Kailangan pagtiyagaan ang bawat hakbang sa pananaliksik upang mapanatili ang katiyakan ng mga datos na makakalap, pati na rin ang magiging resulta nito. Pinaglalaanan ito ng sapat na panahon at ibayong pag-iingat dahil kung kabaligtaran ito, hindi magiging matagumpay ang pananaliksik at hindi magiging matibay ang mga resulta at kongklusyon.