Dahil sa damdaming makabayan, napukaw ang pagnanais ng mga mamamayan na wakasan ang pagpapasasa ng mga kolonyalista at imperyalistang Kanluranin sa kanilang pinagkukunang-yaman sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Ang lahat ng ito ay bibigyang linaw sa modyul na ito upang tulungan kang maunawaan ang nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda para sa iyo
Ang mag-aaral ay napahahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo)
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
Nabanggit natin sa nakaraang aralin ang naging bunga nang pananakop ng mga bansa sa Asya at naging dahilan ng pagpapakita ng nasyonalismo sa iba't ibang paraan
Hindi man tuwirang nasakop ng mga Kanluranin, dumanas naman ng maigting na Imperyalismo at Kolonyalismo ang Silangan at Timog-Silangang Asya lalo na noong ika-18 siglo
Ang paghahangad na makawala mula sa imperyalismong Kanluranin dahil sa hindi mabuting epekto nito sa kanilang pamumuhay ang nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa dalawang bansa
Nagsimula ang pagkawala ng kontrol ng China sa kanyang bansa nang matalo ito ng Great Britain sa Unang Digmaang Opyo (1839-1842) at muling natalo laban sa Great Britain at France naman noong Ikalawang Digmaang Opyo (1856-1860)
Upang maipakita ang kanilang pagtutol sa pananakop ng mga Kanluranin, nagsagawa ng dalawang rebelyon ang mga Tsino. Ito ay ang Rebelyong Taiping (1850) at Rebelyong Boxer (1900)
Ang pagsisimula ng ika-20 siglo ay nangangahulugang pagpasok ng dalawang magkatunggaling idelohiya sa China. Lumaganap sa bansa ang idelohiya ng demokrasya at komunismo
Isinulong ni Sun Yat Sen ang pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang tatlong prinsipyo: ang san mit chu-i o nasyonalismo, min-tsu-chu-I o demokrasya, at min-sheng-chu-i o kabuhayang pantao
Hindi naniniwala si Sun Yat-Sen na kailangan ang tunggalian ng mga uri o class struggle upang makamit ang pagkakaisa, kaayusang panlipunan, at kaunlarang pang-ekonomiya