Ang French Revolution ay mahalagang bahagi ng kasaysayan sapagkat hudyat ito ng simula ng pagbuwag sa mga ganap na monarkiya at pagbubuo ng mga nation-state sa kontinental na Europe
Ang France noong ika-18 siglo ay isa sa mga malakas na monarkiya sa Europe
Tinatawag na Lumang Rehimen, isang ganap na monarkiya ang umiiral sa France.
Ayon sa Lumang Rehimen, nag- tatamasa ang First Estate at Second Estate ng maraming pribilehiyo at karapatan. Ang First Estate ay nagmamayari ng 10 porsiyento ng lupa sa France ngunit hindi aabot sa isang porsiyento ng populasyon ang bilang nito.
Nahahati naman sa tatlong uring panlipunan o tatlong estado ang lipunang French: First Estate ng paring Katoliko, Second Estate ng mga noble, at Third Estate ng mga ordinaryong mamamayan.
Ang Second Estate ay binubuo ng mayayamang maharlika na hindi lalampas sa 2 porsiyento ng kabuoang populasyon. Bagama't hawak nila ang may 20 porsiyento ng lupa halos walang buwis na ibinibigay sa pamahalaan.
Pasan-pasan ng nakararaming mamamayan ang pagbabayad ng buwis at wala silang natatanggap na pribilehiyo. Sila ang Ikatlong Estate na bumubuo sa 97 porsiyento ng populasyon. Binubuo ito ng bourgeoisie, mga manggagawa sa kalunsuran, at mga magsasaka sa kanayunan.
Ang bourgeoisie ang gitnang uri na kinabibilangan ng mga mangangalakal, mga may-ari ng pabrika, mga doktor, mga abogado, at mga manunulat.
Nasa gitna ng krisis-pinansiyal at iba pang suliranin ang France noong 1780.
Napilitan ang hari ng France na si Louis XVI na ipatawag ang Estates-General noong 1789 upang harapin ang krisis-pinansiyal.
Ang Estates-General ay isang lupon ng mga nahalal na kinatawan mula sa tatlong estates
Ang pinakahuling pagpupulong ng Estates-General ay ginanap noong 1614 pa.
Nagbukas ang Estates-General sa Versailles noong Mayo 5, 1789.
Ang sunod-sunod na pangyayari dahil sa hindi magkasundo sa Estates-General ang naging sanhi ng pagsiklab ng French Revolution.
Noong Hunyo 17, 1789 nagdesisyon ang mga kinatawan ng Third Estate na bumuo ng National Assembly.
Tumanggi namang kilalanin ni Louis XVI ang National Assembly kung kaya't hindi pinayagang magpulong ang Third Estate kung kaya't sapilitan silang pumasok sa tennis court ng Versailles at nanumpang hindi lalabas doon hanggang hindi nabubuo ang konstitusyon. Tinawag itong Tennis Court Oath.
Sinalakay ng mamamayan ang kulungan sa Bastille noong Hulyo 14, 1789 para sa mga armas na naroon.
Ang Bastille ay isang muog na ginawang kulungan at naging simbolo ng pang-aapi at pagmamalabis ng Monarkiya sa France.
Noong Agosto 27, 1789, inilabas ng National Assembly ang Declaration of the Rights of Man na naglalaman ng adhikain ng bourgeoisie mula sa kaisipan ng Enlightenment at American Revolution.
Noong Oktubre 5, 1789, nagmartsa tungong Versailles ang libo-libong kababaihan ng Paris at tagasuporta nila ukol sa mataas na presyo ng pagkain at kakulangan ng tinapay.
Mula 1789 hanggang 1791, ang bourgeoisie sa National Assembly ay nagpatuloy sa reporma kasama ang pagkontrol sa pamamalakad sa Simbahan.
Noong Hunyo 20, 1791, tinangka ni Louis XVI at kaniyang pamilya na tumakas tungong Austrian Netherlands ngunit napigilan sila bago makalabas ng teritoryo ng France
Ikinulong ang hari noong Agosto 1792.
Noong Setyembre, binuwag ang monarkiya at itinatag ang isang republika.
Noong Enero 21, 1793, pinugutan sa guillotine si Louis XVI.
Ang asawa ng hari na si Marie Antoinette ay namatay din sa guillotine noong Oktubre 16, 1793.
Pinamunuan nina Maximilien Robespierre at Georges Danton ang radikal na grupo ng mga Jacobin.
Itinatag nila Robenpierre at Georges Danton ang isang bagong pulungan na National Convention na tumagal lamang mula Setyembre 1792 hanggang 1793
Ipinatupad ni Robespierre ang isang marahas na patakaran ng pagtugis at pagpatay sa mga kalaban at kritiko ng pamahalaan. Tinawag ang panahong ito bilang Reign of Terror.
Mula 20 000 hanggang 40 000 ang tinatayang namatay na kaaway diumano ng republika mula Setyembre 1793 hanggang Hulyo 1794 kasama si Danton na kapwa Jacobin.
inaresto ng ilang kasapi ng National Assembly si Robespierre noong Hulyo 27, 1794 at hinatulan din ng kamatayan sa guillotine.
Tanyag na heneral ng hukbong French, si Napoleon ay isang magaling na politiko rin. Sa ekonomiya, isinulong niya ang kalakalan at industriya at itinatag ang pambansang bangko.
Binuo rin ang kodigo ng batas para sa France na tinawag na Napoleonic Code.
Halos ang buong Europe ang naging saklaw ng imperyong French sa ilalim ni Napoleon. Binuo rin niya ang Continental System upang pabagsakin ang ekonomiya ng Britain sa pamamagitan ng pagbabawal sa anumang barkong British na dumaong sa France at kaalyadong bansa nito na tumagal mula 1806 hanggang 1813.