pagbasa

Cards (37)

  • Mahalaga ang pangangalap ng angkop na bibliyograpiya o talasanggunian Upang ang sulating pananaliksik ay maging malaman at may basehan
  • Bahagi ng isang pananaliksik o aklat
    • Aklat
    • Dyornal
    • Pahayagan
    • Magasin
    • Di nakalimbag na batis katulad ng pelikula, programang pantelebisyon, dokumentaryo, at maging ang mga media networking site
  • Mahalagang magkaroon ng bibliyograpiya o talasanggunian ang isang pananaliksik o aklat sapagkat ito ay isa sa mga katibayan ng pagiging makatotohanan ng pananaliksik o aklat na ginawa
  • Ipinakikita nito na ang nilalaman ng pananaliksik o aklat ay hindi lamang pansariling opinyon o gawa-gawa ng mananaliksik kundi mayroon talagang iba't ibang basehan na nagpapatunay ng katumpakan o katiyakan ng mga impormasyong nilalaman nito
  • Sa pagsulat ng bibliyograpiya o talasanggunian, mahalagang makuha ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat o artikulo, lugar ng publikasyon, tagapaglathala, at taon kung kailan ito nalathala
  • Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
    1. Maghanda ng mga index card na pare-pareho ang laki
    2. Isulat sa mga index card na ito ang mahahalagang impormasyon ng iyong sanggunian
    3. Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong sanggunian
  • Iba't ibang paraan sa pagsulat ng bibliyograpiya
    • APA o American Psychological Association
    • MLA o Modern Language Association
    • Chicago Manual of Style
  • Bilang mananaliksik, kailangan mong malaman ang mga etikang dapat sundin upang maiayos mo ang iyong gawain
  • Pagkuha at Pagsasaayos ng mga Tala

    1. Maghanda ng mga index card na pare-pareho ang laki
    2. Isulat sa mga index card na ito ang mahahalagang impormasyon ng iyong sanggunian
    3. Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong sanggunian
  • Nararapat lamang na kilalanin mo ang pinagmulan ng mga kaisipang iyong ginamit
  • Maaaring humingi ng permiso sa may-akda, at kung hindi ito pumayag ay huwag na itong gamitin
  • Tahasang pangongopya o pandaraya sa pananaliksik ay isang krimen
  • Pagsasaayos ng mga nakalap na tala
    1. Suriin ang mga talang isinulat sa mga notecard
    2. Maghanda ng isang notebook o i-encode sa computer ang anumang kaisipan, tanong, o komentaryo
  • Pagsusuri ng mga nakalap na tala
    1. Siguruhing ang mga impormasyong nakuha ay konektado sa binuong tesis
    2. Suriin ang mga ideya at i-klasipika bilang pangunahin at pantulong
    3. Isulat ang iba mong komentaryo tungkol sa paksa at nakalap na tala
    4. Timbangan kung sapat na ba ang nakalap upang mapagtibay ang binuong tesis
  • Matapos ang masusing pagsusuri ng mga nakalap na tala, maaaring rebisahin nang kaunti ang tesis
  • Ilang konsiderasyon sa pagkuha at paggawa ng mga talâ
    • Gumamit ng isang card para sa isang kaisipan o ideya
    • Tiyaking may pamagat at pahina ng aklat na pinagkuhanan ng talá
    • Upang madaling matukoy ang sanggunian ilagay ang datos ng sanggunian sa notecard
    • Mas magiging maayos kung isa lang ang sukat ng notecard o index card na gagamitin
    • Maaari ding gumamit ng code upang tukuyin ang sanggunian
    • Tiyakin ang uri ng talang gagamitin
  • Organisasyon ng papel
    1. Isinasaalang-alang ang tesis at ang mga datos o impormasyong nasuri
    2. Maaaring gamitin ang prinsipyo ng kronolohikal, heyograpikal, komparatibo, sanhi/bunga, o pagsusuri
  • Pagbuo ng panghuling balangkas
    1. Tiyakin ang mga posisyon ng pangunahin at pansuportang ideya
    2. Siguraduhing may hindi bababa sa dalawang ideya sa bawat lebel o antas ng balangkas
  • Pagsulat ng borador
    1. Ibinabatay sa panghuling balangkas
    2. Maaaring samahan ng mga puna, paliwanag, at interpretasyon ng datos
    3. Bigyang-halaga ang linaw at lohika ng paglalahad ng ideya
  • Pagsulat ng pinal na sulating pananaliksik
    1. Introduksiyon: maikling kaligiran, layunin, tesis, kahalagahan, saklaw at limitasyon
    2. Katawan: banggitin ang naunang pananaliksik, kasalukuyang sitwasyon, naunang pangyayari
    3. Kongklusyon: buod ng mga pangunahing ideya, sipi, pagbalik sa introduksiyon, resulta ng pananaliksik
  • Mga Uri o Anyo ng Talâ
    • Direktang Sipi
    • Buod ng Talâ
    • Presi
    • Sipi ng Sipi
    • Hawig o Paraphrase
    • Salin/Sariling Salin
  • Ang pagsulat ng pinal na bibliyograpiya ay nangangahulugang natanggal mo na ang mga sangguniang hindi mo na gagamitin at naidagdag mo na rin ang ilan pang gagamitin mo
  • Aayusin na lamang sa paraang paalpabeto ang pangalan ng mga may-akda ng sangguniang ginamit
  • Matatagpuan ang bibliyograpiya sa hulihang bahagi ng pananaliksik o aklat
  • Pagsasalin
    Paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba pang wika
  • Mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsasalin
    • Alamin ang konteksto ng isasalin
    • Ang mga idyoma ay hindi maaaring isalin nang direkta
    • Iwasan ang pagsasalin nang literal
    • Ang mga salitang teknikal at siyentipiko ay maaari nang hindi isalin
  • Pag sulat ng Pinal na Bibliyograpiya
    1. Natanggal mo na ang mga sangguniang hindi mo na gagamitin at naidagdag mo na rin ang ilan pang gagamitin mo
    2. Aayusin na lamang sa paraang paalpabeto ang pangalan ng mga may-akda ng sangguniang ginamit
  • Mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay aklat
    • Talâ tungkol sa may-akda
    • Talâ tungkol sa pamagat
    • Talâ tungkol sa publikasyon
    • Talâ tungkol sa taon ng publikasyon
  • Mga paraan ng pagsulat ng bibliyograpiya
    • CHICAGO
    • APA
  • Mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay peryodikal
    • Pangalan ng peryodiko
    • Bilang ng bolyum
    • Bilang ng isyu
    • Petsa
    • Mga pahina ng buong artikulo
  • Mga paraan ng pagsulat ng bibliyograpiya para sa peryodikal
    • CHICAGO
    • APA
  • Uri ng peryodikal
    • Journal
    • Magasin
    • Pahayagan
  • Mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay reference
    • Pamagat ng artikulo o reference
    • Bilang ng edisyon o taon ng publikasyon
    • May-akda
    • Pamagat
    • Anyo ng manuskrito
    • Talâ tungkol sa pinagmulan at lokasyon ng sanggunian
    • Petsa ng pagkasulat
  • Mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay di nakalathala
    • Manuskrito
    • Pelikula
    • Programa sa Telebisyon at Radyo
    • Web Site
    • Blog
  • Direktang Sipi
    Ginagamit ito kung isang bahagi lámang ng akda nais sipiin.
  • Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng mananaliksik.
    Hawig o Paraphrase
  • Makikita sa kabilang pahina ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay di nakalimbag na batis: PELIKULA, Programa sa Telebisyon at Radyo, Web Site at Blog
    Di limbag na batis