Nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal, kasunod ng Noli Me Tangere
Nailimbag ang Noli Me Tangere sa Berlin, Germany
Pebrero 1887
Nagpasya si Rizal na bumalik sa Pilipinas makalipas ang limang taon ng paglalakbay at pag-aaral sa Europa</b>
Kontrobersiyang dala ng Noli Me Tangere
Marami ng kasawiang dinanas ang mga kamag-anak at kaibigan ni Rizal
Napilitan si Rizal na lisanin ang bansa at muling maglakbay sa Europa dahil sa mga banta sa kaniyang buhay at kaligtasan ng kaniyang pamilya
Muling sumikdo ang pagnanais ni Rizal na lumaban sa pamamagitan ng kaniyang panulat
Sinimulan ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito
Naapektuhan ang pagsulat ng El Filibusterismo dahil sa pagsaksi niya sa mga kasamaang ginagawa ng mga pari
Ginawa niya ang malaking bahagi ng nobela sa kaniyang paglalakbay sa Paris, Madrid, at Brussel
Dahil sa kakulangan ng pera, nahirapan si Rizal sa pagpapalimbag ng kanyang isinulat na nobela
Tinulungan siya ng isang kaibigan na mula sa Paris, na si Valentin Ventura, isang Pilipinong pinanganak sa Pampanga na anak ng Secretary of Interior ng pamahalaan
Napilitan si Rizal na ibaba ang bilang ng kabanata ng El Filibusterismo sa tatlumpu't walong kabanata dahil sa limitadong tulong mula sa kaibigan
Natapos na ang pagpapalimbag ng El Filibusterismo
Setyembre 22, 1891
Ibinigay ni Rizal ang orihinal na manuskripto ng nobela sa kaibigang si Valentin Ventura
Pinadalhan din ni Rizal ng mga kopya ng kaniyang nobela ang matatapat na mga kaibigang sina Dr. Ferdinand Blumentritt, Marcelo Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Juan Luna
Nasamsam ang mga sipi ng kaniyang nobela sa Hong Kong at sinira naman ng mga Espanyol ang mga kopyang nakarating sa Pilipinas
Ang ilang kopyang naipuslit ang siyang nakapagbigay-sigla sa mga Katipunero upang labanan ang pamahalaang Espanyol at maibalik ang kalayaan ng Pilipinas
ang mga kapatid - siblings
ang mga magulang - parents
ang mga magulang - parents
ang mga kabataan - children
Simoun
Mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway
Isagani
Makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino
Basilio
Mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
Kabesang Tales
Naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle
Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
Senyor Pasta
Tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
Ben Zaybang
Mamamahayag sa pahayagan
Placido Penitente
Mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
Padre Camorra
Mukhang artilyerong pari
Padre Fernandez
Paring Dominikong may malayang paninindigan
Padre Salvi
Paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego
Padre Florentino
Amain ni Isagani
Don Custodio
Kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene
Kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez
Mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor, nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
Macaraig
Mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan
Sandoval
Kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina
Mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita
Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez