Talumpati

Cards (18)

  • Ang talumpati ay isang tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao at ito ay isang uri ng akademikong sulatin na maaaring gamitan ng paglalarawan, pagsasalaysay, at paglalahad.
  • Karaniwang nagkaiiba-iba ang isang talumpati, batay sa paghahanda sa mga ito (Mangahis, Nuncio, Javillo, 2008)
  • Ang isang mahusay na talumpati ay dapat nakapagbibigay-impormasyon, nakapagpapaunawa, nakapagtuturo, at nakahihikayat ng mga konsepto at paninindigan sa mga manonood at tagapakinig.
  • Ibat-ibang uri ng talumpati ayon sa paghahanda
    1. Biglaang Talumpati
    2. Maluwag na Talumpati
    3. Manuskrito
    4. Isinaulong Talumpati
  • Biglaang Talumpati - ito ang uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda
  • Biglaang Talumpati - Karaniwang makikita ang ganitong uri ng pananalumpati sa mga job interview, ilang okasyon ng tanong-sagot, at pagkakataon ng pagpapakilala.
  • Maluwag na Talumpati - Sa uring ito masusubok ang kasanayan ng mananalumpati sa paggamit ng mga angkop na salita sa loob ng sandaling panahon bago ang pagbigkas.
  • Maluwag na Talumpati - Ang mga isyu, konsepto o usaping paglalaanan ng talumpati ay nasa kaalaman na ng mananalumpati kaya maaari pa siyang maghanda ng kaunting marka o palatandaan upang hindi magpaligoy-ligoy ang kaniyang pagbigkas.
  • Manuskrito - Higit na mas kaunti ang alalahanin ng mananalumpati sa uring ito dahil lubusang nabigyan ng oras ang paghahanda sa balangkas ng talumpati, ganap na naisulat nang mahusay ang mga argumento, at inaasahang naensayo na ang pagbigkas.
  • Isinaulong Talumpati - Ito ang uri ng talumpati na isinulat muna pagkatapos ay isinaulo ng mananalumpati.
  • Isinaulong Talumpati - Masusukat dito ang husay ng pagbabalangkas ng manunulat, kaniyang pagpapaliwanag at tibay ng kaniyang mga argumento bukod pa sa husay niyang bumigkas.
  • Kasanayan sa Paghahabi ng mga Bahagi ng Talumpati
    1. Introduksyon
    2. Diskusyon o Katawan
    3. Katapusan o Konklusyon
    4. Haba ng Talumpati
  • Introduksyon - Ito ang pinakapanimula. Ito ay naghahanda sa mga tagapakinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati
  • Ang mga sumusunod na katangian ng isang mahusay na panimula ay:
    1. mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig
    2. maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtatalakay sa paksa; at
    3. maipaliwanag nang maayos ang paksa.
  • Diskusyon o Katawan – dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibabahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati
  • Mga Katangiang Nararapat Taglayin ng Katawan ng Talumpati
    1. Kawastuhan – tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat totoo at naipaliwanang nang mabisa ang lahat ng mga detalye.
    2. Kalinawan – kailangang maliwanag ang pagkasulat at pagkabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig.
    3. Kaakit-akit – gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa.
  • Katapusan o Konklusyon – dito nakasaad ang pinaka konklusyon ng talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilalahad sa katawan ng talumpati
  • Haba ng Talumpati – Nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas. Ang pagtiyak sa inilaang oras sa pagbuo ng talumpati ay may malaking gampanin sa pagbuo ng nilalaman nito