Mga etikang dapat sundin ng mananaliksik upang maiayos ang kanilang gawain
Katapatan
Pangunahing katangian ng isang mananaliksik
Walang puwang ang plagiarism sa pananaliksik
Pagikilala sa pinagmulan ng mga kaisipan
Nararapat lamang na kilalanin ang pinagmulan ng mga kaisipang ginamit, maaaring humingi ng permiso sa may-akda, at kung hindi ito pumayag ay huwag na itong gamitin
Tahasangpangongopya o pandaraya sa pananaliksik ay isang krimen
Pagsasaayos ng mga nakalap na tala
1. Suriin ang mga talang isinulat sa mga notecard
2. Maghanda ng notebook o i-encode sa computer ang anumang kaisipan, tanong, o komentaryo
3. Pagsusuri ng mga nakalap na tala
Pagsusuri ng mga nakalap na tala
Siguruhing ang mga impormasyong nakuha ay konektado sa binuong tesis
Suriin ang mga ideya at i-klasipika bilang pangunahin at pantulong
Isulat ang iba mong komentaryo tungkol sa paksa at nakalap na tala
Timbangan kung sapat na ang nakalap upang mapagtibay ang binuong tesis
Organisasyon ng papel
1. Paggamit ng prinsipyo ng kronolohikal, heyograpikal, komparatibo, sanhi/bunga, o pagsusuri
2. Pagbuo ng panghuling balangkas
Pagsulat ng borador
1. Pagbabatay sa panghuling balangkas
2. Pagsama-sama at pag-ugnay-ugnay ng nakalap na tala
3. Pagdaragdag ng mga puna, paliwanag, at interpretasyon ng datos
Introduksiyon
Maaaring maglaman ng maikling kaligiran ng paksa, layunin ng mananaliksik, pahayag ng tesis, kahalagahan ng paksa, at saklaw at limitasyon ng pananaliksik
Katawan
Organisasyon ng mga ideya batay sa panghuling balangkas
Maaaring banggitin ang mga naunang pananaliksik, kasalukuyang sitwasyon, at mga naunang pangyayari o kasaysayan
Kongklusyon
Paglalagom at pagdidiin ng ideya
Buod ng mga pangunahing ideya
Sipi o pahayag na bumubuod sa papel
Pagbalik sa mga kaisipang tinalakay sa introduksiyon