Pagsulat - pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan. Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba't ibang layunin.
XingatJin (1989)- pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.
Badayos (2000) - ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.
Keller (1985) - ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
Peck at Buckingham - Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.
Mga Pananaw sa Pagsulat
Sosyo-kognitibong pananaw.
IntrapersonalatInterpersonal.
sosyo-kognitibong pananaw - ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibiti..
intrapersonalatinterpersonal - Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili, gayundin bilang isang multi-dimensyonal na proseso, kung saan isinasaalang-alang ang mga mambabasa.
Dimensyon ng Pagsulat
Oral na Dimensyon
Biswal na Dimensyon
OralnaDimensyon - Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tektong iyong isinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo.
Biswal na Dimensyon- Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalantad ng mga nakalimbag na simbolo
Mga Layunin sa Pagsulat ayon kay Bernales„ et al, (2001)
Impormatibongpagsulat.
Mapanghikayatnapagsulat.
Malikhaingpagsulat.
Impormatibong pagsulat - naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. Ang mismong pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.
Mapanghikayat na pagsulat - naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala.
Malikhaing pagsulat - ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda.
Ang Proseso ng Pagsulat
Pre-Writing
ActualWriting
Re-writing
Pre-writing - Sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa pagsulat. Ginaggawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.
Actual Writing- Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft Para sa mga akdang tuluyan o prosa.
Rewriting - Ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat. Dito nagaganap pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong gramar, bokabulari at pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika.
Akademiko - mga sulating isinasagawa mula sa antas primarya hanggang sa doktoradong pag-aaral.
Teknikal - ito ay isang espesyalisadong uri ng pigsulat na tumutugon sa meta kognitibo at sikolohikal na pa ngangaila ngan ng mga mambabasa, at minsan maging ng manunulat mismo.
Journalistic - pamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang gin.awa ng mga mamamahayag o journalist.
Reperensyal - naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon.
Propesyonal - ito ang uri ng pagsulat nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon.
Malikhain - masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasvon ng manunulat, bagama't maaaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat.
Katotohanan - ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan
Ebidensya - ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga ito upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.
Balanse - Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at argumento av kailangang gumamit ng wikane walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal.