Talambuhay ni Balagtas at Kaligirang Pangkasaysayan

Cards (25)

  • Si Francisco Balagtas ay isang Pilipinong makata at kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog"
  • Itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensiya sa panitikang Pilipino
  • Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay ang kanyang pinakamainam na likha
  • Si Francisco Balagtas o "Kiko" ay isinilang noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan
  • Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Balagtas at Juana dela Cruz
  • Si Francisco ay nanilbihan bilang katulong sa Tondo, Manila. Ang kapalit ng kanyang paninilbihan kay Donya Trinidad ay ang pagpapaaral sa kanya
  • Siya ay nag-aral sa Colegio de San Jose. Dito ay nakatapos siya ng Gramatica Castellana, Gramatica Latina, Geografia at Fisica, at Doctrina Christiana
  • Ang mga nabanggit ay mga karunungang kinailangan niyang malaman upang makapag-aral siya ng Canones
  • Nag-aral din siya sa isa pang paaralan, ang San Juan de Letran. Natapos niya ang Humanidades, Teolohiya at Pilosopiya
  • Dito niya naging guro si Padre Mariano Pilapil, isang bantog na guro na sumulat ng Pasyon
  • Ang babaeng unang bumihag sa kanyang puso ay si Magdalena Ana Ramos
  • Florante at Laura
    Isinulat ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong 1838, panahon ng pananakop ng mga Español sa bansa
  • Sensura
    Ang proseso ng pagbabawal, paghihigpit, o pagbabago sa nilalaman ng mga aklat, pelikula, o programa na itinuturing na hindi angkop o mapanganib upang protektahan ang moralidad at seguridad
  • Dahil sa pagkontrol ng mga Español, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o di kaya'y sa paglalaban ng mga Moro at Kristiyanong tinatawag ding komedya o moro-moro, gayundin ang mga diksiyonaryo at aklat-panggramatika
  • Ang relihiyon at paglalaban ng mga Moro at Kristiyano ay siya ring temang ginamit ni Balagtas sa kanyang awit bagama't naiugnay niya ito sa pag-iibigan nina Florante at Laura
  • Alegorya sa Florante at Laura
    • Masasalamin ang mga nakatagong mensahe at simbolismong kakikitaan ng pagtuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga Español
    • Pailalim na diwa ng nasyonalismo
  • Apat na himagsik na naghari sa puso at isipin ni Balagtas
    • Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
    • Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
    • Himagsik laban sa mga maling kaugalian
    • Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
  • Ang awit ay inialay ni Balagtas kay "Selya" o Maria Asuncion Rivera, ang babaeng minahal niya nang labis at pinagmulan ng kanyang pinakamalaking kabiguan
  • Mga aral na naibigay ng Florante at Laura
    • Wastong pagpapalaki sa anak
    • Pagiging mabuting magulang
    • Pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan
    • Pag-iingat laban sa mga taong mapagpanggap o mapagkunwari, at makasarili
    • Pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno sapagkat napakalaki ng panganib na dulot sa bayan ng pinunong sakim at mapaghangad sa yaman
    • Kahalagahan ng pagtulong sa kapwa maging sa may magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim Kristiyano
  • Flerida, isang babaeng Muslim na sa halip na sumunod lang sa makapangyarihang kalalakihan ay piniling tumakas mula sa mapaniil na Sultan upang hanapin ang kanyang kasintahan at siya pang pumutol sa kasamaan ng buhong na si Adolfo
  • Maria Asuncion Rivera o Selya - Pinakamamahal na babae ni Francisco Balagtas.
  • Nanong Kapule - Mahigpit na katunggali ni Balagtas kay Maria Asuncion Rivera
  • Juana Tiambeng - babaeng hiniharap ni Balagtas sa dambana
  • Ikinasal siya(balagtas) sa edad na 54
  • Namatay siya noong Pebrero 20 1860 sa edad na 74