G8:Q4 - FILIPINO TAYUTAY

Cards (16)

  • Tayutay
    Isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang labas sa panitik na kahulugan upang maging marikit at masining ang pagpapahayag
  • Pagtutulad/Simile
    Paghahambing ng dalawang bagay na ginagamitan ng mga salitang panulad tulad ng parang, kagaya ng, kawangis ng, animo, wari, tila, kasing, magsing, mistula
  • Pagwawangis/Metaphor
    Tuwirang paghahambing na ang dalawang bagay na pinagtutulad ay ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa
  • Pagbibigay-katauhan/Personification
    Pagsasalin o pagbibigay katangian ng tao sa mga bagay
  • Pagmamalabis/Hyperbole
    Masidhing kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian
  • Pagpapalit-tawag/Μetonomy
    Paggamit ng ibang katawagan na may kahulugan sa isang tao o bagay
  • Pagpapalit-saklaw/Synecdoche
    Pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o idea bilang pagtukoy sa kabuuan
  • Paghihimig/Οnomatopeia
    Paggamit ng salita kung saan ang tunog o himig ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito
  • Tanong Retorikal/Rhetorical Question
    Isang pahayag na anyong patanong na hindi naman nangangailangan ng sagot
  • Pagtawag/Apostrophe
    Isang panawagan o paki-usap sa isang bagay na tila ito ay isang tao
  • Aliterasyon/Alliteration
    Pag-uulit ng tunog-katinig sa unahan o inisyal na bahagi ng salita
  • Asonans/Assonance
    Pag-uulit naman ito ng mga pantig sa alinmang bahagi ng salita
  • Konsonans/Consonance
    Katulad ng aliterasyon, pag-uulit ito ng mga katinig, ngunit sa bahaging pinal naman
  • Pagtatambis/Οxymoron
    Paghahalo ng dalawang salitang magkasalungat na nagiging katanggap-tanggap sa nakakarinig o nakababasa
  • Paglumanay/Euphemism
    Pagpapalit ng salitang mas maganda pakinggan kaysa masyadong matalim, bulgar o bastos
  • Alusyon
    Sumasangguni ito sa kasaysayan, panitikan, politika, Bibliya, at iba pa