AP Reviewer (4th Periodic)

Cards (47)

  • Nongovernmental organization sa nakabase sa Berlin, Germany. Itinatag ito noong 1993 para malabanan ang pandaigdigang katiwalian
    Transparency International
  • tumutukoy sa pag-abuso sa kapangyarihang ipinagkatiwala para sa pampribado o pampersonal na kapakinabangan
    Korapsiyon
  • Ang korapsiyon ay nangyayari sa mga pampubliko at pribadong sektor. Maaaring kasangkot ang mga indibidwal, kompanya, at organisasyon o samahan tulad ng isang partidong pampolitika

    Pampubliko at Pampribadong Sektor
  • Nangyayari ang korapsiyon dahil sa maling paggamit ng impluwensiya o posisyon. Maaaring gamiting instrumento ang ipinagkatiwalang kapangyarihan para maisulong ang pansariling interes.
    Pag-abuso sa Kapangyarihan
  • Ang mga kasangkot sa korapsiyon ay may nakukuhang pakinabang. Maaari ito ay salapi o mahahalagang pabor o kalamangan (advantage)
    Pakinabang
  • Estraktura at hanay ng mga patakarang kumokontrol sa mga aktibidad ng mga taong nagtatrabaho para sa malalaking organisasyon o pamahalaan

    Bureaucracy
  • Pasok dito ang mga gawaing may kaugnayan sa paniningkil o panghihingi, pagtanggap, at pamimigay ng salapi o espesyal na regalo sa pagitan ng mga indibidwal at organisasyon.
    Administrative o petty corruption
  • Tinatawag din itong state capture kung saan ang politiko ay naglalaan ng pondo mula sa pambansang badyet o kaya naman ay nagsusulong ng isang batas o desisyong politik na makatutulong para magkaroon ng isang proyekto na personal niyang pakikinabangan
    Political o grant corruption
  • Pag-impluwensiya ng mga politiko sa mahahalagang desisyon ng pamahalaan para maisulong ang pansariling interes
    State Capture
  • Isa sa mga pangunahing paraan ng korapsiyon
    Panunuhol (Bribery)
  • Buwis na ipinapataw sa nga inaangkat at iniluluwas na kalakal
    Tariff
  • Dito nakasaad ang kompletong detalye ng mga pag-aari at pananagutan (assets and liabilities).
    States of Assets, Liabilities, and Net Worth
  • Epektibong paraan ng pagkuha (procurement) ng kagamitan o mga serbisyo mula sa mga suplayer o kontratista sa pinakamababa at pinakamagandang kalidad
    Public Bidding
  • Parehong hinihingan ng mga dokumento ang mga manggagawa sa pampribado at pampublikong sektor bilang batayan ng wastong komputasyon ng binabayarang buwis ng pamahalaan
    Hindi pagbabayad o pag-iwas sa pagbubuwis (Tax Evasion)
  • ITR
    Income Tax Return
  • SALN
    Statement of Assets, Liabilitie, and Net Worth
  • Karaniwang naglulunsad ng mga proyekto ang pamahalaan bilang bahagi ng paghahatid ng mga serbisyo.
    Mga kunwaring pampublikong proyekto at empleyado (Ghost Projects and Employees)
  • Mahalagang makita ng mga tao ang mga proyekto ng pamahalaan. Dahil dito, sinisikap na maipatayo at matapos ang mga proyekto.
    Mga proyektong naantala at labis-labis ang halaga (Delayed and Overpriced Projects)
  • Gabay ng pamahalaan ang “public office is a public trust”. Dahil dito, bawat kontratang pinapasok nito ay dumadaan sa wastong pagdinig at pagsusuri
    Kawalan ng subasta o tasahan ng halaga para sa kontrata (Evasion of Public Bidding in the Awarding of Contract)
  • Inuugnay rin sa korapsiyon dahil sa hindi wastong paggamit ng kapangyarihan ng taong nasa katungkulan para maisulong o mapaboran ang pansariling interes ng mga kakilala o kamag-anak.
    Nepotismo o Pagtangi (Nepotism or Favoritism)
  • Ang puwersang paghingi ng salapi mula sa isang tao kapalit ng kaniyang kalayaan o kaligtasa ay tuwirang paglabag sa batas.
    Pangingikil na ginagamitan ng puwersa o pananakot (Extortion)
  • Ang pagnanais na manatilu sa kapangyarihan ay maaaring maging daan sa malawakang paggamit ng pondo ng pamahalaan upang maisulong ang pagpapatatag ng koneksiyon at alyansa sa magkakakamping politiko, walang nangyayaring checks and balances

    Patuloy na pag-iral ng dinastiyang politikal
  • Maaaring maging pundasyon ng kultura ng korapsiyon, Iisipin ng mga tao lalo ng mayayaman na gumagawa ng katiwalian na kayang kayang bilhin ang hustisya sa bansa
    Hindi maayos na pagpapatupad ng hustisya
  • Kapag mahina ang law enforcement system sa isang bansa, wala ring takot ang mga mamamayan na gumawa ng katiwalian
    Mahinang sistema ng pagpapatupad ng batas
  • May mga taong naniniwalang bahagi na ng pamumuhay ang korapsiyon. Mas pinipili ng iba na manahimik na lamang sa paniniwalang wala na silang magagawa pa para mabago ang sistemang politikal.
    Maling pananaw at pananahimik
  • Isa sa mga hindi magandang epekto ng korapsiyon. Samantala, maituturing din itong isang salik sa patuloy na paglaganap ng katiwalian.
    Matinding Kahirapan
  • May kani-kaniyang tungkuling ginagampanan, mapapribado o mapapublikong sektor man.
    Hindi pagtupad ng tungkulin at pagkakaroon ng mababang moralidad
  • Pinapagtibay nito ang probisyong nakasaad sa Saligang Batas 1987 ng Pilipinas partikular ang Artikulo XI, Seksiyon 1. Binibigyang-diin nito ang kapangyarihan ng pangulo na magsagawa ng mga hakbang para mabawi ang mga kayamanang tinangay (ill-gotten wealth) ng mga tiwalang opisyal at kawani ng pamahalaan
    Executive Order Number 292 or Administrative Code of 1987
  • Isinuaulong ng batas ang isang mataas na pamantayang pang-etika sa mga pampublikong serbisyo. Nakasaad dito na ang mga pampublikong opisyal at kawani ay may pananagutan sa mga tao at kailangang magampanan ang kanilang mga tungkulin nang may lubos na integridad, kakayahan, katapatan, pagmamahal sa bayan, at hustisya
    Batas Republika Blg. 6713 or “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees“
  • Inilatag nito ang estraktura ang Opisina ng Ombudsman na nakatalagang magsasagawa ng imbestigasyon sa mga pampublikong opisyal na nasasangkot sa mga kaso.
    Batas Republika Blg. 6770 or Ombudsman Act of 1989
  • Nakalahad rito na ang mga pinunong nagkamal ng salapi na hindi bababa sa ₱50,000,000.00 sa pmamaraang labag sa batas ay nagkasala sa krimeng pandarambong at karapat-dapat na maparusahan
    Batas Republika Blg. 7080 or Act Defining and Penalizing the Crime of Plunder
  • Itinakda sa Sandiganbayan bilang isang espesyal na korte, katumbas ng Court of Appeals. Binubuo ito ng presiding justice at 14 na associate na iniluklok ng pangulo. Ito ay may huridikasyon sa mga kasing kriminal at sibil.
    Batas Republika Blg. 8249 or Act Further Defining the Jurisdiction of the Sandiganbayan
  • Nakasaad dito na kailanagang mapanatili ng Estado ang katapatan at integridad sa mga serbisyong pampubliko at labanan ang graft and corruption
    Artikulo II: Seksyon 27
  • Nakalahad dito na katumbas o kaakibat ng katungkulang pambayan ang tiwala ng taumbayan (public office is a public trust)
    Artikulo XI: Seksyon 1
  • Nakasulat dito na ang Pangulo, Pangawalang-Pangulo, mga Mahistrado ng Kataa—taasang Hukuman, ang mga kagawad ng Komisyong Konstitusyonal, at ang Ombudsman ay maaaring tanggalin sa katungkulan sa pamamagitan ng impeachment process.
    Artikulo XI: Seksyon II
  • Ito ay alinsunod sa prinsipyo na ng mga pampublikong tanggapan ay lunos ja pinagkakatiwalaan ng publiko. Ipinaguutos nito ang pagpigil sa kagawiang may kaugnayan sa korapsiyon
    Batas Republika Blg. 3019 or Anti-Graft and Corrupt Practices Act
  • Sistema kung saan ang mga tagapagpatupad ng batas ay kumikilos sa isang organisadong paraan para tuklasin, hadlangan, tugisin, o parusahan ang mga taong lumalabag sa mga pamantayan at patakarang umiiral sa lipunan
    Law Enforcement System
  • Ayon dito sa propesor ng Northeastern University (NEU), Massachusetts, mahirap labanan ang korapsiyon kapag kumakalam ang sikmura
    Niko Passas
  • Sa Corruption Perceptions Index 2020 ng Transparency International, ang mga nabigyan ng pinakamababang puntos ay mahihirap na bansa. Ibig sabihin, mataas ang kaso na korapsiyon sa mga bansang naghihikahos ang ekonomiya
    Mabagl na paglago ng ekonomiya
  • Isang nonpartisan at nonprofit na organisasyon na naghahatid ng mga research at consultancy service.
    GlobalSecurity.org