Ang Marxismo sa Pilipinas ay karaniwang ginagamit sa panunuring pampanitikan kung saan, sa ganitong konteksto ay inaalam ang uring panlipunan (social class) na nasa teksto, pelikula, at iba pa; ang tunggalian ng mga uring panlipunan; ang nang-api at inapi, nagsamantala o pinagsamantalahan ang pagkakalarawan sa mga karakter; ang pagbangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ng mga karakter; ang paraan ng pagsamantala sa iba ng ilang karakter; at kung aling uring panlipunan ang nagtagumpay sa huli