ESP

Cards (30)

  • Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o wala. Ito ay kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki. Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang lahat ng salik na siyang nagbibigay-daan o tumutugon sa mga pangangailangan ng mga nilalang na may buhay upang ipagpatuloy ang kanilang buhay. Kabilang dito ang hangin, lupa, tubig, at iba pang mga anyo nito.
  • Maling Pagtatapon ng basura. Dahilan sa komersiyalismo at konsiyumerismo, nagkaroon ang tao ng maraming bagay na nagiging patapon o hindi na maaaring magamit. Resulta? Walang habas ang ginawang pagtatapon ng basura kung saan-saang lugar na lamang.
  • Iligal na pagputol ng mga puno. Ang mga puno at iba pang halaman ang siyang tagapagbigay sa atin ng napakahalagang hangin na ating hinihinga upang mabuhay tayo at iba pang mga hayop. Ang kadalasang pag-ulan na nagdudulot ng mga pagbaha ay bunga ng walang habas na pagputol ng mga puno at hindi pagpapalit ng bagong halaman sa mga naputol ng puno.
  • Polusyon sa hangin, tubig, at lupa. Ang dalawang suliraning nabanggit sa itaas ay nagdudulot ng polusyon. Ang hangin na ating nilalanghap, ang tubig na iniinom at kailangan sa kalinisan at ang lupang sumusuporta sa mga halaman ay unti-unting dumurumi dahil na rin sa maling gawain ng mga tao. Ito ay ang malawakang polusyon na siyang nagpabago sa kondisyon ng hangin, tubig, at lupa na kailangan ng tao upang mabuhay.
  • Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan. Ang Pilipinas ay napagkalooban ng Diyos ng isang napakagandang kagubatang tropikal. Dito makikita ang iba’t ibang uri ng mga halaman at mga hayop na ang iba ay dito lang talaga makikita. Mapalad tayong mabigyan ng ganitong kaloob ngunit sa panahon ngayon, ang diversity na ito ay unti-unting nauubos. Maraming uri ng mga hayop at halaman ang unti-unting nawawala at namamatay dahil sa malawakang pag-abuso ng tao rito.
  • Malabis at mapanirang pangingisda. Ang Pilipinas ay nabiyayaan din ng mayamang karagatan at iba pang anyong tubig. Iba’t ibang uri ng isda ang naninirahan dito kung kaya nga’t maraming lugar dito sa atin ang umaasa sa pangingisda bilang kanilang ikinabubuhay. Subalit ang yamang dagat na ito ay unti-unti na ring nauubos dahil sa hindi matigil na cyanide fishing, dynamite fishing, at sistemang muro-ami
  • Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at quarrying. Bakit nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas, asukal, at iba pang produktong mula sa mga magsasaka na ayon sa pangangailangan ng tao? Dahil sa hindi na mabilang na mga lupang sakahan ang hindi na tinatamnan dahil ginawa ng subdivision, golf courses, mga hotel, expressways, at iba pa.
  • Global warming at climate change. Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima ay ang tinatawag na climate change. Ang patuloy naman na pagtaas ng temperatura bunga ng pagdami ng tinatawag na green house gases lalo na ng carbon dioxide sa ating atmospera ay tinatawag na global warming. Ang global warming ay nagdudulot ng climate change.
  • Komersiyalismo at urbanisasyon. Ang komersiyalismo ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga. Ang urbanisasyon naman ay ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan na maisasalarawan ng pagpapatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at condominium units.
  • Sabi nga ni Santo Papa Benedicto, ang planetang hindi mo isinalba ay ang mundong hindi mo na matitirahan. Kung kaya’t sa maliit na paraan, gawin natin ang maaari nating magawa upang pangalagaan at mailigtas ang ating kalikasan, ang ating mundo.
  • Paggamit ng kagamitan. Katuwang ng tao sa paggawa ang mga kagamitan upang mapadali at mapagaan ang anumang trabaho. Ang mga ito ay produkto mismo ng kaniyang talento na ipinagkaloob ng Diyos. Ayon nga ni Karl Marx, ang kabihasnan ng tao ay naaayon sa pagkamasalimuot ng mga kagamitan at sa pagkamulat niya sa kaniyang ginagawa. Pinatutunayan ito na ang paggamit ng mga kagamitan sa paggawa (tulad ng computer, printer, fax machine) ay napakahalaga sa pagpapabilis ng gawain ng tao
  • Paggamit ng oras sa trabaho. Ang pagganap ng gawain sa oras ng trabaho ay pag-angkin ng tiwala mula sa isang bagay na ipinagkatiwala sa iyo. Masasagot mo lamang ito kung sinasabayan mo ang bawat tikatik ng oras para gawin ang iyong obligasyon bilang manggagawa. Dahil dito, hindi masasayang ang anumang salapi o kapalit na bayad dahil naging makabuluhan ang paggamit mo rito.
  • Sugal. Kadalasan, ang pagsusugal ay mas karaniwang kilala bilang pustahan gamit ang pera bilang produkto ng isang tiyak na laro. Ang posibilidad ng panalo ay masyadong mababa dahil iniaasa lamang ito sa pagkakataon ng pagkakapanalo. Sa pagsusugal, ang mga tao ay karaniwang sumusubok upang makakuha ng kahit na ano sa kabila na may nakataya sa likod ng isang laro
  • Magkasalungat na interes (Conflict of Interest). Nangyayari ito kapag nangibabaw ang personal na interes ng isang tao lalo na kung ito ay magbibigay sa kaniya ng kasiyahan at pakinabang.
  • Pinansiyal na Interes. Ang magkakasalungat na interes ay kapag ikaw o ang isang kamag-anak ay may pinansiyal na interes, trabaho o posisyon sa isang kompanya na iyong pinapasukan.
  • Mga Regalo at Paglilibang. Ito ang pagtanggap ng anumang regalo o pabor mula sa sinumang tao bilang kapalit sa ginawang paglilingkod. Ang ganitong sistema ay hindi dapat maging motibasyon ng isang opisyal sa pagbibigay-serbisyo sa pagtupad ng kaniyang tungkulin.
  • Ang kapangyarihan ay kakayahan upang ipatupad ang isang pasiya, kapasidad upang maka-impluwensiya sa saloobin at pag-uugali ng iba, at lumikha ng panukala na makabubuti sa lahat. Maipamamalas ito sa pamamagitan ng posisyon organisasyon at pagiging lider ng isang grupo.
  • Sa isang lipunan, kailangan ang pamahalaan - halimbawa, gobyerno o estado (Plattel, Martin 1965). Ito ay dahil may pangangailangan ang tao na hindi kayang makamit nang mag-isa, tulad ng kaayusan at kapayapaan, pangkabuhayan, mga bagay na kultural, at iba pa. Kaya nariyan ang gobyerno upang gumawa ng mga programa para sa ikauunlad ng bansa at para sa kabutihang panlahat
  • Korapsiyon. Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera. Tumutukoy ito sa espiritwal o moral na kawalan ng kalinisan at paglihis sa anumang kanais-nais na asal. Ang taong may malinis na puso at tapat ang talagang karapat-dapat magsilbi sa lipunan. Maipakikita ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo at pag-iwas sa pandaraya.
  • Pakikipagsabwatan (Kolusyon). Hindi maililihim ang pagkakaroon ng ganitong isyu sa ating lipunan. Ano nga ba ang pakikipagsabwatan? Ito ay iligal na pandadaya o panloloko, halimbawa ay ang pagtatakda ng mga presyo, limitahan ang mga oportunidad, pagtatakda ng sahod, mga kickback, pandaraya sa halalan sa pamamagitan ng iligal na panghihimasok sa proseso ng isang halalan at sa pagbilang ng boto, pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali, pagbili o panunuhol ng mga botante.
  • Ang bribery o panunuhol ay isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o handog sa anyo ng salapi o regalo pamalit sa pabor na ibinigay ng tumanggap. Ang mga suhol na ito ay bahagi ng pagtatakip sa ginawang katiwalian ng isang taong may puwesto sa pamahalaan. Ito ay isang krimen. Ang iba pang mga halimbawa nito ay pagbibigay ng malaking tip, regalo, diskuwento (discount), libreng tiket, pagkain, espesyal na anunsiyo, pamamasyal sa iba’t ibang lugar, kickback/payback,
  • Ang kickback ay bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga pondong itinalaga sa kaniya. Isang halimbawa nito ang paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa isang negosyante na magbigay ng trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal na kumokontrol sa mga regulasyon na umaapekto sa negosyo
  • Ang nepotismo ay ang lahat ng paghirang o pagkiling ng kawani sa pamahalaan, maging pambansa at sa alin mang sangay o ahensiya nito, kabilang ang mga korporasyon na ari o kontrolado ng pamahalaan, na igagawad sa kamag-anak na hindi dumaraan sa tamang proseso.
  • Upang maiwasan ang mga isyung ito, kailangang magkaroon ang tao ng integridad. Ang integridad ay katapatan. Sa diksyunaryo, ipinaliwanag ang kahulugan nito bilang “kalagayan ng tao na kung saan siya ay buo, iisa o kumpleto ang kaniyang pagkatao.” Kung ano ang kaniyang sinasabi, iyon din ang kaniyang ginagawa.
  • Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan
  • Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling at pagsang-ayon sa katotohanan. Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao sa isang grupo o lipunan
  • Jocose Lies – sinasabi o sinasambit upang maghatid ng kasiyahan lamang. (Hal. Pagbibigay ng regalo sa bata na sinasabing nanggaling kay Santa Claus).
  • Officious lie – ipinapahayag upang maipagtanggol ang kanyang sarili o ‘di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito mabaling. (Hal. Pagdadahilan na lumiban sa klase nang nakaraang araw dahil sa pagkamatay ng kaniyang ama, na ang totoo ay noong nakaraang taon pa ito yumao.)
  • Pernicious lie – sinasabi ang reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba. (Hal. Ang paghihinalang ang kamag-aral ay isang call girl dahil sa inggit sa kaniyang karisma at sa maraming humahangang kalalakihan rito.)
  • . Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat. Ito ay pag-angkin ng tao sa tunay na pangyayari o kuwentong kaniyang nalalaman at hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon nang walang pahintulot ng taong may-alam dito.