Filipino 4th final exam

Cards (14)

  • makikita sa itaas ang larawan ng isa sa mga nobelang naging inspirasyon ni dr. jose rizal sa pagsulat ng Noli Me tangere - ang Uncle tom's cabin na Amerikanong si harriet beecher stowe
  • nasa larawan din ang isa pang nobelang naging inspirasyon ni Rizal - ang The Wandering Jew na isinulat naman ng pranses na si Eugene Sue.
  • Uncle Tom's Cabin
    sa nobelang ito, buong tapang na inilantad ni Stowe ang ginawang pagmamalupit ng mga Amerikanong puti sa mga naging alipin nila. Inilarawan dito hindi lamang ang labis na paghihirap ng mga alipin kundi ang kawalan nila ng pag-asa dulot ng naransang pagmamalabis ng mga Puti
  • Wandering Jew
    umikot ang istorya nito sa isang lalaking kumutya kay Hesus habang patungo sa Golgota, isang lugar matatagpuan sa labas ng Jerusalem kung saan ipinako si Hesus. Dahil sa ginawa ng taong ito, pinarusahan siyang maglakad sa buong mundo nang walang tigil.
  • ang dalawang aklat (Uncle Tom's Cabin, at Wandering Jew) na inilarawan ay kapwa naging intrumento sa pagsilang ng Noli Me Tangere
  • Noli Me Tangere
    sa nobelang ito inilantad ni Rizal ang labis na pang-aaping ginawa ng mga Kastila sa mga Pilipino noong panahon ng kanilang pananakop.
  • ang Noli Me Tangere ay nangangahulugang "Huwag mo akong salingin," na hango sa ebanghelyo ni San Juan sa Bibliya
  • noong araw ay ipinagbawal na ipabasa ito sa mga mag-aaral, ngunit ngayon, ipinabasa na ito hanggang sa kolehiyo
  • maselan ang nilalaman ng nobelang ito sapagkat inilantad dito ni Rizal ang mga kalapatanganan, pang-aapi, at kalupitang ginawa ng mga Kastila sa mga Pilipino. Inihalintulad ang nangyayari noon sa lipunan bilang kanser, na wala nang lunas o gamot
  • nanalig (naniwala) si Rizal na kapag nabasa ng mga Pilipino ang kaniyang nobelang, magigising sila at kikilos upang makamit ang kalayaan (kasarinlan)
  • binigyang-diin niya sa kaniyang nobela na ang mga Pilipino ay may dignidad (dangal) na hindi maaaring yurakan
  • sinimulang isulat ni Rizal ang Noli Me Tangere sa Madrid noong 1884, at bago matapos ang taon ay natapos niya ang kalahati ng nobela. Natapos niya ang sangkapat na bahagi ng nobela noong 1885, at ang huling sangkapat na bahagi noong Pebrero 21, 1887 sa Alemanya
  • nang matapos ni rizal ang kaniyang nobela, naging problema niya ang pagpapalimbag nito dahil sa kawalan ngg sapat na salapi para ito. Ngunit salamat sa kaibigan niyang si Maximo Viola, na nagpahiram sa kaniya ng kailangan niyang salapi, nakapagpalimbag (pagpapalatha) siya ng 2,000 sipi ng nobelang
  • may mga tiyak na hangarin (layunin) si rizal kung bakit niya insinulat ang Noli, at kabilang dito ang sumusunod:
    1. ibunyag ang mga kapastangang ginawa ng mga kastila
    2. ipamulat sa mga babasa nito na kailangang bumangon, kumilos, at bawiin ang kalayaan ng mga Pilipino
    3. gisingin ang natutulog na damdamin o tanggalin ang takot sa mga puso ng mga Pilipino
    4. ipamukha sa mga Kastila na kayang bumangon ng mga pilipino
    5. alisin ang piring sa mga mata ng mga pilipino upang makita ang kanser ng lipunan