Q3 AP: MOD 1-3

Cards (78)

  • pagkamamamayan - ang kalagayan o katayuan ng
    isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado
  • Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizenship o pagkamamamayan
  • Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-
    estado na tinatawag na polis.
  • polis - Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.
  • Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan.
  • Ang pagiging citizen ng Greece ay isang prebilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin.
  • Ayon sa orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado.
  • Ayon kay MurrayClark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibidwal at ng estado.
  • Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito.
  • Ito ay tungkol sa ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas na nagpapahayag ng tungkol sa pagkamamamayan. Iniisa-isa rito kung sino ang maituturing na mamamayan ng Pilipinas. (ARTIKULO IV)
  • SEKSIYON 1 - Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas: (1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito; (2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas; (3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at (4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
  • SEKSYON 2 - Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na
    katutubong inianak na mamamayan.
  • SEKSYON 3 - Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
  • SEKSYON 4 - Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas
    na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
  • SEKSYON 5 - Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa
    at dapat lapatan ng kaukulang batas.
  • jus sanguinis - Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa
    Pilipinas.
  • jus soli - Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
  • Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan:
    jus sanguinis at jus soli
  • Nilalaman ng Saligang Batas ng Pilipinas ang mga
    karapatan at tungkulin ng mamamayan.
  • Maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang
    indibiduwal kung sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa.
  • Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong tinanggap ng United Nations Assembly noong 1948 na naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal tulad ng mga karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.
  • Nabuo ang UDHR sa pangunguna ng biyuda ni
    dating Pangulong Franklin Roosevelt ng United States
    nang siya ay maluklok bilang tagapangulo ng Human
    Rights Commission ng UN.
  • Tinawag ding “International Magna Carta for all Mankind” ang UDHR.
  • universal declaration of human rights - Ito ang naging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-
    kanilang Saligang-batas.
  • Umabot nang halos dalawang taon bago nakumpleto ang mga artikulong nakapaloob sa UDHR.
  • Sa Preamble at Artikulo 1 ng UDHR, inilahad ang likas na
    karapatan ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya.
  • Binubuo naman ng mga karapatang sibil at pulitikal ang Artikulo 3 hanggang 21.
  • Nakadetalye sa Artikulo 22 hanggang 27 ang mga karapatang ekonomiko, sosyal, at
    kultural.
  • Tumutukoy naman ang tatlong huling artikulo (Artikulo 28 hanggang 30) sa tungkulin ng tao na itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao.
  • Bilang Kalihim-Heneral ng UN, ang Pilipinong si Carlos P. Romulo ay isa rin sa mga pangunahing nagtaguyod
    ng pagkakabuo ng deklarasyon.
  • Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang nagbigay ng maigting na pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatan ng tao sa iba’t ibang panig ng daigdig.
  • Ayon sa Seksyon 11 ng Artikulo II ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 ay pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao. Binigyang-diin ng Estado ang pahayag na ito sa Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights) na nakapaloob sa Seksyon 1 - 22 ng Artikulo III.
  • Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ay tumutukoy sa mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo ng 1987 Saligang
    Batas ng Pilipinas.
  • Ayon sa aklat ni De leon, et.al (2014) may tatlong uri ng mga karapatan ng mga mamamayan sa isang demokratikong lipunan. Ang mga ito ay ang sumusunod (1)natural rights;
    (2) constitutional rights;
    (3) statutory rights.
  • Ang natural rights ay mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipinagkaloob ng Estado. Kabilang sa
    karapatang ito ang karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng ari-arian.
  • Ang constitutional rights ay mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado. Ang karapatang ito ay maaari rin namang mauri sa apat na pangkalahatang karapatan. Kabilang dito ang mga sumusunod:
    (1) karapatang politikal
    (2) karapatang sibil
    (3) Karapatang Sosyo-ekonomik
    (4) karapatang ng akusado
  • karapatang politikal – kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at
    pangangasiwa ng pamahalaan gayundin ang karapatan sa impormasyon sa mga
    usaping pampubliko;
  • karapatang sibil – mga karapatan na titiyak sa mga
    pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas. Kasama sa karapatang ito ang karapatan sa pantay na proteksyon ng batas at karapatang magkaroon ng kapanatagan sa kanilang
    sariling pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatarungang paghalughog at pagsamsam;
  • Karapatang Sosyo-ekonomik – mga karapatan na
    sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal. Magandang halimbawa sa mga karapatang ito ang karapatan sa wastong kabayaran sa mga pribadong ari-ariang kinuha ng pamahalaan para sa paggamit ng
    publiko;
  • karapatang ng akusado – mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anumang krimen.