Lesson 3

Cards (25)

  • Pagbasa
    Pag-alam sa kahulugan, kahalagahan at mga kasanayang matututunan rito ay mahalaga upang maging mas epektibo at makabuluhan ang kabuuang karanasan sa pagbabasa.
  • Anderson (1985)
    “Ito ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay may isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmulan ng impormasyon.”
  • Maingat
    Kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensya at suriin kung gaano kalohikal ang teksto at hindi batay sa haka-haka lamang.
  • Ang tekstong akademiko ay nangangailangan ng _, _, _ at _. Makatutulong ang mga ito upang lalong maunawaan ang mga binabasang akda.
    Maingat, aktibo,replektibo, maparaang pagbasa
  • Aktibo
    Nagtatala habang nagbabasa at may anotasyong ginagawa ang mambabasa upang maging malinaw ang ipinahayag ng teksto
  • Maparaan
    Nagamit ng ilang estratehiya upang maunawaang mabuti ang teksto
  • Replektibo
    Nabibigyang Katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga kaalaman at sariling kaalaman ng mambabasa.
  • BILANG ISANG MAPANURING MAMBABASA, KINAKAILANGANG UNAWAIN ANG;
    • Sinasabi ng teksto
    • Inilalarawan ng teksto
    • Ipinapahiwatig ng teksto
  • Informativ
    Nagbibigay at naglalahad ng mahahalagang impormasyon, kaalaman at kabatiran. “Ang Paglaganap ng HIV at AIDS: Isang Pagtuklas”
  • Deskriptiv
    Nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng tao, bagay, o lugar. “BongBong Marcos: Bagong Pangulo ng Republika; Bagong Mukha ng Pulitika”
  • Ekspository
    Tiyakang naglalahad ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga konsepto, mga inisip at mga palagay sa sariling pananaw sa tekstong eksposisyon. “Ano ang Climate Change?”
  • Prosijural
    Nagpapaliwanag kung paano ang paggawa ng isang bagay, na kung saan layunin nitong magbatid ng mga wastong hakbang na dapat isagawa sa pagsulat ng tekstong prosijural. “Paghahanda sa Panahon ng Kalamidad”
  • Argumentativ
    Naglalahad ng proposisyon upang mahikayat at mapaliwanag ang teksto kung ito’y nagpapakita ng mga proposisyon sa umiral na kaugnayan sa pagitan ng konsepto o iba pang proposisyon. “Senior High School: Handa na ba ang Pinoy”
  • Persweysiv
    Naglalahad ng mga konsepto upang makahikayat at ito ay maaaring masaya, malungkot, mapanibak at iba pa. “Kooperasyon: Panibagong Solusyon sa Bagong Hamon”
  • Referensyal
    Naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga inilalahad na kaalaman.
  • Skimming
    Babasahin lamang ang pangunahing bahagi upang magkaroon ng pangkalahatang kaalaman.
  • Scanning
    Babasahin lamang ang espisipikong detalye patungkol sa tekstong binasa.
  • Brainstorming
    Pagkakaroon ng iba't ibang ideya na bumubuo ng iisang kaalaman.
  • Previewing
    Pasimpleng pagsilip sa nilalaman ng introduksyon.
  • Contextualizing
    pagsasaayos ng teksto sa paraang historikal, biograpikal, at nakabatay sa kontekstong kultural
  • Questioning
    Naglalaan ng katanungan para sa mas malalimang pagkakaunawa sa teksto. Ito ay ang pagsasaad ng tanong tungkol sa nilalaman ng teksto.
  • Outlining
    Ibinubunyag nito ang pangunahing estruktura ng mga tekstong binasa. Ito ay maaaring bahagi ng pag-aanotasyon.
  • Summarizing
    Nag-uumpisa sa nabuong outline kung saan ito ay ang buod ng buong argumento ng teksto sa pinaikling babasahin.
  • Evaluating
    Sinusuri ang pagiging lohikal ng teksto ang kredibilidad at ang epektong pang-emosyonal.
  • Comparing and Contrasting
    Paghahagilap ng pagkakaparehas at pagkakaiba sa pagitan ng teksto upang mas maunawaan ito ng mabuti.