A.P 7.4.2

Cards (62)

  • Shogunatong Tokugawa
    Panahon kung saan lalong naging makapangyarihan ang mga samurai at mga daimyo, at nagsiklab ang digmaang-sibil sa bansa
  • Mga makakapangyarihang pamilya
    • Naghirang ng kanilang mga samurai na protektahan sila at ang kanilang mga pagmamay-aring mga lupain
    • Bunga nito lumaganap ang kaguluhan sa iba't ibang bahagi ng bansang Hapon
  • Mga bayani
    • Toyotomi Hideyoshi
    • Oda Nobunaga
    • Tokugawa Ieyasu
  • Tokugawa Ieyasu
    Naiwang buhay matapos ang kani-kanilang mga laban upang mabuo at mapagkaisa ang Hapon
  • Itinatag ni Tokugawa Ieyasu ang Shogunatong Tokugawa
    1. Muling nagbuklod sa bansang Hapon noong 1603
    2. Nagpatupad ng sistemang Alternate Attendance upang kontrolin ang impluwensiyang ito
    3. Ipinatupad ang polisiyang Sakoku upang makaiwas sa pananakop ng mga Kanluranin
  • Bunga ng polisiyang Sakoku ay hindi nila namalayan ang paglago ng teknolohiya sa iba't ibang panig ng daigdig
  • Dumating ang kinatawan ng bansang Amerika sa bansang Hapones na si Commodore Matthew Perry
    1853
  • Pumayag ang Shogun na si Yoshinobu na papasukin ang mga Amerikano sa kanilang bansa sapagkat alam niyang walang kakayahan ang kanilang bansa na tapatan sa digmaan ang Amerika</b>
  • Muling naibalik sa emperador ang pamumuno
  • Emperador Mutsuhito
    Pinili ang pangalang Meiji na nangangahulugang "ang naliwanagan"
  • Mga nagawa ng pamahalaang Meiji
    • Nabuo ang Konstitusyon
    • Pinaunlad ang teknolohiya
    • Ibinalik ang kabisera ng bansa sa lungsod ng Edo
    • Ipinatupad ang sapilitang pagsasanay-militar
    • Umanib ang mga samurai sa hukbo ng pamahalaan
    • Ginawang moderno ang militar at ang mga kagamitang pandigma
    • Ginamit ang Kanluraning edukasyon
    • Pinahintulutan ang pagpasok ng Kristiyanismo
    • Nagpatayo ng mga mahahalagang imprastraktura
  • Sa mabuting pamumuno ni Emperador Meiji at sa pakikiisa ng mga mamamayan sa pagbabayad ng buwis ay natamo ng bansang Hapon ang kapayapaan at kaunlaran
  • Subalit sa kanilang pag-unlad ay nagsimula din ang kanilang pakikidigma sa ibang mga bansa at ang pananaw na ang pananakop at pagpapalawak ng lupain ng pamahalaan para sa mga mamamayan ang kinakailangan para sa mas mataas na antas ng kaunlaran
  • Ito ang mga dahilan kung bakit kinailangan ng Hapon na maging imperyalistang bansa
  • Unang Digmaang Tsino-Hapones
    1894 hanggang 1895
  • Digmaang Ruso-Hapones
    1904 hanggang 1905
  • Matapos magapi ang Rusya at Tsina sa digmaan ay napatunayan ng bansang Hapones na may kakayahan ang mga Asyano na magapi ang mga Kanluranin sa larangan ng pakikidigma
  • Noong 1902 ay lumagda sila ng kasunduang pakikipag-alyansa sa Britanya upang mabigyan sila ng pagkakataong manakop sa iba pang lupain sa Asya
  • Panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig
    1914 hanggang 1919
  • Nakuha ng bansang Hapon ang ilan sa mga teritoryo ng bansang Alemanya
  • Napasailalim ng bansang Hapon ang mga isla ng Formosa, bansang Korea, rehiyon ng Manchuria, at mga isla ng Sakhalin at Kuril sa Unyong Soviet
  • Emperador Taisho
    Nagsimula sa kanya at sa kanyang pamahalaan ang mga plano para sa pagpapaalis sa mga Kanluraning bansa na nasa Asya upang mapasakamay ang mga teritoryong sakop ng mga bansang ito
  • Panahon ng Depresyon sa Hapon

    Mula dekada '20 hanggang '30, dumanas ng matinding pagbagsak sa ekonomiya
  • Depresyon
    Malawakang pagkalugi ng mga industriya, negosyo, at kabuhayan
  • Ang mga bansang hindi tuwirang sangkot sa digmaan ang makipagkalakalan kung kaya't daglian ang kanilang pag-unlad
  • Bunga ng kahirapang ito ay nahikayat ng pamilya ng mga mangangalakal na zaibatsu na gamitin ang kanilang kakayahang militar upang palawakin ang kanilang pamilihan
  • Sinalakay ng mga Hapones ang ibang bahagi ng Manchuria na hawak ng mga Tsino
  • Bagamat umapela ng tulong ang mga Tsino sa ibang bansa, wala silang nagawa sa agresibong hakbang ng mga Hapones upang wakasan ang pagpapahirap sa kanila
  • Bago pa man sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya ay nagsimula na ang labanan ng mga Tsino at mga Hapones sa Tsina
  • Bunga ng napipintong digmaan sa Europa ay hindi nagawang ipagtanggol ng mga Kanluranin ang kanilang mga lupain sa Tsina laban sa pananakop ng mga Hapones
  • Ang mga agresibong hakbang ng mga Hapones ay nasundan pa ng kanilang paglagda sa Tripartite Pact sa Alemanya at Italya noong ika-20 ng Setyembre, 1940 na nagbigay-daan sa pagiging bahagi ng Puwersang Axis (Axis Powers) ng bansang Hapon
  • Gumamit diumano ang mga Hapones ng dahas at pananakot sa kanilang pananakop sa iba't ibang bahagi ng Silangan at Timog-Silangang Asya
  • Ang domino effect o chain reaction ay ang sunod-sunod na mga epektong bunsod ng iisang kaganapan
  • Upang maging matagumpay ang kanilang pananakop ay kinailangan nilang mapabagsak ang mga base-militar ng mga Amerikano sa Asya at sa Pasipiko
  • Noong ika-7 ng Disyembre, 1941 ay sinalakay ng mga Hapones ang pinakamalaking base-militar ng mga Amerikano sa Pasipiko na nasa Hawaii, ang Pearl Harbor
  • Dahil sa pagsalakay ng mga Hapones sa Pearl Harbor, nadamay ang bansang Amerika sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Taong 1942 nang mapasakamay ng mga Hapones ang Hong Kong, British Malaya, Vietnam, Pilipinas, at Indonesia
  • Itinatag ng mga Hapones ang sarili nilang pamahalaan sa mga bansang ito
  • Sa unang pagkakataon, nabigo ang plano ng mga Hapones na pabagsakin ang puwersa ng mga Amerikano sa Pilipinas sa loob ng isang linggo dahil hindi nakiisa ang mga opisyal ng pamahalaan sa mga Hapones
  • Ipinakalat din nila ang kanilang propaganda na tinawag na Greater East Asia Co-prosperity Sphere