AP Q1

Cards (50)

  • Kakapusan
    Limitado ng pinagkukunang-yaman upang tugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao, permanente at natural na katangian ng mga pinagkukunang-yaman
  • Kakulangan
    Nagaganap kapag hindi sapat ang supply ng produkto sa dami ng gustong bumili nito, panandaliang pagkawala ng balanse sa pamilihan na maaaring gawan ng paraan
  • Ang kakapusan ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
  • Ang kakapusan ay ang hindi kasapatan ng mga pinagkukunang-yaman upang tugunan ang mga kagustuhan ng mga tao
  • Dahil sa kakapusan, napipilitan ang lipunan na magpasya kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin ang mga ito, at para kanino gagawin ito
  • Ang kakapusan ay isang pangkalahatang katotohanang ekonomiko. Lahat ng bansa, maging mahirap o mayaman, ay nahaharap sa pagiging limitado ng mga pinagkukunang-yaman
  • Ang kakulangan o shortage ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto
  • Upang malunasan ang kakulangan sa bigas, ang pamahalaan ay maaaring umangkat ng bigas sa ibang bansa
  • Tumutukoy ang kakulangan sa sitwasyon kung saan hindi nakasasapat ang supply ng isang produkto sa planong pagkonsumo ng mga mamimili
  • Ang kakulangan ay pansamantala sapagkat may magagawa pa ang tao upang masolusyunan ito
  • Dahilan ng Kakapusan
    • Maaksayang paggamit ng pinagkukunang yaman
    • Non-renewability ng ilang pinagkukunang yaman
    • Kawalang hanggan ng pangangailangan ng tao
  • Dahilan ng Kakulangan
    • Panic buying
    • Trending (nauuso o sikat)
    • Hoarding
    • Typhoon
    • Paglaganap ng sakit
  • Inilarawan ni N. Gregory Mankiw (1997) ang kakapusan bilang isang pamayanan na may limitadong pinagkukunang-yaman na hindi kayang matugunan ang lahat ng produkto at serbisyo na gusto at kailangan ng tao
  • Palatandaan ng Kakapusan
    • Pagkaubos ng kagubatan sa daigdig
    • Pagkonti ng nahuhuli na isda at iba pang lamang-dagat dahil sa pagkasira ng coral reefs na nagsisilbi nilang tahanan
    • Ang produktong agrikultural na nakukuha mula sa lupa ay maaaring mabawasan dahilan sa pabago-bagong panahon at umiinit na klima
    • Ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay naluluma, maaring masira, at may limitasyon din ang maaaring malikha
    • Maging ang oras ay hindi mapapahaba, mayroon lamang tayong 24 oras sa isang araw
    • Ang pera ay maari ring kapusin dahil hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera
  • Marapat na maunawaan ng bawat isa na sa paglipas ng panahon, maaaring maubos pa ang mga pinagkukunang yaman kasabay ng patuloy na lumalaking populasyong umaasa rito
  • Paraan upang Mapamahalaan ang Kakapusan
    • Kailangan ang angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksyon
    • Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad ng mga ito sa paglikha ng produkto at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo
    • Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at makapagpapalakas sa organisasyon, at mga institusyon (institutional development) na nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya
    • Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksyon sa mga pinagkukunang-yaman
  • Mga isinusulong ng mga programang pangkonserbasyon
    • Pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan at sa kalunsuran
    • Pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na nakalilikha ng polusyon
    • Pagkordon o enclosure ng mga piling lugar na malala ang kaso ng ecological imbalance (protected areas program)
    • Pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga hayop (endangered species)
  • Alokasyon
    Tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, produkto, serbisyo
  • Sistemang pang-ekonomiya
    Pamamaraang isinasagawa ng mga bansa upang maisaayos ang paraan ng produksyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang ekonomiya, upang matugunan ang suliraning ng isang lipunan
  • Pangunahing katanungang pang-ekonomiko
    • Ano ang lilikhain?
    • Para kanino ang lilikhain?
    • Paano lilikhain?
    • At gaano karami ang lilikhain?
  • Tradisyunal na ekonomiya
    Ang pinakaunang anyo ng sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay madaling sagutin sapagkat sa pangunahing pangangailangan tao lamang nakatuon, tulad ng pagkain, damit, at tirahan
  • Pampamilihang Ekonomiya
    Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng mga gawain. Ang presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksyon ng konsyumer at prodyuser sa pamilihan
  • Ipinag-utos na Ekonomiya
    Nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagpapaplanong pang-ekonomiya ay nagmumula sa pinakamataas na baitang ng pamamahala at ito ay ibaba sa iba't-ibang institusyon ng pamahalaan upang maipatupad
  • Pinaghalong Ekonomiya
    Bunga ng pinagsama o kombinasyon ng market economy at command economy. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado
  • Pangangailangan
    Mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang mga basic needs - damit, pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait ang mga bagay na nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o kamatayan.
  • Kagustuhan
    Ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan (basic needs). Ito ang mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay maaari pa rin siyang mabuhay. Hinahangad ito ng tao sapagkat ito ay magbibigay kaginhawaan, kasiyahan, kaunlaran, at karangalan.
  • Ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan
  • Pangangailangan
    • Kung ipagkakait ito, magdudulot ito ng sakit o kamatayan
  • Kagustuhan
    • Ang pagnanais na tugunan ito ay bunga lamang ng layaw ng tao at maaring mabuhay kahit wala ito
  • Teorya o hirarkiya ng pangangailangan ni Abraham Harold Maslow
    Kailangan munang matugunan ng tao ang mga pangunahing pangangailangan bago umusbong ang panibagong pangangailangan
  • Mga pangangailangan ayon kay Maslow
    • Pisikolohikal (Physiological)
    • Seguridad at Pangkaligtasan (Safety)
    • Pangangailangang Panlipunan (Social)
    • Pagkamit ng respeto at respeto ng ibang tao (Self-Esteem)
    • Mga kaganapang pagkatao (Actualization)
  • Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa edad ng tao
  • Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa antas ng pinag-aralan
  • Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan at pinagtatrabahuhan ay nakakaapekto rin sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan
  • Ang panlasa ay isa sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan
  • Kapag tumataas ang kita ng tao
    Tumataas din o dumarami rin ang kanyang kagustuhan at pangangailangan
  • Kapag nababawasan ang kanyang kita
    Nababawasan din ang kanyang pangangailangan at kagustuhan
  • Ekonomiks
    Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman
  • Ekonomiks
    Mula sa salitang Griyego na oikonomia, oikos na ang ibig sabihin ay bahay at nomos ay pamamahala. Kung pagsasamahin natin, ang ekonomiks ay pamamahala sa bahay.
  • Uri ng pinagkukunang-yaman
    • Yamang likas
    • Yamang kapital (capital goods)