Talaan o listahan ng mga sanggunian na ginamit sa pananaliksik
Bibliograpiya
Patunay na ang pananaliksik ay may pinagbatayang mga patunay
Paraan ng pasasalamat at pagbibigay ng wastong kredito o pansin sa mga manunulat at mga unang mananaliksik sa kanilang ambag sa kasalukuyang isinasagawang pag-aaral
Paggawa ng pansamantalang bibliograpiya
1. Maghanda ng mga index card
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon ng iyong sanggunian
3. Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda
Pagsulat ng talasanggunian
Makuha ang pangunahing impormasyon gaya ng pangalan ng may akda, pamagat ng aklat o artikulo, lugar ng publikasyon, tagapaglathala, at ang taon kung kailan ito nailimbag
Isaayos ito ayon sa alpabeto sa tulong ng apelyido ng mga manunulat
Ilagay ito sa hulihang bahagi ng aklat o ng pananaliksik
Kinakailangang nakapasok ang ikalawa o sumunod na linya ng sanggunian sa pagsulat nito
Sa pagsulat ng pangalan ng may-akda, unang isulat ang apelyido ng may-akda
Isaalang-alang ang wastong bantas sa bawat bahagi
Mga impormasyong isinasama sa bibliograpiya ng iba't ibang sanggunian
Pangalan ng may-akda
Pamagat ng aklat o artikulo
Lugar ng publikasyon
Tagapaglathala
Taon kung kailan nailathala ang aklat
Mga impormasyong isinasama sa bibliograpiya ng peryodikal
Pangalan ng may-akda
Pamagat ng artikulo
Pangalan ng peryodiko
Bilang ng bolyum
Bilang ng isyu
Petsa
Mga pahina ng buong artikulo
Mga impormasyong isinasama sa bibliograpiya ng di nakalathalang sanggunian
May-akda
Pamagat
Anyo ng manuskrito
Impormasyon tungkol sa pinagmulan at lokasyon ng sanggunian
Petsa ng pagkasulat
Ang Chicago Manual Style (CMS) at American Psychological Association (APA) ay iba't ibang paraan ng pagsulat ng bibliograpiya
Madali ang paggawa ng bibliograpiya sa kasalukuyang panahon