Mga pahayag na ginagamit ng makata o manunulat upang sadyang ilayo sa karaniwang paggamit ang mga salita nang sa gayon ay nagkakaroon ito ng hindi lantad o nakatagong kahulugan. Natutulungan nitong maging masining, maganda, at malalim ang kahulugan ng isang akda.
Ang pagpapahayag na ito ay naghahambing sa dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari, at iba pa. Katangian ng tayutay na ito ang paggamit ng mga salita at pariralang katulad ng, para ng, kawangis ng, kagaya ng, at iba pa.
Naghahambing din ang pagwawangis na gaya ng pagtutulad. Ang pagpapahayag na ito'y tiyakang naghahambing at naiiba sa pagtutulad sa di paggamit ng mga pariralang tulad ng kawangis ng, para ng, at gaya ng.
Ang pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng tao sa mga karaniwang bagay ay tinatawag na pagbibigay-katauhan. Naipakıkılala ito sa karaniwang paggamit ng mga pandiwa.
Sa pagpapahayag na ito'y lubhang pinalalabis o pınakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay, pangyayarı, at iba pa. Bagaman nagagamit sa tuluyan, lalong angkop ito sa tula.
Ang pagpapahayag na ito'y naisasagawa sa dalawang pamamaraan: 1) Ang pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan, 2) Ang nag-iisang tao'y kumakatawan sa isang pangkat.
Ginagamit sa pagpapahayag na ito ang pagtatanong upang tanggapin ang isang bagay. Ang paraang ito ay higit na mabisa at makapangyarihan kaysa karaniwang pagpapahayag.
Huwag isiping ako'y nagwawalang-bahala sa iyong kasalukuyang kalagayan. Nais kitang tulungan ngunit ako'y walang lakas, nais kitang damayan ngunit wala akong pilak, nais kitang lapitan ngunit wala akong pakpak.
Sa pagpapahayag na ito'y ginagawa ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay o sa isang di-nadaramang kaisipan na para bang pakikipag salitaan sa isang buhay na tao o sa isang taong gayong wala nama'y parang naroroo't kaharap.
Ang pagpapahayag na ito'y pananalitang nangungutya sa tao o bagay, sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pangungusap. Ang tunay na kahulugan ng pagpapahayag na ito'y mauunawaan ayon sa paraan ng pagsasalita ng taong nangungusap.