Noli Me Tangere

Cards (11)

  • Ang pamagat ay mula sa salitang Latin na nangangahulugang Huwag mo akong salingin sa Tagalog. Ito ay hinango sa ebanghelyo ni San Juan, kabanata 20, talata 17.
  • Ito’y binigyang-kahulugan at tumutukoy sa kanser o sugat na makirot na siyang sakit ng Pilipinas noon.
  • Ang kanser na ito ay panlipunan at tumutukoy sa lahat ng katiwalian at pagmamalabis ng mga prayle, na wala ni sinuman, lalong-lalo na ang mga Pilipino na makababanggit nang hindi mapaparusahan nang mabigat o di kaya’y mamatay. Sa madaling sabi ito ay ang lahat ng uri ng kabuktutan, kapaslangan, at katiwalian.
  • Ang nobelang ito ay inialay ni Rizal para sa kaniyang Inang-bayan habang ang El Filibusterismo ay para sa GomBurZa (Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora).
  • Taong 1884  isinulat ang unang kalahati ng Obra. 24 taong gulang pa lamang nito si Rizal. Ang natitirang isangkapat ay isinulat sa Paris, at ang isangkapat ay sa Alemanya. Natapos ito sa Berlin noong ika-21 ng Pebrero 1887. Nailathala ang nobela noong ika-29 ng Marso, 1887.
  • 2,000 sipi ang ipinalimbag. Pinahiram siya ni Dr. Maximo Viola ng pera para dito. (P300)
    Sa kabuoan ang akda ay may 65 na kabanata kasama ang tinaguriang Kabanata X (Kabanata 25: Sina Elias at Salome) na hindi naisama sa pagpapalimbag dahil sa kakulangan ng pera.
  • Layunin:
    1. Mailahad ang kasamaang nagkukubli sa karangalan ng pamahalaan 
    2. Mailarawan ang kaugalian, masasamang hilig, kapintasan, at kahirapan ng buhay 
    3. Matigil ang paninirang puring ipinaparatang ng Kastila sa mga Pilipino at sa bansa.
    4. Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga paniniwala, pag-asa at mithiin
    5. Maipakilala ang tunay na relihiyon sa di-tunay na relihiyon
    6. Alisin ang takip sa mukha ng pagbabanal-banalan.
  • Epekto
    Ang Noli Me Tangere ay nagpakita ng pagiging makabayan noong ika-19 na siglo dahil sa pagiging makabago ng mga politikal na layunin ni Rizal para sa Pilipinas
  • Ang mga isinulat ni Rizal ay may posibilidad na hamunin at subukin ang tradisyonal na kaugalian at panuntunan ng Pilipinas pati na rin ang pagkukunwari ng lipunang Pilipino
  • Mga materyal para sa pag-aaral
    • Pag-aaral ng Filipino
    • Kritisismo sa politika at lipunan
    • Etika at moralidad sa konteksto ng Pilipinas
  • Mga isyu sa konteksto ng Pilipinas
    • Pagpatay/Karahasan
    • Pagsuway
    • Pagnanakaw
    • Hindi Pagkakaisa