Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isyung kasangkot
MALING
Ang kristiyanismo ay pananampalataya ng mga mahihina. Iyan ang ipinahayag ni Karl Marx.
DILEMMA
Naghahandong lamang ng dalawang opsyon o pagpipilian na para bang iyon lamang at wala nang iba pang alternatibo
DILEMMA
Upang hindi ka pamahiya sa ating debate, ganito na lang ang gawin mo: huwag ka nang pumunta o kaya magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng iyong pag-urong.
MALING PAGHAHAMBING
Karaniwan ng tinatawag na usapang lasing ang ganitong uri sapagkat mayroon ngang hambingan ngunit sumasala naman sa matinong konklusyon
MALING PAGHAHAMBING
Bakit ninyo ako patutulugin agad? Kung kayo nga ay gising pa!
MALING SALIGAN
Nagsisimula ito sa maling akala na siya naming naging batayan kung kaya't nagkakaroon ng konklusyong wala sa katwiran
MALING SALIGAN
Ang mga kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag-aasawa kailangan ang katapatan at kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito dapat lamang na maging tapat masipag ang mga kabataan.
MALING PAGLALAHAT (Hasty Generalization)
Dahil lamang sa isang sitwasyon, nagbibigay na agad ng isang konklusyong sumasaklaw sa pangkalahatan
MALING PAGLALAHAT (Hasty Generalization)
Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang panunungkulan. Ang artista naming iyon ay maraming asawa. Huwag na nating iboto ang mga artista!
WALANG KAUGNAYAN (Non Sequitur)
Sa Ingles ang ibig sabihin nito ay It doesn't follow. Pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng mga walang kaugnayang batayan
WALANG KAUGNAYAN (Non Sequitur)
Ang santol ay magbubunga ng manga. Masamang pamilya nag pinagmulan niya. Magulong paligid ang kanyang nilakhan.
PAGHINGI NG AWA O SIMPATYA (Argumentum ad Misericordiam)
Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga nakikinig o bumabasa. Ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan
PAGHINGI NG AWA O SIMPATYA (Argumentum ad Misericordiam)
Limusan natin ang kapuspalad na taong ito sa lansangan. Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang sentimos bilang pantawid-gutom.
ARGUMENTO LABAN SA KARAKTER ("Appeal to Man" or Argumentum ad Hominem)
Isang nakakahiyangpag-atake sa personal na katangian o katayuan ng kalaban at hindi sa isyung tinatalakay o pinagtatalunan
ARGUMENTO LABAN SA KARAKTER ("Appeal to Man" or ArgumentumadHominem)
Anong mapapala ninyong iboto ang aking katunggali gayong hindi siya naging pinuno ng kanyang kalse o ng kanyang barangay.
PAGGAMIT NG PUWERSA O PANANAKOT ("Appeal to the Force" or Argumentum ad Baculum)
Puwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at tuloy maipanalo at argumento
PAGGAMIT NG PUWERSA O PANANAKOT ("Appeal to the Force" or ArgumentumadBaculum)
Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatang magsalita sa akin nang ganyan!