Fil Final

Subdecks (2)

Cards (24)

  • kompleks, daynamikong proseso ng pagdadala ng mensahe sa teksto at pagkuha ng kahulugan mula sa teksto
  • Ama ng Pagbasa ay si William S. Gray
  • Apat (4) na hakbang sa pagbasa
    • Pagkilala
    • Pag-unawa
    • Reaksyon
    • Asimilasyon at Integrasyon
  • Teoryang Bottom- up -Batay sa "Teoryang stimulus- response" ang sentro ng pagbasa ay ang teksto na kailangan munang maunawaan ng mambabasa bago siya makapagbigay ng kaukulang reaksyon o interpretasyon
  • Teoryang Top- Down - ang mambabasa ay nagiging isang aktibong partisipant sa pagbasa dahil sa taglay niyang "Stock Knowledge" o mga nahambal na kaalaman bunga ng kanyang mga karanasan
  • Teoryang Interaktiv - Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top- down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCormick, 1998)
  • Teoryang Iskema - Tumutukoy sa teoryang ito sa kalayaan ng mambabasa na magbigay ng kahulugan sa teksto.
  • IBA’T IBANG PATERN O URI NG PAGBASA
    • Pag-skim (skimming)
    • Pag-scan (scanning)
    • Intensibo (Intensive)
    • Ekstensibo (Extensiv
  • Iba’t ibang Pagbasa ayon sa Layunin
    • Kaswal
    • Pagbasang Pang-impormasyon
    • Matiim na Pagbasang
    • RE-READING O MULING PAGBASA
    • PAGTATALA
  • KASWAL - Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may inaantay o pampalipas ng oras.
  • PAGBASANG PANG-IMPORMASYON - Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang kaalaman.
  • MATIIM NA PAGBASA - Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.
  • RE-READING O MULING PAGBASA Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.
  • PAGTATALA - Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o highlight ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.
  • Pagkilala - Tumutukoy sa kakayahan ng bumabasa na mabigkas ang mga salitang tinutunghan at makilala ang mga sagisag ng isipang nakalimbag.
  • Pag-unawa - Ang kakayahang bigyang-kahulugan at interpretasyon ang kaisipang ipinapahayag ng mga simbolo ng mga salitang nakalimbag
  • Reaksyon - Kakayahan ito ng mambabasa na maghatol o magsabi kung may kawastuhan at kahusayan ang pagkasulat ng teksto. Tumutukoy rin ito sa pagpapahalaga at pagdama na iniuukol ng mambabasa sa nilalaman ng kanyang binasang teksto.
  • Asimilasyon at Integrasyon - Kakayahan ito ng mambabasa na isabuhay ang natutuhang kaisipan sa binasa. Naiuugnay niya ang kasalukuyang karanasan sa nakaraan na tinalakay sa binasa.
  • “Ang pagbasa ay isang "psycholinguistic guessing game" -Goodman (1967)
  • Para sa lubusang pag-unawa sa isang teksto, kailangan ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kaniyang kakayahang bumuo ng mga konsepto at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyon. -Coady (1979)