Ang introduksyon ay naglalaman ng paliwanag o panimula ng aklat.
Ang konklusyon ay naglalaman ng pagsusuri, konklusyon, at rekomendasyon hinggil sa paksa ng aklat.
Palarawan (Descriptive) – Pinag-aaralan sa ganitong uri ang pangkasalukyang sitwasyon o ginagawa, pamantayan at kalagayan.
Ekspiremental – Mas kilala rin ito sa tawag na “actionresearch”. Ito ay nagbibigay pokus sa kung anong mangyayari sa hinaharap.
Pangkasaysayan (Historical) - sa uring ito ng pananaliksik ay pinagtutuuan ng pansin ang NAKALIPAS. Ang mga kaganapan noon ay muling binabalikan at sinusuri at ang pagtingin sa kasaysayan nito sa kasalukuyang kaganapan.
Pag-aaralsaisangKaso (CaseStudy) - Isa itong masusing pag-aaral ng isang pangyayari, karanasan o kaso ng isang pasyente, guro, mag-aaral o kaya’y mga kaso sa hukuman.
HambingangPamamaraan (Comparative Analysis) - Nakapaloob sa uring ito ang hambingan ng mga nakalap na datos kung alin ang mas nakalalamang at alin naman ang nahuhuli. Ang halimbawa nito ay ang pagsusuringpampanitikan (LiteraryCriticism) kung saan ay pinag-aaralan ang mga akda ng dalawang manunulat sa mga element nito gaya ng sa nobela at maikling kwento: ang tauhan, tema, tagpuan, pangyayari at iba pang elemento.
ANGPAGTUKOYATPAGPILINGPAKSAPARASAPANANALIKSIK
Kilala ito sa Ingles na “research problem”.
Ang introduksyon ay naglalaman ng background hinggil sa paksang napili. Maari
itong tumalakay sa kahulugan, naranasang suliranin tungkol sa paksa, ang pagbabahagi ng
kasaysayan sa paksa, maari ring nakapaloob dito mga pananaw ng mga eksperto tungkol sa
paksang napili at hindi rin dapat mawawala ang pananaw ng mananaliksik.
RASYONAL
Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano at Bakit. Ano ba ang tungkol sa iyong
pinag-aaralang paksa at Bakit kailangan pa itong pag-aralan. Sa mga mananalikaik na mag
aaral, ang isa’t kalahating pahina sa bahaging ito ay maari na o sapat na.
KALIGIRANG TEORETIKAL
Ang teorya ay isang konsepto na nagpapaliwanag kung bakit patuloy na naoobserbahan, lumalabas at nakikita ang isang kalagayan o phenomena. Ito ay naglalahad ng mga pahayag na may kaugnayan sa paksang pinag-aaralan. Ang paglapat ng teorya sa napiling paksa ay nagbibigay ng mabigat na dahilan kung bakit mahalaga ang napiling paksa at kinakailangan talaga itong pag-aralan.
Ang balangkaskonseptwal ng gawaing pananaliksik ay ang Iskematikong Paglalahad ng Kaligirang Teoritikal ng Pag-aaral. Ito ay presentasyon ng mga buod ng baryabol na tinalakay sa Kaligirang Teoritikal ng Pag-aaral at ang mga katanungang nais mabigyan ng kasagutan na nakapaloob naman sa paglalahad ng suliranin.
Kadalasan, ang balangkas konseptwal ay sumusunod sa ayos na:
INPUT à PROCESSàOUTPUT, subalit, mayroon din naming pagaaral na hindi na kailangan ng ganitong ayos basta’t makikita Lamang Dito Ang Mga Baryabol Sa Paksang pinag-aaralan
KAUGNAYNALITERATURA
Ang mga impormasyon at konsepto na makukuha mula sa pagbabasa ng mga aklat, pahayagan, magasin, journal, pampleto o iyong mula sa internet ay ang mga kaugnay na literature na nagpapatibay sa paksang pinag-aaralan.
KAUGNAYNAPAG-AARAL
Ang mga kaugnay na pag-aaral ay ang mga kaalamang nagdadag sa karunungan ng mga pamanahong papel, Project Implementation, Tesis at mga Disertasyon
Ang Pamanahong Papel ay isang sulating pang-akademiko na hindi nangangailangan ng lubusang
paghahanda sapagkat hindi naman ito nangangailangan ng datos.
Ang ProjectImplementation naman ay proyektong isinagawa sa halip na tesis. Ito
ang kadalasang ipinapagawa sa mga mga mag-aaral na nasa programang “non-thesis”.
Ang tesis naman ay ang pananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo
bilang isa sa mga pangangailangan sa isang akademiko.
Ang disertasyon naman ay ang katawagan sa pananaliksik ng mga mag-aaral sa antas doktorado.
Kaparehas ng bahagi ng tesis ang desertasyon subalit higit itong mabusisi dahil ito ang
pinakamataas na antas ng pag-aaral.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Dito babanggitin ang sanhi o layunin ng pananaliksik na maaring sa anyong patanong o simpling paglalahad ng layunin. Iaanyo nitong nangunguna ang pangkalahatang layunin o ang malawakang konsepto na susundan ng tatlo o higit pang mga tiyak na layunin.
KAHALAGAHANNGPAG-AARAL
Bahagi ng gawaing pananaliksik na mailahad ang kahalagahan ng napiling paksa sa iba’t ibang sector o pangkat ng mga taong makikinabang sa isinasagawang pag-aaral at kung paano ito makatutulong sa kanila.
SAKLAWATLIMITASYONNGPAG-AARAL
Ang bahaging ito ng pananaliksik ay sumasaklaw at naglilimita sa sa sakop ng isinasagawang pag-aaral. Ang banggitin lamang dito ay ang mga konsepto, mga tao, sitwasyon at maging ang mga lugar na magiging hangganan ng pag-aaral.
KATUTURANNGMGATERMINONGGINAMIT
Mahalaga na mabigyang katuturan ang mga salita o mga baryabol na nakapaloob sa paksang napili at kung paano ginamit ang mga salitang ito sa pananaliksik upang higit na maintindihan ang ginagawang pag-aaral. Tandaang ang paglalahad ng mga termino ay kinakailangang nakaayos paalpabetikal
DISENYONGPANANALIKSIK
Ibinabahagi rito ang uri ng pananaliksik na maaring ilapat sa pag-aaral tulad ng uring kwantitatibo o kwalitatibo sa tulong ng mga disenyong deskriptibo, ekspiremental, paghahambing, pangkasaysayan, genetic study o kaya’y case study.
KAPALIGIRANNGPANANALIKSIK
Ang lokasyon ng isinasagawang pag-aaral ay inilahahad sa bahaging ito. Kung ang pag- aaral ay isinagawa sa isang lokalidad, isntitusyon, establisyemento o saang lugar mana nakapokus ang pag-aaral, kailangang maipresenta ito
RESPONDANTENGPANANALIKSIK
Ang bahaging ito ay naglalahad kung sinp-sino ang mga mga kasangkot o tagatugon sa isinasagawang pag-aaral at kung paano sila napili.
INSTRUMENTONGPANANALIKSIK
Inilalahad dito kung anong kagamitan ang ginamit ng mananaliksik bilang instrument sa pangangalap ng datos. Halimbawang mga instrument na maaring gamitin ay ang talatanungan, tseklist, surbey, pakikipanayam gamit ang video cam, recorder at iba pa
TRITMENTNGMGA DATOS
Sa bahaging ito, ipinapaliwanag ng mananaliksik ang paraan ng mga nakalap na datos. Sa tulong ng isang istatistiks na magagamit upang madaling maunawaan ang datos na ibinabahagi (kwantitatibong uri ng pananaliksik),
Ito ang pinakamahaba at pinakamatagal matapos sa lahat ng bahagi ng pananaliksik. Inilalahad sa bahaging ito ang mga datos na nakolekta mula sa ibinibigay ng talatanungan, tseklist, pakikipanayam at anumang instrumentong ginamit sa pangongolekta ng mga datos upang mailalahad sa bahaging ito.
NATUKLASAN
Ito ang buod ng mananaliksik sa resulta, suliranin, o layunin ng pag-aaral. Inilalahad niya rito ang mga kasagutan sa mga suliranin sa napiling pag-aaral. Kung ilan ang layunin ay parehong bilang din ang dapat na ibabahaging natuklasan. Dapat tugma ang natuklasan at ang layunin ng pag-aaral.
Ang konklusyon naman ay maaring isulat nang maiksi lamang. Pwede na ang isang talata sa paglalahad dito. Pinatutunayan sa konklusyon kung tinanggap ba o hindi ang theoretical assumption ng pag-aaral.
Ang rekomendasyon naman ay dapat nakaangkla sa mga natuklasan. Ang natuklasan bilang 1, ay ang bibigyan ng rekomendasyon sa bilang 1. Ang ibig sabihin nito ay bubuo ng rekomendasyon batay sa kung ano ang natuklasan