Aralin 4 - Konspetong Papel

Cards (12)

  • Konseptong Papel
    Tinatawag din itong Panukalang Papel
  • Konseptong Papel
    • Isa sa mga pangunahing kailangan bago ang aktwal na pagsulat ng isang Papel-Pananaliksik
    • Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik
    • Unang hakbang sa pagsasagawa ng pagsisiyasat
    • Maikling akademikong papel na nagbibigay ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa isang panukalang saliksik
    • Naging gabay sa mga hakbanging naisisagawa mula sa simula hanggang sa katapusan ng pagsisiyasat
    • Nagsisilbing outline o istruktura ng kabuuang pag-aaral
    • Tinitiyak ng konseptong Papel ang pagkakaroon ng isang komprehensibong plano at awtput ng pananaliksik ukol sa isang paksa, isang kabuuuang ideya na nabuo mula sa isang balangkas ng paksang bubuuin
  • KAHALAGAHAN NG PAGSULAT NG KONSEPTONG PAPEL
    • Ito ay ginagawa upang maging salalayan ng gagawing
    panukalang saliksik
    • Makabubuo ng mga potensyal na solusyon sa binabalak na
    saliksik
    • Makumbinsi ang mga organisasyon o institusyon na
    tanggapin ang konsepto o ideya, proyekto o anumang
    proposal para sa tesis, disertasyon o pananaliksik.
    • Masubok at mapatunayan na maaaring pondohan ang isang
    saliksik
    • Makukuha ang napakaraming benepisyo tulad ng tulong
    pinansyal, paglilimbag, pagkilala sa sarili o di kaya ay maaari
    ding bahagi ng pagtatapos.
  • Rasyunal
    Unang bahagi ng papel. Nakatala ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa. Tinatalakay dito ang kabuuang kaisipan ng paksa. Kakikitaan din ng pagpapaliwanag sa dahilan ng gagawing pananaliksik.
  • Balangkas Konseptwal
    Naglalaman ng mga konsepto ng mananaliksik ukol sa isinasagawang pag-aaral. Ipinapakita sa pamamagitan ng isang presentasyon ng paradigma upang malinaw at maayos na maipaliwanag.
  • Balangkas Teoretikal

    Tumutukoy naman sa pangkalahatang paglalarawan ng mga konseptong susuriin sa isang pananaliksik. Ginagamitan ng mga teorya na akma at susuporta sa iyong pananaliksik na nagiging batayan ng pagbibigay kahulugan sa mga mahahalagang datos na nakalap.
  • Datos Empirikal
    Naglalaman ng mga mahahalagang nakalap na mga impormasyon mula sa mga pamamaraan o metodo ng pananaliksik tulad panayam, eksperimento, sarbey at obserbasyon na masusing sinuri para mapatunayang makatotohanan o hindi o di kaya makabuluhan o hindi ang isang datos.
  • Layunin
    Inilalahad at inilalarawan ang suliraning nais tutukan. Nagkakaroon ng direksyon na nagsisilbing gabay sa daloy ng pagtalakay ng isang pananaliksik.
  • Metodolohiya
    Pangkalahatang istratehiya nais gamitin upang maisakatuparan ang mga proyekto. Kasama din ang pagtatakda ng panahon/iskedyul. Gumagamit ng sarbey, case study, obserbasyon, interbyu, o talatanungan.
  • Inaasahang bunga/output
    Pangkalahatang anyo ng konseptong papel. Tatlo hanggang limang pangungusap na nagpapaliwanag ng resulta sa pagtatapos ng pananaliksik.
  • Pagbuo ng isang konseptong papel
    1. Magdesisyon kung ano ang gustong gawin sa pamagitan ng pagpili ng paksa
    2. Isaalang-alang ang mga hilig o interes, karanasan at mga nakahandang sanggunian
    3. Magbasa ng mga halimbawang pananaliksik na naisulat na
    4. Konseptwalays ang proposal o proyekto
    5. Magtipon nga mga sanggunian upang matukoy ang mga gagamiting modelo
    6. Gumawa ng badyet para sa proyekto/pondo
    7. Maglista ng mga pangalan ng mga tao at resorses na nakahanda na tumulong, kung may mga kinakailangang papel, ihanda pati ang mga dokumentong hinihingi
  • Konseptong papel
    • Ano ang titulo ng iyong proyekto? Suliranin? Layunin? Metodo? Resulta?
    • Sino ang mga tagatugon o kalahok?
    • Anong modelo ang gagamitin na teoretikal at konseptwal?
    • Mga benipisyo ng mga taong kasangkot sa proyekto
    • Kagamitan/materyales na gagamitin
    • Haba ng panahong gugugulin para sa gawain
    • Ilang araw sa pagpirma sa kinauukulan kung ito ay isang proyekto
    • Detalye kung paano makontak ang mananaliksik