pagsusuru ng tula

Cards (30)

  • hindi sumusunod
    sa bilang ng pantig, walang sukat at
    tugma o sintunog.
    Malayang taludturan
  • mga pahayag na
    kadalasang nagtataglay ng sukat at
    tugma sa bawat taludtod nito
    Tradisyunal
  • Walang awtor dahil ito’y pasalitang panitikang
    nagpalipat-lipat sa bibig ng sunud-sunod na salinlahi.
    Awiting-Bayan
  • binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng
    mabigat o matinding pagkukuro-kuro.
    Soneto
  • tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pag-awit na
    pamamaraan.
    Dalit/Hymno
  • tungkol sa pag-ibig; hal. kundiman
    Awit/Kanta
  • mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan.
    Elehiya
  • matayog na damdamin o kaisipan ng paghanga o
    pagbibigay parangal
    Oda
  • naglalarawan ng buhay sa bukid, minsan ay
    pinaromantiko at di-sinasama ang kahirapan ng buhay dito
    Pastoral
  • naglalahad ng pangyayari
    Naglalarawan
  • nagsasalaysay ng mga kabayanihang hindi
    mapaniwalaan pagkat puno ng kababalaghan. Salaysay
    tungkol sa mga pakikipagsapalaran ng bayani.
    Epiko
  • Inaawit habang may nagsasayaw. Ito ay walang awtor
    dahil sa pasalita nagsimula.
    Balad
  • hango sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran
    ng mga tauhang hari at reyna, prinsipe at prinsesa. Ang awit
    ay inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara o bandurya;
    samantalang ang kurido ay binibigkas sa saliw ng martsa.
    Awit at Korido
  • Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
    tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
    tanghalan o entablado.
    Padula/Drama
  • nagbibigay ng pahayag kung anong dapat
    mong gawin; halimbawa: balagtasan
    Tulang may aral
  • ito ay ang “indayog”, “himig”, “musika”, kaisipan ng
    salita, lakas ng damdamin.
    Ritmo
  • Ginagamit sa pagpapaigting, pagpapalinaw at
    pagpapayaman ng pahayag.
    Imahen
  • Bago makasulat ang isang may-akda
    ng kahit anumang sulatin ay nangaingailangan ng malalim at
    malawak na pag-iisip.
    Kaisipang Pampanulaan
  • Pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
    Tugma
  • sa pamamagitan ng panitikan, nagkakaroon tayo
    ng pagkakataong makilala ang pagpapahayag ng damdamin sa
    pamamaraang bihirang maganap sa aktuwal na buhay (sapagkat
    karaniwang ikinukubli ang damdamin o nagbabalatkayo tayo sa
    iba’t ibang kadahilanan).
    Damdamin
  • aktwal na kahulugan
    Konkreto
  • may mas malamim na kahulugang nakapaloob sa mga
    akda (tayutay, matalinhaga)
    Abstrak
  • isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may
    dalawa o higit pang taludtod.
    Saknong
  • Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na
    bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng
    pagbasa.
    Sukat
  • paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita.
    Sining o kariktan
  • tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang
    salita at tayutay.
    Talinghaga
  • paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang
    ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula.
    Tayutay
  • porma ng tula.
    Anyo
  • diwa ng tula.
    Tono/Indayog
  • tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o
    ikatlong panauhan.
    Persona