Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Cards (67)

  • Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ang ekonomiya ng maraming bansa sa Europe ay bumagsak
  • Para sa mga Aleman, ang mga kondisyon na nakapaloob sa Treaty of Versailles ay makatarungan
  • Ang pagsalakay ng Japan sa Manchuria ay kinondena ng League of Nations subalit wala silang nagawa para pigilan ito
  • Ang Holocaust ay pinakamalagim na pangyayaring naganap noong ikalawang digmaan na ikinasawi ng mahigit 6 na milyong Jew
  • Ang diktadurya ni Hitler ang itinuturing na pinakamalupit sa kasaysayan ng daigdig
  • UN
    Samahang itinatag noong 1945, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na may layuning panatilihin ang pagkakaisa at kapayapaan ng mga bansa sa mundo
  • Nang salakayin ng Germany ang Poland
  • Matapos ibagsak ang bomba atomika, sumuko ang Japan
  • Axis Powers
    Germany, Italy at Japan
  • Allied Powers
    France, United States at Great Britain
  • Upang mapilitan ang US na lumahok sa digmaan, binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor
  • Paglusob ng Germany sa Poland
  • Masidhing Nasyonalismo
  • Pag-alis ng Germany sa liga ng mga bansa
  • Pag-agaw ng Japan sa Machuria
  • Pagpatay kay Arkduke Francis Ferdinand ng Austria-Hungary
  • Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II ay isang napakalaking digmaang kinasangkutan ng halos lahat ng bansa sa daigdig
  • Nagsimula ito ng ika-1 ng Setyembre taong 1939 at nagwakas noong ika-2 ng Setyembre taong 1945, ito ay nangangahulugang tumagal ang digmaan sa loob ng anim na taon at isang araw
  • Ang digmaang ito ay itinuturing na pinakamapaminsalang labanan sa kasaysayan ng tao dahil sa 70 hanggang 85 milyon ang mga namatay
  • Allied Powers
    • Winston Churchill ng Great Britain
    • Franklin Roosevelt ng United States of America
    • Joseph Stalin ng Soviet Union (Russia)
    • Chiang Kai-Shek ng China
  • Axis Powers
    • Adolf Hitler ng Germany
    • Hirohito ng Japan
    • Benito Mussolini ng Italy
  • Noong taong 1920, nagkaroon ng economic boom o mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ang United States na makikita sa mataas na halaga ng stocks
  • Noong ika-29 ng Oktubre taong 1929, tuluyang bumagsak ang New York Stock Exchange at tinawag nila itong Black Thursday
  • Bunga ng Wall Street Crash
    • Maraming tao ang nawalan ng malaking salapi at nalugi ng maganap ang wall street crash
    • Nagsara ang mga bangko at mga negosyo
    • Maraming tao ang nawalan ng trabaho
    • Humina ang produksiyon at bumababa ang pasahod sa mga manggagawa
    • Nagdulot ng Great Depression
  • Ang Great Depression ay isang malawakang krisis pang-ekonomiya na nagsimula dahil sa pagbagsak ng stock market noong October 20, 1929
  • Noong taong 1933, halos ikaapat na bahagi ng mga mamamayan sa United States ay nawalan ng trabaho
  • Lumaganap sa buong mundo ang pagbagsak ng ekonomiya ng United States
  • Dahil sa hangarin na magkaroon ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan, ang Nasismo, Komunismo, at Pasismo ay naitatag sa iba't ibang panig ng Europa
  • Ang mga ambisyon ng mga diktador tulad ni Adolf Hitler ng Germany, Benito Mussolini ng Italy, at Joseph Stalin ng Soviet Union (Russia) ang naging daan upang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Ang League of Nations ay itinatag noong ika-10 ng Enero taong 1920 na may layuning mapanatili ang kapayapaan
  • Ang hindi pagsali ng mga makapangyarihang bansa katulad ng United States ay isa pang dahilan ng kahinaan ng League of Nations
  • League of Nations
    Itinatag noong 1920 na may layuning mapanatili ang kapayapaan
  • Hindi nagawang pigilan ng League of Nations ang pagsalakay ng Japan sa Manchuria, Italy sa Ethiopia, at Germany sa Rhineland
  • Kahinaan ng League of Nations
    • Ang mga kasapi ay hindi nagkakasundo sa mga usapin at pagpapasya
    • Wala itong kapangyarihang maningil ng buwis at walang sariling hukbo upang maipatupad ang mga desisyon
    • Ang hindi pagsali ng mga makapangyarihang bansa katulad ng United States
  • Sumali ang Russia noong 1934 subalit ito ay inalis kaya't napunta sa Great Britain at France ang responsiblidad na itaguyod ang liga
  • Upang makaiwas sa digmaan, ipinatupad ng Britain at France ang patakarang appeasement kung saang hinayaan nilang ipagpatuloy ng mga diktador ang kanilang pagsakop sa mga teritoryo
  • Treaty of Versailles
    Opisyal na nagwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1919 sa pamamagitan ng kasunduan
  • Para sa mga Aleman, hindi makatarungan ang nilalaman ng kasunduan. Naging mitsa ito upang magkaroon ng tensiyon at humantong sa pagsisimula sa panibagong digmaan na higit na mas malawak at mas mapaminsala
  • Mga Pagsalakay Bago Sumiklab Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
    • Pagsalakay ng Japan sa Manchuria (1931)
    • Pagsalakay ng Italy sa Ethiopia (1935)
    • Pagsalakay ng Germany sa Rhineland (1936)
    • Pagsalakay ng Japan sa China (1937)
    • Pagkuha ng Germany sa Austria (1938)
    • Pagkuha ng Germany sa Czechoslovakia (1938)
    • Paglusob ng Germany sa Poland (1939)
  • Ang pagsakop na ito ay pagbaliktad ng Germany sa Russia na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan ng hindi pakikidigma ((Non-Aggression Pact)