pp 4th week 1-7

Cards (66)

  • Ang lahat ng kaalamang itinuturing na makabago ay hinango sa pamamagitan ng siyentipikong
    pamamaraan.
  • Galileo Galilei (1564-1642) na ang
    maituturing na ama ng siyentipikong pamamaraan.
  • Upang masabing siyentipiko, ang isang pamamaraan ng pagsusuri ay karaniwang nakabatay sa
    empirikal at nasusukat na katibayan na nababatay sa natatanging prinsipyo ng kadahilanan.
  • Ang pananaliksik ay isang sistematiko, pormal, mahigpit, at eksaktong prosesong ginagamit upang
    humanap ng mga lunas sa suliranin o makahanap at makapagbigay-kahulugan sa mga bagong kaalaman
    at kaugnayan.
  • Ang pananaliksik ay paghahanap ng katotohanan sa tulong ng pag-aaral, pagmamasid, paghahalintulad,
    at pagsubok;
  • ang pananaliksik ay isang sistematikong
    paghahanap sa katotohanan at kadahilanan ng mga likas na kaganapan sa pamamagitan ng siyentipikong
    pamamaraan.
  • May dalawang payak na layunin ang pananaliksik:
    1.Ang paghahanap ng katotohanan;
    2.Ang paghahanap ng kapaliwanagan o katuwiran kapag ang katotohanan ay hindi agarang matatamo.
  • May dalawang payak na layunin ang pananaliksik:
    1.Ang paghahanap ng katotohanan;
    2.Ang paghahanap ng kapaliwanagan o katuwiran kapag ang katotohanan ay hindi agarang matatamo.
  • Datos - batayang yunit ng impormasyon.
  • Impormasyon - mga pinag-ugnay na datos.
  • Detalye - mga naberipika na impormasyon.
  • Palagay - mga posibleng kaugnayan 0 pinagmulan ng mga detalye.
  • Teyorya - mga nasubok na palagay.
  • Prinsipyo, batas, o katotohanan - mga napatunayang teyorya.
  • I. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
    Ang kabanatang ito ang nagsasaad ng kadahilanan, importansya, at nasasakop ng pag-
    aaral. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik sapagkat ito ang magiging basehan ng
    lahat ng gagawin patungkol sa paksa o isyu nap ag-aaralan.
  • Introduksyon at Kaligiran ng Pag-aaral
    Ang bahaging ito ay naglalayong ipaalam sa mga babasa ang saysay at kasaysayan
    ng iyonh pananaliksik
  • Teoritikal na Balangkas
    Ang bahaging ito ay naglalayong ipakita ang mga teorya na sumusuporta sa iyong
    pananaliksik.
  • Konseptuwal na Balangkas
    Ang bahaging ito ay naglalayong ipakita ang proseso ng pananaliksik mula sa mga
    batayan ng suliraning nais tugunan, ang proseso ng pagkalap, pagsusuri, at
    pagpapakahulugan ng mga datos, hanggang sa ninanais na kahinatnan ng
    pananaliksik.
  • Pagsasaad ng Suliranin
    Ang bahaging ito ay naglalayong ipakita ang pangunahing suliranin at mga
    napapailalim na suliranin sa paksa o isyung nais tugunan.
  • Palagay
    Ang bahaging ito ay nagsasaad ng pang-unang pananaw ng mananaliksik sa
    kahihinatnan ng pag-aaral.
  • Pinagdausan ng Pagsasalik
    Sa bahaging ito ay naglalayong ipakita ang lugar ng pananaliksik at ang
    kadahilanan sa pagpili sa naturang lugar
  • Kahalagahan ng Pag-aaral
    Sa bahaging ito ay naglalayong ipakita ang benepisyo o kahalagahan ng
    pananaliksik
  • Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
    Sa bahaging ito ay naglalayong ipakita ang nasasakop at hangganan ng pag-aaral
    sa basehang oras, lugar, nagbabagong batayan, at pamamaraan.
  • Katuturan ng mga katawagan
    Ang bahaging ito ay nagsasaad ng mga operasyunal at teknikal na kahulugan ng mga
    terminolohiyang ginamit sa paggawa ng pamanahong papel.
  • II. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
    Ang Kabanatang ito ay nagsasaad ng mga basehang literature at pag-aaral sa
    ginagawang pagsasaliksik.
  • Lokal na Literatura
    Ang bahaging ito ang binubuo ng tipon ng mga artikulo, dyornal, balita sa
    pahayagan, nalathalang estatistiko, at iba pang lathalaing naipahayag sa loob ng
    ating bansa.
  • Banyagang Literatura
    Ang bahaging ito ang binubuo ng tipon ng mga artikulo, dyornal, balita sa
    pahayagan, nalathalang estatistiko, at iba pang lathalaing naipahayag sa labas ng
    ating bansa.
  • Banyagang Pag-aaral
    Ang bahaging ito ay binubuo ng kumpaylaysyon ng mga pananaliksik na nilathala
    sa labas ng bansa.
  • Lokal na Pag-aaral
    Ang bahaging ito ay binubuo ng kumpaylaysyon ng mga pananaliksik na nilathala
    sa loob ng bansa.
  • Sintesis -Ang bahaging ito ay naglalayong pangatuwiran ang naiambag ng bawat
    literature at pag-aaral sa itong pananaliksik.
  • III. PAMAMARAAN NG PAG-AARAL
    Ang Kabanatang ito ay nagsasaad ng disenyo, proseso at pamamaran ng mananaliksik upang
    makuha ang kasagutan sa itinakdang suliranin.
  • Disenyo ng Pananaliksik
    Ang bahaging ito ay nagsasaad ng pangkalahatang pamamaraan at disenyo ng
    pananaliksik.
  • Populasyon at mga manunugon
    Ang bahaging ito ay nagsasaad ng katangian ng mga manunugon at pagtiyak na
    kinakatawan nila ang buong populasyon ng sector o grupo na pakay ng paksa o isyu
    na pinag-aaralan.
  • Instrumento
    Ang bahaging ito ay tumutukoy sa kaangkupan at pagkamaaasahan ng
    mga gagamiting talatanungan, gabayna katanungan sa panayam o talakayan
    at iba pang dokumentng kailangan upang kumalap ng datos.
  • Paraan ng Pagkalap ng Datos
    Ang bahaging ito ay naglalahad ng proseso sa pagkalap ng datos mula sa
    pagpapadala ng sulat sa mga kinauukulang tao o ahensya, pagsamsam ng mga
    instrument, at pagbalangkas ng pamanahong papel.
  • Paglalapat ng Istatistiks sa mga datos
    Ang bahaging ito ay nagsasaad ng mga istatistikong pamamaraan na
    nagamit sa pananaliksik.
  • Paglalapat ng Istatistiks sa mga datos
    Ang bahaging ito ay nagsasaad ng mga istatistikong pamamaraan na
    nagamit sa pananaliksik.
  • Estratipikadong Random na Pagtukoy ng kinatawan
    Ang istrata ay mga grupong napapaloob sa isang populasyon na nagtataglay ng
    magkakaparehong katangian.
  • Kota o Porsyentuhang pagtukoy ng Kinatawan
    Ang hindi Pantay-pantay na kinatawan ng bawat istrata ay karaniwang nilalapatan
    ng kota o porsyento.
  • Kumbensyenteng Pagtukoy ng Kinatawan
    Ang mga kinatawan ay pipiliin sa pamamagitan ng kung sino ang maaaring
    tumugon sa oras ng paghahanap ng kinatawan.