PNNLKSK

Cards (28)

  • Ang pagsusuri ng pananaliksik sa Filipino ay pag-aanalisa upang mapagaralan at mabigyang-kasagutan ang problema. Ito ang prinsipyo na ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong pag-aaral.
  • Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa.
  • Gamit — Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bágong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.
  • Metodo — Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa. Ang pangangalap ng datos ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbiyu, paggamit ng talatanungan, obserbasyon, at iba pa.
  • Nabanggit nina Atienza, et al. (Textbook sa Komunikasyon II, 1996) na ang pananaliksik ay “isang matiyaga, ma ingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.”
  • Sistematiko — May sinusunod na proseso ang pananaliksik, mula sa pagpili ng espesipikong paksa, sa maaayos na paghahabi ng mga katanungan, sa pagbubuo ng lohikal na hypothesis, sa pagsasaliksik ng mga nauna nang mga pag aaral o mga kaugnay na mga nasulat na tungkol sa paksa; sa pagpili ng population at sample population, sa paghugot ng datos mula sa statistical result, sa lohikal na pagbibigay interpretasyon sa resulta ng estadistika, at sa pagbubuo ng mga konklusyon at rekomendasyon.
  • Sistematiko — Hindi maaaring laktawan ang ilang hakbang ng pagkakasunod-sunod. Bukod dito, maingat na isinasagawa ng isang mananaliksik ang kanyang mga hakbang tungo sa pagtuklas ng kasagutan sa kung anuman ang layunin ng pananaliksik. Kung minsan pa, maaaring ulitin ang ilang mga hakbang upang masiguro ang katumpakan ng mga impormasyong kinakailangan.
  • Empirikal — Nararapat na katanggap-tanggap ang mga pamamaraan, proseso, at baryabol na gagamitin sa pananaliksik, gayundin ang mga datos na makakalap.
  • Empirikal — Ibig sabihin nito, ang pananaliksik ay ibinabatay sa mga patotoong siyang naging resulta ng mga pag-aaral, at hindi sa mga panghuhula o teorya lamang.
  • Obhektibo, Lohikal, at Walang Pagkiling – Anuman ang lumabas na resulta ng pag-aaral, ito ang nararapat na ilahad ng mananaliksik sa kanyang report. Hindi ito dapat na mabahiran ng anumang pagkiling, pabor man o hindi, para hindi magkamali sa pagbibigay ng interpretasyon tungkol sa isinasagawang pag-aaral.
  • Orihinal na Akda – Kapag isinulat na ng isang mananaliksik ang resulta ng kanyang mga obserbasyon at pag-aaral, inilalahad niya ang isang orihinal na akda na bunga ng kanyang pagsasaliksik. Ang isang tunay na research work ay hindi maaaring kinopya lamang mula sa isang naunang pag-aaral.
  • Tiyak o Accurate na Imbestigasyon, Obserbasyon at Deskripsyon – Sinasabi ng katangiang ito na dapat maisagawa nang tama ang bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik upang maging tama rin ang resulta. Nararapat lamang na may kaakibat na matibay na mga ebidensya ang konklusyon sa isang pag-aaral.
  • PANIMULA — Ito ay isang maikling talatang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa. Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano at Bakit - "Ano ba ang tungkol sa iyong pinag-aaralang paksa?" at "Bakit kailangan pa itong pag-aralan?"
  • Ang Kaligiran ng Pag-aaral (kabuuang kaalaman ukol sa pag-aaral) ay isang mahalagang bahagi ng isang pananaliksik. Ito ay naglalaman ng mga impormasyon at konteksto na magpapakita kung bakit mahalaga at makabuluhan ang iyong pag-aaral.
  • Ang Batayang teoretikal ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba't ibang larang na may kaugnayan o repleksiyon sa layunin o haypotesis ng pananaliksik (Adom, 2018)
  • Isinaad din ni Akintoye (2015) sa parehong jornal na mahalaga ang teoretikal na balangkas upang matulungan ang mananaliksik sa paghahanap sa angkop na dulog, analitikal na kaparaanan, at mga hakbangin.
  • Paglalahad ng Suliranin — Sa bahaging ito nakalagay ang sanhi o layunin kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga pangunahing suliranin na nása anyong patanong. Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik. Ito ang pokus o sentro ng pag-aaral.
  • Haypotesis — Mga hula o presidiksyon na binubuo kaugnay ng kalalabasang pag-aaral.
  • Ayon kay McGuigan (1978), ito ay isang maaaring subuking pahayag tungkol sa potensyal na ugnayan ng dalawa o mahigit pang baryabol.
  • Null Hypothesis — Ipinalalagay na WALANG pagkakaiba, relasyon, pagkakaugnay, at epekto o interaksyon.
  • Alternative Hypothesis — Kabaligtaran ng null hypothesis. Ipinahihiwatig nito na ang palagay ay MAYROONG pagkakaiba, pagkakaugnay, epekto o interaksyon sa mga baryabol.
  • Alternative Hypothesis — Kabaligtaran ng null hypothesis. Ipinahihiwatig nito na ang palagay ay MAYROONG pagkakaiba, pagkakaugnay, epekto o interaksyon sa mga baryabol.
  • Ang balangkas ng saliksik o konseptwal ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat. Ang nasabing balangkas ay ipinakikita sa isang paradigma ng pananaliksik na kailangan maipaliwanag nang maayos.
  • Isinaad naman nina Grant at Osanioo (2014) na ito ay naglalahad ng estruktura na nagpapakita kung paano binibigyang-kahulugan ng mananaliksik ang pilosopikal, epistemolohikal, metodolohikal, at analitikal ang kaniyang ginagawang pananaliksik (Adom 2018).
  • Balangkas ng Konseptwal
    1. Batayan
    2. Proseso
    3. Kinalabasan
    4. Pidbak
  • Saklaw at Limitasyon — Dito nakasaad ang lawak at limitasyon ng pinag-aaralan.
  • Kahalagahan ng Pananaliksik
    Inilalahad dito ang kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral. Tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya.
  • Katuturan ng mga katawagang ginamit
    Inililista dito ang mga salitang ginagamit sa pag-aaral. Tanging mga katawagan o salita na may espesyal na gamit o natatanging kahulugan sa pag-aaral ang bibigyan ng depinisyon upang lubusang maunawaan ng mambabasa.