Pagbasa at Pagsusuri Reviewer (Set 1)

Cards (42)

  • Tekstong Deskriptibo - may layuning ilarawan ang mga
    katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya, paniniwala at
    iba pa.
  • karaniwang paglalarawan & masining na paglalarawan - elemento ng tekstong diskriptibo
  • Ang tayutay ay tumutukoy sa matatalinghagang pahayag na
    may malalim na kahulugan.
  • Pagtutulad - ang pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay, tao o pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, at katulad.
  • Pagwawangis - tumutukoy sa tuwirang paghahambing
  • Pagmamalabis - tumutukoy sa eksaherado o sobrang paglalarawan kung kaya hindi literal ang pagpapakahulugan.
  • Paghihimig - tumutukoy sa paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan nito.
  • Pag-uyam - isang pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kapuri puri ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan
  • Pagpapalit Saklaw - tumutukoy sa pagbabanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang pagtukoy ng kabuuan.
  • URI NG TAYUTAY
    1. Pagtutulad
    2. Pagwawangis
    3. Pagmamalabis
    4. Paghihimig
    5. Pag-uyam
    6. Pagpapalit Saklaw
  • Tekstong argumento - isang teksto kung saan ang manunulat ay maaring 'para sa' (pabor) o 'laban' (hindi pabor) sa isang isyu o paksa
  • Ang tekstong argumento ay pangunahing layunin ay manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran.
  • Kilala rin ang tekstong argumentatibo bilang pakikipagtalong diskurso
  • MGA BAHAGI NG ARGUMENTONG TEKSTO
    1. Simula
    2. Gitna o Katawan
    3. Wakas
  • Ang paksa ang mismong dahilan kung bakit sinusulat at binabasa ang isang teksto
  • Dalawang uri ng argumentasyon
    1. Pabuod na Pangangatuwiran
    2. Pasaklaw na Pangangatuwiran
  • Pabuod na Pangangatuwiran - nagsisimula sa maliit at ispesipik at magtatapos sa isang panlahat na pahayag.
  • Pasaklaw na pangangatuwiran - nagsisimula sa isang malaking kaisipan patungo sa maliliit na kaisipan.
  • LIHIS NA PANGANGATUWIRAN OR FALLACY
    1. Argumentum ad Hominem
    2. Argumentum ad Baculum
    3. Argumentum ad Misericordiam
    4. Ignorado Elenchi
    5. Maling Paglalahat (Hasty Generalization)
    6. Non Sequitur (Walang kaugnayan)
    7. Maling Paghahambing
    8. Maling Saligan
    9. Maling Awtoridad
    10. Delimma
  • Argumentum ad Hominem "Appeal to Man" - pag-atake sa personal na katangian o katayuan ng kalaban at hindi sa
    isyung tinatalakay o pinagtatalunan.
  • Argumentum ad Baculum "Appeal to the Force" - Puwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at tuloy maipanalo at argumento.
  • Argumentum ad Misericodiam - Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga nakikinig o bumabasa. Ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at
    hindi sa kaisipan.
  • Ignorado Elenchi - circular reasoning o paligoy-ligoy
  • Maling Paglalahat (Hasty Generalization) - Dahil lamang sa isang sitwasyon, nagbibigay na agad ng isang konklusyong sumasaklaw sa pangkalahatan.
  • Non Sequitur - sa Ingles "It doesn’t follow". Pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng mga walang kaugnayang batayan.
  • Maling Paghahambing - Karaniwan ng tinatawag na usapang lasing ang ganitong uri sapagkat mayroon ngang hambingan
    ngunit sumasala naman sa matinong konklusyon.
  • Maling Awtoridad - Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isyung kasangkot.
  • Maling Saligan - Nagsisimula ito sa maling akala na siya naming naging batayan kung kaya’t nagkakaroon ng konklusyong wala sa katwiran.
  • Dilemma - Naghahandong lamang ng dalawang opsyon o
    pagpipilian na para bang iyon lamang at wala nang
    iba pang alternatibo.
  • Tekstong Naratibo - ay may layuning magsalaysay o magkuwento ng mga magkakaugnay-ugnay na pangyayari.
  • Katangian ng Naratibong Teksto
    1. Mabuting Pamagat
    2. Mahalagang Paksa
    3. Wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
    4. Mabuting Simula
    5. Mabuting Wakas
  • Ang iba naman ay gumagamit ng FLASHBACK o paraang pabalik na tulad nito:
    1. Gitna o dakong wakas
    2. Nagbabalik sa simula sa pamamagitan ng paggunita o pag-alala
    3. Wakas
  • Katangian ng mabuting pamagat
    1. Maikli
    2. Kawili-wili o kapana-panabik
    3. Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas
    4. Orihinal o hindi palasak
    5. Hindi katawa-tawa, kung ang komposisyon ay wala namang layuning magpatawa
    6. May kaugnayan o naaangkop sa paksang-diwa
  • Tekstong ekspositori - ay nagpapahayag ng mga ideya, kaisipan, at impormasyon na sakop ng kaalaman ng tao na inihanay sa isang maayos at malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng bago at/o dagdag na kaalaman.
  • Ang pangunahing layunin ng tekstong ekspositori ay upang
    makapagbigay ng impormasyon.
  • MGA KATANGIAN NG MABUTING TEKSTONG EKSPOSITORI
    1. Malinaw
    2. Tiyak
    3. May kohirens
    4. Empasis
  • MGA HULWARAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI
    1. Depinisyon
    2. Pag-iisa-isa o Enumerasyon
    3. Pagsusunod-sunod o Order
    4. Paghahambing at Pagkokontrast
    5. Problema at Solusyon
    6. Sanhi at Bunga
  • Uri ng Paghahambing at Pagkokontrast
    1. Isahan
    2. Halinhinan
  • Uri ng Pagsusunod-sunod
    1. SIkwensyal
    2. Kronolohikal
    3. Prosidyural
  • Uri ng Pag-iisa-isa
    1. Simpleng pag-iisa-isa
    2. Komplikadong pag-iisa-isa