pamumuno ni Aung San, binuo ng mga maka bayang Burmese ang Anti-Fascist People's Freeedom League