filipino

Cards (38)

  • Francisco Balagtas
    Isa sa mga pinakamahusay na makata at manunulat sa kasaysayan ng Pilipinas, kilala rin bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at "William Shakespeare ng Pilipinas"
  • Florante at Laura
    Ang pinaka-tanyag na obra maestra ni Francisco Balagtas, isang romantikong epiko
  • Isinilang si Francisco noong Abril 2, 1788, sa Panginay, Bigaa (ngayon ay Balagtas), Bulacan
  • Ang mga magulang ni Francisco ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar
  • Bunso si Francisco sa kanilang apat na magkakapatid na sina Felipe, Concha, at Nicholasa
  • Edukasyon ni Francisco Balagtas
    1. Nag-aral sa Bigaa Parochial School
    2. Naglingkod bilang houseboy sa pamilya Trinidad sa Tondo, Maynila
    3. Nag-aral sa Colegio de San Jose at Colegio de San Juan de Letran
    4. Natuto sa sining ng pagtula sa ilalim ng gabay ng Padre Mariano Pilapil at Jose de la Cruz
  • Noong 1835, lumipat si Francisco sa Pandacan, Maynila, at dito niya nakilala ang dalagang si Maria Asuncion Rivera, na tinawag niya sa Florante at Laura bilang "Selya" at "M.A.R."
  • Nagkaroon si Francisco ng matinding karibal sa pag-ibig na si Mariano "Nanong" Capule, isang mayamang tao na may impluwensya sa pamahalaan
  • Nabilanggo si Francisco dahil sa kanyang kalaban sa pag-ibig na si Mariano Capule
  • Habang nakakulong, isinulat ni Francisco ang Florante at Laura, na kung saan ay hinalaw ang mga elemento mula sa kanyang sariling buhay
  • Nakalaya si Francisco taong 1838
  • Noong 1840, naging empleyado si Francisco sa hukuman. Naging Major Lieutenant at klerk sa hukuman si Francisco Balagtas sa Udyong, Bataan
  • Noong 1842, nakilala ni Francisco ang kanyang asawa na si Juana Tiambeng at sila ay nagpakasal
  • Nagkaroon sila ng labing-isang anak, subalit pito lamang sa kanila ang nabuhay
  • Noong 1849, inutos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria na ang bawat Pilipino ay magkaroon ng apelyidong Espanyol, at simula noon, tinawag na si Francisco bilang Francisco Baltazar
  • Nabilanggo muli si Francisco noong 1856 dahil sa paratang na pinutol niya ang buhok ng kasambahay na babae ni Alferez Lucas
  • Noong 1860, siya ay napalaya at ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat
  • Pumanaw si Balagtas noong ika-20 ng Pebrero 1862 sa edad na 74, dahil sa sakit na pneumonia at ng kanyang katandaan
  • Mga Akda ni Francisco Balagtas
    • Florante at Laura
    • Orosman at Zafira
    • Don Nuño at Selinda
    • Auredato at Astrome
    • Clara Belmore
    • Abdol at Misereanan
    • Bayaceto at Dorslica
    • Alamansor at Rosalinda
    • La India Elegante y El Negrito Amante
    • Nudo Gordiano
    • Rodolfo at Rosemonda
    • Mahomet at Constanza
    • Claus
  • Aral sa Talambuhay ni Francisco Balagtas
    • Kahalagahan ng edukasyon
    • Tiyaga at determinasyon
    • Pagmamahal sa bayan
    • Ang pagsusulat bilang instrumento ng pagbabago
  • Ang mga obra ni Balagtas ay patuloy na pinag-aaralan at pinapahalagahan ng mga Pilipino
  • Ang pagpapahalaga sa mga obra ni Francisco Balagtas ay nagpapatunay na ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas ay mayaman at puno ng malalim na mga karanasan
  • Si Francisco Balagtas ay hindi lamang isang makata, kundi isang bayani ng sining at pagmamahal sa bayan
  • FLORANTE
    Matapang na taga-pagtanggol ng Albania; matapat na katipan ni Laura
  • LAURA
    Mapagmahal at magandang katipan ni Florante
  • ALADIN
    Mabunying prinsipe ng Persya, tagapagligtas ni Florante; katipan ni Flerida
  • PRINSESA FLORESCA
    Ina ni Florante na maagang namatay
  • FLERIDA
    Matapat na katipan ni Aladin, nagligtas sa kapurihan at buhay ni Laura
  • ADOLFO
    Kondeng taksil; tahimik ngunit mapanganib, kaagaw ni Florante sa lahat ng bagay
  • DUKE BRISEO
    Huwarang ama ni Florante, tagapayo ni Haring Linceo
  • MENANDRO
    Tapat na kaibigan at kaagapay ni Florante sa pakikipaglaban
  • HARING LINCEO
    Pinuno ng Albania: butihing ama ni Laura
  • ANTENOR
    Amain ni Menandro, matalinong guro sa Aterias
  • MENALIPO
    Pinsan ni Florante
  • SULTAN ALI ADAB
    Sakim na ama ni Aladin
  • KONDE SILENO
    Ama ni Adolfo
  • OSMALIK
    Magiting na heneral na Persyano na napatay ni Florante sa isang sagupaan
  • MIRAMOLIN
    Heneral na Turko na lumusob sa Albania