Filipino

Cards (37)

  • Tubong Bulacan ang prinsipe ng Makatang Tagalog. Ipinaganak siya noong ika-2 ng Abril, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan.
  • Juan Balagtas- Ama Juana dela Cruz- ina nanilbihanna kay Donya Trinidad
  • Palayaw- kiko Muli siyang bumalik ng bilangguan sa paratang na pinutulan Namatay siya noong ika-20 ng Pebrero taong 1862 sa gulang na 74.
  • Pinag-aral siya sa
    • Colegio de San Jose
    • San Juan de Letran
  • Magdalena Ana Ramos unang bumihag sa kanyang puso
  • Jose dela Cruz- Huseng Sisiw
  • Tondo- Pandacan
  • Maria Asuncion Rivera - Selya
  • Nanong Kapule- katunggali sa pag-ibig at nagpakulong kay Florante. bilangguan.
  • Florante at Laura- obrang nagawa niya sa loob ng
  • Juana Tiambeng- naging asawa
  • Ikinasal siya sa edad na 54.
  • Naging Tenyente Mayor at Juez de Sementera.
  • niya ng buhok ang isang babaeng utusan.
  • Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
    • Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong 1838, panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa
    • Ang mga aklat na nailimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o di kaya'y sa paglalaban ng mga moro at Kristiyano na tinawag ding Komedya o moro-moro, gayundin ng diksiyonaryo at aklat-panggramatika
    • Ang relihiyon at iniugnay sa pag-iibigan nina Florante at Laura
    • Ang mga tauhan at mga pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan sa kaharian ng Albanya ay kasasalaminan ng mga naganap na kaliluan, kalupitan at kawalang katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol
    • Masasalamin din sa akda ang tinutukoy ni Lope K. Santos na "apat na himagsik" na naghahari sa puso at isipan ni Balagtas
  • Naglalaman ng mga gabay at aral na magagamit sa buhay
    • Wastong pagpapalaki sa anak
    • Pagiging mabuting magulang
    • Pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan
    • Pagiingat laban sa mga taong mapagpanggap/makasarili
    • Pagpili ng pinuno sapagkat napakalaki ng panganib na dulot sa bayan ng pinunong sakim at mapaghangad sa bayan
    • Kahalagahan ng pagtulong sa kapwa maging doon sa may magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim at Kristiyano
    • Taglay na lakas ng kababaihan sa katauhan ni Flerida
  • Mga Tauhan sa MITOLOHIYA na Ginamit ni Balagtas sa Akda

    • Musa
    • Nimpas
    • Sirena
    • Averno/Aberno
    • Pluto
    • Narciso
    • Harpias
    • Aurora
    • Krotona
    • Epiro
    • Nayadas
    • Pitaco
    • Edipo
    • Atenas
    • Venus
    • Pama
    • Houris
    • Diana
    • Selya
  • Mga Tauhan sa Florante at Laura
    • Heneral Osmalik
    • Heneral Miramolin
    • Adolfo
    • Prinsesa Floresca
    • Flerida
    • Sultan Ali-Adab
    • Haring Linceo
    • Laura
    • Florante
    • Aladin
    • Persiyano Sileno
    • Duke Briseo
  • Musa
    Sa mitolohiyang Griyego ay siyam na matatalino at magagandang nilalang na tagapamahala sa bawat Genre o uri ng panitikan at panulaan. Nilikha sila upang makalimutan ng mundo ang pighati at sa halip ay magpuri sila sa tagumpay ng mga diyos at diyosa
  • Nimpas
    Mga diwata ng kalikasan na karaniwang inilalarawan bilang magaganda, masayahin at mahilig sumayaw at umawit
  • Sirena
    Mga diwata ng mga katubigan at karagatang sinasabing nagtataglay ng malalamyos na tinig at na awitin
  • Averno/Aberno
    Isang maliit at madilim na butas sa isang lawa sa timog Italya at sa usok na amoy asupreng nagmumula rito noon, pinaniniwalaan ng mga sinaunang Romano a ito ang pintuan ng Impyerno
  • Pluto
    Kilala rin bilang si Hades sa mitolohiyang Griyego ay hari ng kadiliman o impyerno
  • Narciso
    Isang tauhan sa mitolohiyang Griyego. Isa siyang binatang ubod ng kisig kaya't hinangaan at inibig ng maraming nimpas subalit silang lahat ay kanyang binigo. Namatay dahil sa matinding obsesyon sa kanyang sariling repleksyon. Sa ngayon ang mga taong sarili lamang ang pinapahalagahan at minamahal ay tinatawag na Narcissistic
  • Harpias
    Nilalang sa mitolohiyang Griyego na may katawan tulad ng sa isang ibon, may pakpak, at matutulis na kuko subalit may mukahang tulad ng sa isang babae. Kilala sa pang-aagaw ng pagkain mula sa isa pang tauhan ng mitolohiyang Griyego na si Phineas
  • Aurora
    Diyosa ng bukang liwayway. Lumilipad siya sa himpapawid tuwing madaling araw upang ihayag sa lahat na papasikat na ang araw. Mayroon siyang dalawang kapatid na sina Sol o araw; at si Luna o buwan
  • Krotona
    Syudad sa Gresya, bayan ni Prinsesa Floresca; ina ni Florante
  • Epiro
    Matandang pook sa Timog-Kanluran ng Turkiya at Hilagang Kanluran ng Gresya
  • Nayadas
    Mga nimfa sa batis at ilog. Sinasabing sila ay anak ni Poseidon o mga Oceanids
  • Pitaco
    Isa sa pitong pantas ng Gresya. Sinasabing kalahi siya ng maestro ni Florante na si Antenor
  • Edipo
    Ang pumatay sa kanyang tunay na ama na si Haring Layo
  • Atenas
    Kabisera ng Gresya na bantog sa pagiging lugar ng matatalino. Mas pinahahalagahan ng mga taga-Atenas ang pagpapaunlad ng kaisipan, kaysa pagsasanay sa pakikipagdigmaan
  • Venus
    Diyosa ng pag-ibig at kagandahan ng mga Romano. Anak siya nina Jupiter at Dione. Ipinakasal siya kay Vulcan, ngunit hindi naglaon ay iniwan niya ito para kay Marte. Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Kupido at Anteros
  • Pama
    Isang diyosang may malakas at mataginting na tinig. Tungkulin niyang ipaalam sa karamihan ang mga ginagawa ng tao kaya naman pinakasasamba siya ng mga Hentil
  • Houris
    Tawag sa napakagagandang dalagang naninirahan sa paraiso ayon sa paniniwalang Muslim
  • Diana
    Diyosa ng pangangaso. Siya'y lagging iniuugnay sa mababangis na hayop at sinasabing may kakayahang makipag-usap sa mga hayop. Huwaran ng kagandahan at sinasamba ng mga sinaunang Romano
  • "Selya"

    Hango sa pangalan ni Sta. Cecilia, ang patron ng musika sapagkat ang dalagang pinatutungkulan ng "Selya" na si M.A.R. o Maria Asuncion Rivera ay kilala hindi lamang sa kanyang kagandahan kundi sa husay niya sa pag-awit at pagtugtog ng alpa