Bsedfil 8 kabanata 1

Cards (34)

  • Ang pagsasalin ay paglalahad sa ibang wika ng katumbas na kahulugan sa isang wika.
  • Ang pagsasalin ay isang paraan ng pagpapalit ng diwang inihahayag sa isang wika ng katapat na diwa sa ibang wika.
  • Ayon naman sa Webster’s New World Dictionary of the American Language ito ay palitan ng kahulugan sa ibang wika at paglalahad nito sa ibang pananalita.
  • Ayon sa New Standard Dictionary ito ay pagbibigay ng diwa o kahulugan sa ibang wika.
  • Ayon sa American College Dictionary ito ay Paglalahad ng isang kaisipan sa wikang iba sa orihinal.
  • Ayon kay Catford, 1965 ang pagsasalin ay pagpapalit ng tekstwal na materyal ng pinagmulang wika ng katumbas ng tekstwal na materyal sa target na wika
  • Isang paraan ng paglalapat ng katumbas na kahulugan sa isang wika ng tinutumbasang kahulugan sa ibang wika. (C.J. Catford, 1967).
  • Ito ang proseso ng paglilipat o pagsasaling-wika ng pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng nakasaad sa wikang isasalin (Nida at Taber, 1969).
  • Ang pagsasaling- wika ay isang sining ng pagpapahayag ng isang orihinal na akda nang hindi nagbabago ang diwa at kaisipang ipinahahayag nito tungo sa ibang wika. (Santiago,1976).
  • Ang pagsasalin ay isang paghaharap o pagsasama ng panlinggwistika at pampanitikang sistema na kung saan ang pagbabago sa pagsasalin ay natutukoy sa pagkakaiba ng dalawang wika, dalawang awtor at dalawang kaligirang kasangkot sa panitikan. (Popovic,1979)
  • na angkop sa target na wika at sa kultural na kalagayan ng target na wika. (Larson,1984 ).
  • Ito ay isang sistematikong paraan ng paglilipat ng diwa o mensahe mula sa isang wika patungo sa ibang wika. Ito ay pagbibigay ng pinakamalapit na katumbas ng diwa ng isang mensahe. (Guamen, 1986).
  • Ito ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal- ang mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo. (Nida at Charles Taber,1989)
  • Ayon kay Dinglasan, 2001, “Ang pagsasalin ay ng paglilipat ng mensahe ng isang akdang nasusulat sa isang wika (ang simulang lenggwahe o TL). Ang pagsasalin ay tulad din ng orihinal na pagsulat sa orihinal upang maipahayag ang mensahe sa ibang wika, ay nagdaraan sa prosesong dinaraanan din ng orihinal na awtor.
  • Ang mga layuning nagbubunsod sa pagsasaling-wika ay kagaya ng: una, pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda; ikalawa, sa pagbibigay-liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o panahon; at ikatlo, sa pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na makabuluhan ng isa o ilang tao. (Lumbera, 1982
  • Sa larangan ng edukasyon, higit na kapaki-pakinabang ang pagsasaling-wika sa pagtuturo ng mga paksa at asignaturang malapit na kaugnay ng mga karanasan, kapaligiran, ugali at kaasalan ng mga mag-aaral. Sapagkat sa paggamit nila ng kanilang sariling wika sa gayoong mga pangyayari ay higit na nagkakaunawaan at nagkakadamahan sila ng kanilang mga interaksyon (Catacataca, 1984)
  • Kahulugan
    Denotasyon ng isang salita
  • Damdamin
    Konotasyon ng isang salita
  • Sa panitikan, ang damdaming kaakibat ng salita o ang konotasyon nito ang dapat malinang
  • Sa katutubong salita lamang magagamit ng manunulat ang kahulugan at damdaming napapaloob sa isang salita
  • Kapag ginamit ang wikang banyaga, ang salitang yaon ay natutuyuan ng damdamin, init, lasa, hipo, tunog at amoy
  • Kapag ginamit ang wikang banyaga, ang napakayamang karanasan ng buhay na maaaring pukawin ng salitang yaon ay naglalaho
  • Sa pagsasalin, mapatitibay ang pagtanggap sa mga teorya, konsepto at estratehiya sa pagsasalin ng mga akdang pampanitikan; bukod pa sa makatutuklas ang sinumang tagapagsalin ng mga solusyon sa mga suliraning kinakaharap niya habang isinasagawa niya ang masining na pagsasalin ng mga akda.
  • Limang kadahilanan kung bakit ginagawa ang pagsasalin 1. Hindi lahat ay nakauunawa o nakapagsasalita ng Ingles patungo sa Filipino o vice versa
    2. Upang matulungan ang mga nagsasalita ng katutubong wika na maunawaan ito patungo
    sa Ingles o Filipino.
    3. Upang makaugnay sa global na ekonomiya
    4. Napapalawak nito ang mga ideya at impormasyon
    5. Tulong upang maiwasan ang “language barriers”
    6. Tulay sa puwang ng komunikasyon
  • Ang panuring pagsasalin ay isang applied translation theory na may limang layunin (Newmark, 1988): 1. Mapabuti ang mga pamantayan sa pagsasalin
    2. Maglaan ng may layong aralin para sa mga tagapagsalin
    3. Magbigay-liwanag sa mga ideya tungkol sa pagsasalin na may partikular na panahon at
    paksa.
    4. Makatulong sa interpretasyon ng mga gawa ng mga kilalang manunulat at tagasalin
    5. Masuri ang mga kritikal na pagkakaibang pansemantika at panggramatika.
  • DALAWANG URI NG SALIN 1. Lantad na Salin (Overt Translation) Ang lantad na salin ay karaniwang kailangan kapag ang orihinal na teksto ay nakatali sa kultura ng pinagmulang wika at malayang katayuan sa komunidad ng pinagmulang wika (House, 1977). 2. Di-lantad na Salin (Covert Translation) Ang di-lantad na salin ay karaniwang kailangan kapag ang alin mang dalawang nabanggit na kondisyon ay wala (House, 1977)
  • Apat na kategorya ng Salin Naglahad si Savory ng apat na kategorya ng salin: 1. Saling nagbibigay ng kabatiran gaya ng anunsyo, patalastas at paunawa.
    2. Saling sapat o yaong saling halos hindi mapagpasiyahan para sa karaniwang mambabasa, na ang ibig lamang ng mga mambabasa ay ang nilalaman ng akda.
    3. Saling sumasaklaw sa iba’t ibang porma gaya ng tuluyan sa tula, tula sa tuluyan o tula sa tula.
    4. Saling syentipiko o teknikal
  • Kailangang katulad na katulad ng orihinal sa diwa, ang estilo at paraan ng pagsulat ay katulad ng sa orihinal at taglay ang “luwag” at “dulas” ng pananalitang tulad ng sa oriihinal, upang hanggat maaari ay magparaang orihinal (Santiago, 1976)
  • Kailangang matagumpay na natamo ang layuning maipahatid ito sa kinauukulang target (Nida,1976).
  • Kailangang kumakatawan ito sa orihinal nang hindi nilalapaistangan ang wikang kinasalinan (Medina, 1988)
  • Kailangang meaning-based na nangangahulugang dapat itong magpahayag ng tamang kahulugan o diwa ng orihinal sa tunay na porma ng pokus ng wika (Larson, 1984).
  • Kailangang may sensibilidad, naipapahayag ang nilalaman at paraan ng orihinal, may natural at madulas na ekspresyon at tumutugon sa pagtanggap na tulad ng orihinal (Nida, 1964).
  • Mga katangian ng isang tagasalin 1. Isinasaalang-alang ang mga salita ng batayang wika kung nagkakaroon ng tiyakan at kalinawan ng salin sa Filipino. 2. Maaaring humiram sa iba pang katutubong wika kung wala sa batayang wika. 3. Maaaring hiramin ang bahagi ng salita o pariralang banyaga at baybayin sa ortograpiyang Filipino. 4. Maaaring hiramin nang buong-buo ang salita o pariralang banyaga nang hindi nagbabago ang baybay. 5. Maaaring gamitin pansamantala ang mga likhang salita na ginagamit na hanggang lalong lumaganap at maging palasak.
  • Ayon nga kay Newman, ang pagsusuri o ebalwasyon ay magsisilbing tagapag-ugnay ng mga teorya sa pagsasalin at pagsasapraktika ng mga teoryang ito.