Araling Panlipunan

Subdecks (3)

Cards (172)

  • Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
  • Sa loob ng mahabang panahon ay ipinatupad ng China ang paghihiwalay ng kaniyang bansa mula sa daigdig (isolationism) dahil sa mataas na pagtingin niya sa kaniyang kultura at naniniwala siya na makasisira ito kung maiimpluwensiyahan ng mga dayuhan
  • Bagamat pinahihintulutan ang mga Kanluranin, pinapayagan lamang sila sa daungan ng Guanghzou at dapat na isagawa ng mga dayuhang mangangalakal ang ritwal na kowtow bilang paggalang sa emperador ng China
  • Bunga ng isolation, umunlad at napatatatag ng China ang kaniyang ekonomiya, kultura at politika. Nagawa ng China na makatayo sa sariling paa
  • Sa panahong ito, ang mga Kanluranin (Euroepans) ang siyang umaasa sa pakikipagkalakalan sa China
  • Ang karanaghaan ng China ay nagpatanyag sa kaniya hindi lamang sa Asya kundi maging sa mga bansa sa Europe
  • Ang paghahangad ng mga Kanluranin na maangkin ang yaman ng China ang pangunahing dahilan ng imperialismo sa bansa
  • Matagal nang hinahangad ng mga Kanluranin na masakop ang China
  • Pananakop ng mga Kanluranin sa China
    1. Tinutulan ng Emperador na ipasok sa bansa ang opyo na produkto ng bansang England
    2. Opyo ay isang halamang gamot na kapag inaabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan
  • Dahil sa opyo
    Nabaligtad ang sitwasyon ng mga British at mga Tsino
  • Mas marami na ngayon ang produktong inaangkat ng mga Tsino mula sa mga British kaysa inaangkat ng mga British mula sa China
  • Sinamantala ito ng England, at kahit ipinagbabawal, patuloy pa rin na nagpasok ng opyo ang mga British sa mga daungan ng China
  • Ito ang naging dahilan
    1. Unang Digmaang Opyo1839-1842Pagkumpiskapagsunog sa opyo nanakuha mula sa isangbarkong pagmamay-ari ng mga BritishChina at EnglandNatalo ang mga Tsino dahil sa lakas ngpuwersa ng mga BritishNilagdaan ang Kasunduan sa Nanking(Nanjing)Mga nilalaman:Binuksan ang iba pang daungan tuladng Amoy, Foochow, Ningpo at Shanghai2. Pag-angkin ng England sa Hong Kong3. Pagbabayad ng China ng 21 milyongdolyar bilang bayad-pinsala4.Ipinagkaloob sa England angkarapatang extraterritoriality
    1. Ikalawang Digmaang Opyo 1856-1860Pagpigil ng isang opisyal ng adwanana makapasok ang barko ng mgaBritish na may dalang opyo. Sumalidin ang France dahil sa diumano aypagpatay sa isang misyonerongPranses sa China.China laban sa Englandat FranceNatalo ang mga Tsino dahil sa lakas ngpuwersa ng England at FranceNilagdaan ang Kasunduan sa Tientsi(Tianjin)Mga nilalaman:Binuksan ang 11 pang daungan parasa kalakalan2. Pag-angkin ng England sa Kowloon3. Pagpapahintulot sa mga Kanluraninna manirahan sa Peking at makapasoksa buong China.4. Ginawang legal ang pagbebenta ngopyo sa pamilihan ng China.
  • Paghina ng katatagan ng pamahalaan nito. Sinamantala ito ng mga Kanluranin at tuluyang sinakop ang bansa.
  • Hindi katulad ng ibang bansa sa Asya, hindi sinakop ng mga kanluranin ang buong China.
  • Upang maiwasan ang digmaan sa pagitan ng mga kanluranin, hinati nila ang China sa mga spheres of influence noong 1900s.
  • Spheres of influence
    Mga rehiyon sa china kung saan nangingibabaw ang karapatan ng kanluraning bansa na kontrolin ang ekonomiya at pamumuhay ng mga tao dito.
  • Binigyan din ng karapatan ang mga kanluraning bansa na magpatayo ng iba't ibang imprastraktura gaya ng kalsada, tren at mga gusali upang paunlarin ang kanialng sphere of influence.
  • Ipinatupad din sa mga lugar na ito ang karapatang extraterritoriality.
  • Spheres of Influence sa China
    • England - Hongkong
    • Yang Tze valley
    • Weihaiwei
    • France - Zhanjiang
    • Kwangchow
    • Germany - Kwantung
    • Qingdao
    • Yunnan
    • Portugal - Macao
    • Russia - Manchuria
  • Open Door Policy
    Paghahati-hati ng China sa spheres of influence ay nagdulot ng pangamba sa bansang United States dahil sa posibilidad na isara ang China sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa na walang sphere of influence dito
  • Mungkahi ni John Hay, Secretary of State ng United States
    1. Pagrespeto sa karapatan at kapangyarihan sa pakikipagkalakalan sa mga lugar na sakop ng sphere of influence ng mga Kanluranin
    2. Pagbibigay ng karapatan sa China na mangolekta ng buwis sa mga produktong inaangkat mula sa bansa
    3. Paggalang sa mga itinakdang halaga ng buwis ng mga Kanluraning bansa sa paggamit ng mga kalsada, tren at daungan sa kani-kanilang spheres of influence
  • Dahil sa mga patakarang sphere of influence at open door, napanatili ng China ang kaniyang kalayaan, subalit nanatiling kontrol ng mga mananakop ang kaniyang ekonomiya
  • Nawala sa kamay ng mga Tsino ang kapangyarihan na magtakda ng kanilang mga patakaran para sa mga dayuhan
  • Gumuho ang dating matatag na pamamahala ng mga emperador dahil sa panghihimasok ng mga dayuhang dinastiya
  • Pumasok sa China ang iba't ibang impluwensiya ng mga Kanluranin na nakapekto sa kanilang iniingatan at ipinagmamalaking kultura
  • Japan
    • Napaunlad ang kaniyang ekonomiya, napatingkad ang kaniyang kultura at pagpapahalaga at napatatag ang kaniyang pamamahala dahil sa pagsasara ng kaniyang mga daungan mula sa dayuhan
    • May ugnayan sa mga bansang Netherlands, China at Korea, hindi nito pinahihintulutan na makapasok sa bansa ang mga dayuhan
  • Sa pagdating ng mga Kanluranin sa Asya, isa ang bansang Japan sa mga ninais nilang masakop
  • Nagpadala ng kanilang mga kinatawan ang bansang England, France, Russia at United States subalit lahat sila ay tinanggihan ng Japan
  • Pangulong Milliard Filmore ng United States ipinadala si Commodore Matthew Perry upang hilingin sa emperador ng Japan na buksan ang kaniyang mga daungan para sa mga barko ng United States

    1853
  • Kailangan ng mga barko ng United States na tumatawid sa Karagatang Pasipiko nang mapagdadaungan upang mapagkuhanan ng karagdagang pagkain, tubig at panggatong
  • Nakita ng mga Hapones ang naglalakihang barko ng United States na armado ng kanyon
  • Ang ginawang ito ni Perry ay isang babala na kung hindi bubuksan ng mga Hapones ang kanilang daungan, hindi magdadalawang isip ang United States na gamitin ang kanilang puwersa
  • Tinanggap ng Japan ang United States sa bisa ng Kasunduang Kanagawa
    1854
  • Sa ilalim ng kasunduang ito ay binuksan ang mga daungan ng Hakodate at Shimoda para sa mga barko ng United States
  • Pinahintulutan din na magtayo ng kaniyang embahada ang United States sa Japan
  • Dahil sa pagbubukas ng Japan, nakapasok na din sa kanilang bansa ang mga Kanluranin tulad ng England, France, Germany, Russia at Netherlands
  • Nawala sa kamay ng Shogunato ng Tokugawa ang kapangyarihan