pagpupunan

Cards (29)

  • Ang panlabas na sektor ay tumutukoy sa pakikilahok ng bansa sa pandaigdigang kalakalan at mga bahagi at sektor ng ekonomiya na nakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
  • Masasabing may lubusang kalamangan o absolute advantage ang isang bansa sa kalakalan kung mayroon itong mas episyenteng paraan ng produksiyon sa paggawa ng dalawang produkto dahil sa mas maunlad na teknolohiya o mas maraming likas na yaman.
  • Pinatunayan ni David Ricardo na parehong may pakinabang na makukuha ang dalawang bansa sa pakikipagkalakalan sa isa't isa — kahit na ang isa ay may absolute advantage — kung ipatutupad nito ang espesyalisasyon kung saan ang produksiyon nito ay tututok lamang sa iisang produkto. Ito ay naayon sa teorya ng comparative advantage.
  • Ang pagpapalitan na ito ay dapat nakabatay sa pandaigdigang presyo. Tandaan, ang pandaigdigang presyo ang napagkasunduang palitan ng dalawang bansa na karaniwang natutukoy gamit ang ratio.
  • Isang paraan upang maprotektahan ng bansa ang lokal na ekonomiya ang paglalagay ng taripa o buwis sa mga dayuhang produktong pumapasok sa bansa.
  • Ang quota ay tumutukoy sa takdang dami ng produkto na maaring gawin o ipasok sa pamilihan.
  • Isang mahalagang aspekto ng kalakalang panlabas ang pakikipagpalitan ng salapi sa iba't ibang bansa (foreign exchange).
  • May pamilihan kung saan nagpapalitan ng salapi ang mga bansa upang magamit ito sa pagbili ng produkto mula sa isa't isa (foreign exchange market).
  • Mayroon ding takdang halaga (exchange rate) na maaring magpalitan ang dalawang uri ng salapi.
  • Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang nagbabantay at kumokontrol sa halaga ng palitan ng ating bansa.
  • Sa sistema ng Fixed exchange rate, ang pamahalaan ang nagtatakda ng halaga ng palitan ng pera.
  • Sa Flexible exchange rate, ang halaga ng palitan ng pera ay nababatay sa pagbabago ng suplay at demand sa foreign exchange market.
  • Ang Managed float at isang uri ng nagbabagong halaga ng palitan na nakokontrol ng pamahalaan dahil ito ang nagbebenta o bumibili ng salapi sa foreign exchange market.
  • Maaring tumaas ang halaga ng isang salapi kumpara sa isang salapi sa pandaigdigang pamilihan (appreciation).
  • Isang dahilan ng pagtaas ng suplay ng dolyar ang pagpasok ng mga remittance mula sa mga OFW sa ibang bansa.
  • Maari ring bumaba ang halaga ng isang salapi kumpara sa ibang salapi sa pamilihan (depreciation).
  • Kapag bumaba ang remittance ng mga OFW sa ating bansa, bababa ang halaga ng piso kumpara sa dolyar.
  • Tinatawag na revaluation ang pagtaas ng halaga ng salapi at devaluation naman ang pagbaba ng halaga ng salapi.
  • Ipinapakita ng BOP ang buod ng mga transaksiyon ng isang bansa sa isa pang bansa sa loob ng isang takdang panahon.
  • Nakapaloob sa current account ang kalakalan sa mga produkto at serbisyo tulad ng mga hilaw na materyales, mga kagamitang elektroniko, business process outsourcing, at kita ng mga OFW.
  • Ang pangkalahatang kalagayan ng kalakalan sa pagitan ng bansa at panlabas na sektor ay nakatala sa balance of trade kung saan binawas ang halaga ng mga eksport mula sa kita sa mga inimport.
  • Napapabilang sa capital account ang mga pamumuhunan na nagmumula sa ibang bansa, lalong-lalo na ang mga pisikal na kapital tulad ng makinarya at impraestraktura.
  • Sa bahagi ng financial account, ito ay nakatuon sa pamumuhunang pinansiyal o foreign direct investment sa bansa.
  • Ang globalisasyon ay tumutukoy sa integrasyon ng mga ekonomiya ng iba't ibang bansa dulot ng paglaganap ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa daigdig.
  • Ang globalisasyon ay hindi lamang nakatuon sa ugnayang pangkabuhayan ng mga bansa. Saklaw din nito ang ugnayang pampolitika at pangkultura sa pagitan ng mga pamayanan.
  • Ang United Nations ay isang pandaigdigang organisasyon ng mga bansa na itinatag sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945.
  • Itinatag ang ASEAN noong ika-8 ng Agosto 1967 at kabilang dito ang 10 bansa sa Timog-Silangang Asya.
  • Ang APEC ang organisasyon ng mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko, at kinabibilangan ng mga bansa sa apat na kontinente.
  • Ang WTO ang pandaigdigang organisasyon na namamahala sa pandaigdigang kalakalan.