Cards (18)

  • PANGANGALAP NG DATOS
    Ang katuparan ng isang mahusay at maayos na
    pananaliksik ay nakasalalay sa mga datos o impormasyong iyong
    nakukuha.
    Kaya naman ito’y kailangang maingat, komprehensibo at
    nasuring mabuti nang sa gayon ay maging mapapanalogan ang
    mabubuo mong pananaliksik. Nasa impormasyong makakalap
    nakasasalalay ang maaring maging kalalabasan ng iyong pag-aaral,
    ito ang pinaka sentral na component na tutukoy sa katibayan at
    bilang mananaliksik ay kailangang gumamit ka din ng tamang
    metodo sa pagsagawa nito.
  • MGA URI NG DATOS
    Sa kabuuan may dalawang uri ng pinagmumulan ng
    datos; (1) ang una ay ang tinatawag na pangunahing pinagmumulan
    ng datos kung saan ang mga datos ay buhat sa mga sagot sa
    panayam na hindi pa nalalathala, naipakita o naparnig sa radio at telebisyon, (2) sekondaryang pinagmumulan ng datos kung datos ay
    mula sa mga nalathalang artikulo, aklat, magasin, tesis, at iba pang
    mga pag-aaral.
  • Uri ng Pinagmulan ng Datos
    • People trail
    • Paper trail
    • E-trail
    • Interbyu/ Panayam
  • People trail

    Sinumang eskperto o participant na may malaking naiambag na datos sa papel pananaliksik. Ito'y tuwiran o di- tuwirang pagsagot sa tanong ng isang indibidwal na maaring paghanguan ng impormasyon sa paraang panayam.
  • Paper trail
    Mga opisyal na papel at dokumento, pribado man o pampubliko.
    1. trail
    Mga datos na nagmumula sa digital storage at media, mobile platform at online. Mga impormasyon na nagmumula sa e-mail, google drives, social media at iba pang gadgets.
  • Mga Paraan sa Pangangalap ng Datos
    1. Tuwiran – mananaliksik mismo ang aktwal na mangangalap
    ng datos
    2. Di- tuwiran – ang mananaliksik ay maaring magkaroon ng
    mga katuwang na mangangalap ng impormasyon o kaya ay
    buhat sa mga aklat , artikulo, o iba pang pananaligang
    babasahin na maaring mapagkunan ng impormasyon may
    kinalaman sa pag-aaral.
    Marapat din na igalang ng mananaliksik ang
    confidentiality, lalo na ang mga impormasyong may kinalaman sa
    identidad at mga impormasyong sensitibo.
  • Interbyu/ Panayam
    Pasalitang diskurso na binubuo ng kakapanayamin at tagapanyam, maaring itinakda- ang araw, petsa, oras at lugar o maaring nakaayon sa oras ng kapapanayamin.
  • Sa apat, ito ang electronic trail o e-mail trail ang pinakabagong pinagmumulan ng datos at tradisyunal naman ang people trail at paper trail.
  • Iba’t Ibang Treatment sa Datos
    Ang mga datos na nakalap ay maaring suriin sa
    dalawang paraan, ito’y maaring kwantitatibo at kwalitatibo.
    1. Kwantitatibo – uri ng pagsusuri na gumagamit ng mga
    estadistikal na pagsusuri at kompyutasyon.
    2. Kwalitatibo – gumagamit ng pagsusuri sa mga dokumento at
    mga datos gamit ang lohikal na paraan at hindi gumagamit ng
    estadistikal na formula.
  • Pagbuo ng Tesis Statement o Pahayag ng Tesis
    Ang pahayag na tesis ay ang pinakasentral na ideya ng
    isang sulating pananaliksik. Ito’y naglalahad ng isang
    mapananaligang ideya kung saan pinatutunayanng mga nakalap na
    datos at anumang ebidensiya.
  • Mga Kailangang Tandaan sa Pagbuo ng isang Mahusay na
    Pahayag ng Tesis
    Sa pagbuo ng mahusay na pahayag o tesis ay mainam
    na magsimula sa paunang pangangalap ng datos o impormasyon.
    Mahalaga ding nasuring mabuti ang bawat detalye at maorganisa
    ang kaisahan ng iyong paksa nang sa gayon ay matukoy mo kung sapat na ba ng mga datos na nakalap upang makapagsimula ka sa
    iyong pananaliksik.
  • Maaring masubok kung mahusay nga ba ang nabupong
    pahayag ng tesis sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod:
    Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?
    Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
    Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
    • Maari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa
    pamamagitan ng pananaliksik?
  • Pahayag ng tesis
    Panukalang pahayag
  • Paraan ng paglalahad sa pahayag ng tesis

    1. Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinion o posisyon
    2. Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at maghinuha kung paano ito maaring malutas
    3. Mag-isip ng maaring maging solusyon sa isang suliranin
    4. Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perspektibo o pananaw
    5. Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan ang mga ito ng marka
    6. Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensiyahan ang isang paksa kaya ito nagging ganito o ganoon
  • Ayon kay Samuel (2004), maaring ilahad ang panukalang pahayag sa alinman sa sumusunod na paraan
  • Paksa
    Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting isinalin sa ibang lengguwahe
  • Tesis
    Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang ideya ng orihinal na awit nang hindi hinahabol o isinisiksik ang titik ng pinagsalinang lengguwahe sa tono ng orihinal na awit