Pangunahing Kaisipan - Ito ay ang pinakasentrong mensaheng nais ipabatid ng may-akda sa isang katha. Dito umiinog ang kabuuang diskurso ng isang akda.
Kung bibigyang pakahulugan ang mga saknong sa awit ay ginamitan ng matalinghagang salita at simbolo. Ang una’t ikalawang saknong ay nagpapakita ng tayutay na Eksklamasyon dahil nagpapahayag ito ng matinding damdamin.
Tayutay o Talinghaga - Ito ay isang pahayag na sinadyang mailayo sa karaniwang salita o pananalita upang maging masining, mabisa, at kaaki-akit ito. Ito rin ay mga patagong kahulugan ng ilang pahayag sa isang pangungusap, saknong o talata.
1.Metapora (pagwawangis)- Ito ay paghahambing ng dalawang magkaibang bagay
ngunit hindi gumagamit ng mga salitang pagtutulad: Hal. gaya, tulad, kawangis, kaparis, kapara
2. Apostrophe (panawagan)- Ito ay pagtawag o pakikipag-usap nang may masidhing damdamin sa tao o bagay na animo’y kaharap ang kausap.
Personipikasyon (paurintao)- Binibigyang buhay sa pamamagitan ng kilos, talino, katangian ng tao ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng paggamit ng mga pandiwa.
Eksklamasyon- Ito ay pagsasaad ng isang masidhing damdamin sa isang pahayag
Simile (pagtutulad)- Ito ay paghahambing ng dalawang bagay o kaisipan na ginagamitan ng mga panandang pagtutulad gaya ng: kapara, parang, anaki, mistula, gaya, tulad, at iba pa.
Simbolo- Ito ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang
bagay ng mga taong gumagamit dito. Ang simbolo ay
panandang nakikita sa pamamagitan ng paglalarawan ng
anomang bagay na kumakatawan sa nais isagisag nito o sa
isang bagay na iniuugnay sa pinatutungkulan dahil sa