editoryal na nagpapakahulugan (editorial of interpretation): nagbibigay ng impormasyon sa isang balita o isyu sa totoong pangyayari. ito ay sinusuportahan ng mga patunay at detalye
editoryal na nagpapabatid (editorial of information): nagbibigay-diin o linaw sa kalituhan ng mga mamamayan tungkol sa isang isyu o pangyayari
editoryal na namumuna (editorial of criticism): nagbibigay ng puna o gawain sa kalagayan ng tao o paraan ng pag-iisip
editoryal na nanghihikayat (editorial of persuasion): nagbibigay rin ng pakahulugan at pamumuna, ngunit mas binibigyang-diin ng patnugot ang pagpanig sa kaniyang pinaniniwalaan
editoryal na nagbibigay-puri o nagpaparangal (editorial of appreciation or tribute): nagbibigay parangal o papuri sa isang taong may nagawang kahanga-hanga. nagbibigay parangal o papuri sa isang taong namatay na may kadakilaang nagawa sa araw ng kaniyang kapanganakan o kamatayan.
editoryal na panlibangan(editorial of entertainment): nakapagbibigay ng aliw o libang sa mga mambabasa
dalawang bahagi ng pangungusap: simuno at panaguri
pangungusap na pantawag: binabanggit ang pangalan ng tao
pangungusap na pasasalamat: ipinapahayag ang pasasalamat sa natanggap mula sa kausap o sa ginawa sa kaniya ng kausap
pangungusap na pagbati: ipinapahayag ang pagbati sa taong kaharap, kinakausap, o sinusulatan
pangungusap na pamamaalam: ipinapahayag na ang nagsasalita ay aalis na o may pupuntahan, at bilang paggalang sa kausap, magpapaalam
pangungusap na paghanga: ipinapahayag ng nagsasalita ang kaniyang admirasyon o paghanga sa kausap o sa ibang tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa.
pangungusap na sambitla: ipinapahayag ang masidhi o matinding damdamin sa pagbulaslas ng isa o dalawang patinig na salita
pangungusap na panagot sa tanong: walang iba pang ipinahahayag kundi ang direkta at maikling sagot sa tanong
pangungusap na patanong o muling pagtatanong: ipinahahayag ng nagsasalita ng may kulang sa sinabi ng kausap kaya nagtatanong siya gamit ang salitang patanong lamang o kaya naman ay hindi niya naintindihan o malinaw na narinig ang sinabi ng kausap kaya siya nagtatanong upang ipaulit ang nasabi na
pangungusap na pautos: ipinahahayag ng nagsasalita na mayroon siyang inuutos sa kausap
pangungusap na pakiusap: ipinahahayag ng nagsasalita na mayroon siyang ipapakiusap o ipapakisuyo sa kausap. paki/maki
pangungusap na temporal: ipinahahayag ang pandaliang kalagayan ng panahon o kapaligiran sa pamamagitan nang pagbanggit sa oras, araw, petsa, panahon, o selebrasyon/okasyon
pangungusap na phenomenal: ipinahahayag ang kalagayan o pangyayari sa kalikasan o kapaligiran sa pamamagitan nang paggamit ng pang-uri na maaaring may kasamang pang-abay o ng pang-uring pandiwa na maaari ring may kasamang pang-abay
tambalang pangungusap: binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa
hugnayang pangungusap: binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na 'di-makapag-iisa
paghahambing: pinapakita ang pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay
kronolohiko: pinapakita ang impormasyon ayon sa petsa o tiyak na araw at taon
prosidyural: tulad ng kronolohiko, inaayos ito ang impormasyon ayon sa pagkasunod-sunod nito ngunit ito ay gumagamit ng hakbang kaysa sa petsa
kapakinabang at kapinsalaan: hinahanit nito ang isang paksa ayon sa mga mabuti at masamang katangian nito o kaniyang benepisyo at perhuwisyo
tema: pinakakaraniwang ginagamit sa pagbabalangkas
sekwensyal: hindi nagpapakita ng eksaktong petsa o hakbang ng proseso