Florante at Laura

Cards (81)

  • Francisco "Balagtas" Baltazar
    May-akda ng Florante at Laura
  • Real name: Francisco de la Cruz Balagtas
  • Ipinanganak sa Panginay, Bigaa, Bulacan noong Abril 2, 1788
  • Balagtas
    • Panday ang kanyang ama at karaniwang maybahay ang kanyang ina
    • Nabibilang sa mararalitang angkan ang kanyang pamilya
    • Naiiba ang kanyang gawi, hilig at kilos sa karaniwang makikita sa katulad niyang musmos
    • Hindi siya mahilig sa paglilimayon at paglilibang
    • Inuukol niya ang kanyang maghapon sa kapararakan o kabuluhan
  • Mang Juan
    Kanyang ama
  • Tagpuan ng mga matatanda ang kanyang pandayan. Ang pinaguusapan doon ay: buhay-buhay at bali-balitang nasasagap na pangyayaring nagaganap sa iba't ibang dako ng daigdig. At higit sa lahat ang suliraning kinakaharap ng Pilipinas
  • Walang kalayaan sa pagsasalita ang mga mamamayan sa panahong iyon
  • Sa halip na maglaro nakikinig si Kiko sa mga balitaan at palitan kuro ng mga matatanda
  • Hindi nagkasya na lamang sa kanya ang pagpasok sa paaralan ng mga pari sa kumbento sa Bigaa at ang pag-aaral ng katon, kartilya, misteryo at trisahiyo
  • Lumuwas siya sa Maynila at inutusan siya pumasok ng isang mayamang kamag-anak sa Tondo nagngangalang Trinidad
  • Pinagaral siya nito sa kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang pagaaral ng Kanones, Kastila, Humanidades, Teolohiya, at Pilosopiya noong 1821
  • Padre Mariano Pilapil
    Guro niya sa pilosopiya, isang manunulat ng Pasyong Mahal ni Hesukristo
  • Jose De La Cruz (Huseng sisiw)

    Nakilala ni Kiko sa Tondo, kinikilalang pinakamahusay na makata sa panahong iyon
  • Sinubukan niya magpaayos ng tula rito, ngunit hindi siya pinayaga dahil wala siyang sisiw
  • Mula noon hindi na raw lumapit pa si Kiko kay Huseng Sisiw
  • Lumipat siya sa Pandacan noong 1835, dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera na siyang pinaghandugan niya ng kanyang awit na Florante at Laura. Tinawag niyang Selya ang magandang dilag
  • Hindi naging mapalad ang kanyang pag-ibig dahil ginamit ng kanyang karibal na si Nanong Kapule ang salapi at kapangyarihan nito upang maagaw ang pagibig ng dalaga
  • Pinabilanggo ng magulang ni Kapule si Kiko sa kasalanang hindi niya ginawa
  • Sa loob ng karsel ng Pandacan ay patalinhagang napasulat ng isang tulang kasaysayan ng kapighatiang sinapit ng pag-ibig si Kiko

    Upang "pamilantikin ang kalis ng poot" at durugin ang "balang sukab na may asal-hayop" at ang sakim na may "taksil na pita sa yama't salapi", at upang sa salita man lamang ay kanyang maluray ang laman at buto ng sukab na si Nanong kapule , gayundin ang gahamang hukom at ang mga saksing nabili ng pilak, sa loob ng bilangguan ng Pandacan ay sumilang ang Florante at Laura ni Kiko Baltazar
  • Nang lumabas siya sa piitan nanirahan siya sa Udyong, Bataan
  • Dito niya nakilala si Juana Tiambeng na naging kabiyak niya. Nagkaroon sila ng 11 na anak, ngunit 7 ang namatay noong sanggol pa ang mga ito. Sa apat na nabuhay, tanging si Ceferino lamang ang nahilig sa pagsulat
  • Naging dalubhasa ng hukuman si Kiko sa Bataan
  • Siya ay naging Tenyente Mayor at Huwes de Sementera sa Udyong
  • Dito napiit siyang muli dahil sa isang asunto hinggil sa pagkakapuputol niya ng buhok ng utusan ng isang mayaman
  • Piniit siya sa Bataan at pagkatapos ay inilipat siya sa Bilibid
  • Nang siya ay makalaya na, nagbalik siya sa Udyong at dito ginugol niya ang kanyang panahon sa pagsulat ng komedya, awit at korido
  • Ang pagsusulat ang ipanambuhay niya sa kanyang pamilya hanggang sa mamatay siya noong Pebrero 20, 1862 sa edad na pitumpu't apat. Ipinagluksa ng buong bansa ang kanyang kamatayan
  • Dalawang baul ng mga akda ang kanyang naiwan nang siya ay mamayapa. Ang mga iyon ay binubuo ng 500 na korido, soneto, kundiman, karagatan, at mga dulang Moro-moro
  • Subalit maliban ang iilang sipi ng unang pagkakalimbag ng Florante at Laura at isang napaligaw na sipi ng La India Elegante y El Negrito Amante, ang lahat ng iba pa ay nangatupok nang masunog ng bayan ng Udyong noong 1872
  • Kadakilaan ni Balagtas bilang isang makata
    • Kinilala hindi dahil sa dami ng mga akdang iyon na kanyang nasulat kundi dahil sa kanyang Florante at Laura, na ang kariktan sa pagkakatula ay sapat nang patunay ng kanyang pambihirang kakayahan na naging tampulan ng paghanga ng buong daigdig
  • Florante at Laura
    Isang obra-maestra sa panitikang Pilipino
  • Daglat lamang ang Florante at Laura, aktwal at buong pamagat: Pinagdaanang buhay ni Florante at Laura sa kahariang Albanya: Kinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa mga nangyari nang unang panahon sa imperyo ng Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog
  • Ayon kay Epifanio de los Santos, isang historian nalimbag ang unang edisyon ng Florante at Laura noong 1838. Limampung taong gulang na si Balagtas nang panahong yaon
  • Nalimbag ang Kung sino ang Kumatha ng Florante ni Hermenigilido Cruz, isang dalubhasa sa Tagalog noong 1906 sa tulong ng anak ni Balagtas na si Victor Baltazar at iba pang miyembro ng kanyang pamilya
  • Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingle, subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Ang mga kopya ng akda ni Balagtas ay nalimbag sa mumurahing klaseng papel. Ayon kay Epifanio de los Santos, nalimbag ang mga ito sa papel de arroz–yari sa palay, ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang sampung sentimos bawat isa
  • Tanging ang Aklatang Newberry ng Chicago ng Estados Unidos lamang ang nakapagtabi ng mga kopyang limbag noong 1870 at 1875, kabilang sa Koleksiyong Ayer
  • Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina T.H. Pardo de Tavera
  • Magkatulad na magkatulad ang kopyang 1870 at ang gawa noong 1875
  • Nalimbag ang pamagat ng bersyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybay: Pinagdaanang buhay ni Florante at Laura, sa cahariang Albania; quinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa manga nangyayari nang unang panahon sa imperio nang Grecia at tinula nang isang matouain sa versong tagalog