Ang mga idea ng Enlightenment ay naging malakas na puwersa upang magkaisa at mag-alsa ang mga tao laban sa pamahalaang hindi makatarungan.
Ang mga ideal ng karapatan, pagkakapantay-pantay, at kalayaan ang pangunahing sigaw sa pagsiklab ng mga rebolusyong pampolitika at panlipunan sa America at France noong ika-18 siglo.
Ang American Revolution ay sumiklab nang nag-alsa ang mga kolonya sa America laban sa Great Britain dahil sa pagpataw ng bagong buwis na hindi dumaan sa konsultasyon
Nagbigay daan ang American Revolution sa pagsilang ng bagong bansang tinawag na United States of America (USA o US).
Noong huling hati ng ika-18 siglo habang nagsisimula ang Industrial Revolution sa Great Britain, kinilala it ito bilang pinakamalakas na imperyalistang bansang Europeo.
Ang Great Britain ay monarkiyang may limitadong kapangyarihan.
Nasa kamay ng Parliament ang pagsasabatas ng patakaran at pagbubuwis sa Great Britain
Nasa ilalim ng kapangyarihan ng Britain ang mga kolonya sa America.
Itinatag ang mga kolonya sa silangang bahagi ng Bagong Daigdig o New World
Itinatag ang mga kolonya sa silangang bahagi ng Bagong Daigdig o New World sa pamamagitan ng migrasyon ng mga Pilgrim at Puritan na British simula noong ika-17 siglo.
13 kolonya : Connecticut, Delaware, Georgia, Massachusetts, Maryland, New hampshire, New York, New Jersey, North Carolina, Pennyslavania, Rhode Island, South Carolina at Virginia
Umiiral ang batas ng Britain sa kolonya at may sariling colonial charter ang 13 kolonya para sa panloob na usapin nito.
Ang pamahalaan ay binubuo ng gobernador at ng colonial assembly.
Mabilis na lumawak ang saklaw at lumaki ang populasyon ng mga kolonya noong kalagitnaan ng ika-17 siglo. Mula sa humigit kumulang na 250 000 katao noong 1700, umakyat ito sa 2 150 000 noong 1770.
Masigla Ang 13 kolonya ang ekonomiya na umaasa sa pakikipagkalakalan sa Europe. Bagama't ipinasa noong 1651 ang Navigation Act ng Britain na naglilimita sa kalakalan ng mahahalagang produkto ng kolonya sa Britain, nagpatuloy pa rin ang importasyon at pakikipagkalakalan sa France at Netherlands
Dahil sa lubog sa utang, kinailangang maghanap ng bagong pagbubuwis at magbawas sa mga gastos lalo na mula sa mga digmaan. Naghigpit ang Britain sa kolonya laban sa pag-okupa ng mga prontera sa kanluran ng teritoryo ng mga kolonya sa pamamagitan ng Proclamation Line of 1763.
Para sa mga kolonya, isinabatas ang mga buwis nang walang tamang representasyon sa loob ng Parliament. Isinigaw nila ang hinaing na, "Walang pagbubuwis nang walang representasyon."
Tinangka ng Great Britain na pahupain ang gulo simula sa Stamp Act ng 1765.
Noong Marso 5, 1770 nagharap ang mga sundalong British at demonstrasyon ng mga tao sa Boston na nauwi sa limang sibilyan na namatay sa tama ng baril. Tinawag ito bilang "Boston Massacre."
Kasunod naman sa Tea Act ng 1773, uminit ang sitwasyon nang naganap ang Boston Tea Party. Tumututoy ito sa pagtapon sa dagat ng may 342 kahon ng tea na may halagang £10 000 sa Boston Harbor.
Mga dagdag na restriksiyon sa kalakalan ng kolonya - Isinabatas simula 1763 hanggang 1774
Stamp Act - Ipinasa noong 1765 na nagpataw ng buwis sa lahat ng legal na dokumento, pahayagan, at iba pang lathalain sa kolonya
Tea act - Isinabatas noong 1773 na naglalayong ilagay sa kontrol ng East India Company ang kalakalan ng tea sa gitna ng Great Britain at 13 kolonya.
Nagtipon sa Philadelphia ang mga kinatawan ng mga kolonya, maliban sa Georgia, noong Setyembre 1774 upang itatag ang First Continental Congress
Nabuo sa pagtitipon sa Philadelphia ang pahayag ng pagkondena kay Haring George III sa nangyari sa Boston.
Noong Abril 19, 1775, nagpalitan ng putok sa Lexington, Massachusetts ang mga sundalong British at mga militia ng kolonya.
Dahil sa hindi nakatanggap ng sapat na tugon mula sa Hari, isinagawa ang Second Continental Congress noong 1776 upang bumuo ng hukbo sa ilalim ng pamumuno ni George Washington.
Noong Hulyo 4, 1776 ipinalabas ang Declaration of Independence na inihanda ni Thomas Jefferson.
Noong 1781 natalo ng pinagsamang hukbo ng 9500 Amerikano at 7800 French ang hukbong British sa Virginia. Sumuko ang komander na si Lord Cornwallis.
Binuo ng 13 estado ang Articles of Confederation noong 1781.
Samantala, dahil sa sunod-sunod na pagkatalo, pumayag na sa wakas ang Great Britain sa Treaty of Paris noong 1783 na kumikilala sa kalayaan ng mga kolonya nito.