dom

Cards (64)

  • Mga katangian ng mananaliksik
    • Sistematiko
    • Kontrolado
    • Talagang
    • Proseso
    • Konstant
    • Empirical at katanggap-tanggap
    • Mapanuri
    • Obhetibo
    • Kritikal
    • Hindi kinakailangang baguhin
    • Lohikal at walang pagliling
    • Walang personal na bias
    • Gumagamit ng kuantitatibong data
    • Espisyal na pamamaraan
    • Orihinal na akda
    • Akurado
    • Numeriko
    • Sariling tuklas
    • Maingat na pag-iimbistigasyon, obserbasyon at deskripsyon
    • Mahigpit
    • Hindi madali upang matiyak ang katumpakan
    • Pinagsisikapan - paglaanan ng pananaliksik at analisis
    • Nangangasiwa ng mga area ng panganib at discomfort
    • Maingat na pagtatala at oral presentation
  • Ma-satisfy ang kunyosidad ng
  • Mapalawak ma verity ang mga kaalaman
  • Mga katangian: lost
  • upang mapabilis ang kolektibong partisipasyon ng sambayanang Pilipino sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at pagbubuo ng nasyon
  • Wilfrido Villacorta: 'upang mapabilis ang kolektibong partisipasyon ng sambayanang Pilipino sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at pagbubuo ng nasyon'
  • Wikang Pambansa
    Isang malawak na wika na nauunawaan at ginagamit ng nakararaming Pilipino
  • Ang ating bansa ay isa sa mga bansang may pinakamaraming dayalekto. Sa mahigit na pitong libong pulo mayroon tayo, higit sa apat na raang iba't ibang dayalekto o wikain ang ginagamit
  • Bawat rehiyon ay may sari-sariling wikain o mga wikain
  • Nagkatoon tuloy tayo ng suliranin sa pagkabuklod-buklod at pagkakaisa
  • Kung noon pa mang unang taon ng pananakop ay may isa nang malawak na wikang nauunawaan at ginagamit ng nakararaming Pilipino, hindi sana tumagal nang mahigit tatlong daan at tatlumpu ang ating pagkakaalipin
  • Ang pag-unlad ng ating wikang pambansa ay nasasalamin sa mga batas, kautusan, proklama at kautusan na ipinalabas ng iba't ibang tanggapang pampamahalaan na may malaking kaugnayan sa ating wikang pambansa
  • Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa
    1935
  • Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa

    1936 (Oktubre 27)
  • Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa

    1936 (Nobyembre 13)
  • Mga tungkulin at gawain ng Surian ng Wikang Pambansa
    1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang
    2. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto
    3. Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino
    4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino
  • Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa

    1937 (Enero 12)
  • Dalawa sa mga kagawad na hinirang ng Pangulo ay di-nakaganap ng kanilang tungkulin
  • Hinirang ni Pangulong Quezon ang sumusunod na kagawad: Lope K. Santos (Tagalog); Jose I. Zulueta (Pangasinan); Zoilo Hilario (Kapampangan); at Isidro Abad (Visayang Cebu)
  • Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 333, na ragsususog sa ilang seksyon ng Batas ng Komonwelt Blg. 184
    1937 (Hunyo 18)
  • Ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na ang Tagalog ay siyang halos lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas ng Komonwelt Blg. 184
    1937 (Nobyembre 9)
  • Pinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog
    1937 (Disyembre 30)
  • Bakit Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa
    • Ito'y nahahawig sa maraming wikain sa bansa, kaya hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga di-Tagalog
    • Ang mga pangunahing wika natin ay may aabot na siyam hanggang sampung libong salitang magkakatulad at magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan
    • Ang Tagalog ay nagtataglay ng humigit-kumulang na 5,000 salitang hirari sa Kastila, 1,500 sa Ingles, 1,500 sa Intsik at 3,000 sa Malay
    • Mayaman ang Tagalog sapagkat sa pamamagitan ng paglalapi at pagtatambal ay dumarami ang salita niyon
    • Napakadali ring pag-aralan ang Tagalog
  • Binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diskyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa, at itinakdang mula sa Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at pribado sa buong bansa
    1940 (Abril 1)
  • Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana, bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wika magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940
    1940 (Hunyo 7)
  • Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsusog sa Proklama Blg. 12, serye ng 1954, na sa pamamagitan nito'y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula sa ika-13 hanggang ika- 19 ng Agosto
    1954 (Marso 26)
  • Pinalalabas ng Kalihim Jose Ramon Magsaysay E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailan ma y tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ay siyang gagamitin
    1959 (Agosto 13)
  • Naglagda ang pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay papangalanan na sa Pilipino

    1967 (Oktubre 24)
  • Pinalabas ng Kalihim Ferdinand Marcos Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang karagdagan ay iniaatas din na ang mga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles
    1968 (Marso 27)
  • Pinalabas ang Memorandum Sirkular Blg. 199 na nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika
    1968 (Agosto 5)
  • Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 ay nilagdaan ng Pangulo na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan gamitin ang wikang Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan

    1968 (Agosto 6)
  • Ang Memorandum Blg. 277 ay pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda na bumabago sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika hanggang sa ang lahat ng pook ay masaklaw ng kilusang pangkapuluan sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa

    1969 (Agosto 7)
  • Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 384 na nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan

    1970 (Agosto 17)
  • Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 443 na hinihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa alania ng ika-185 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco (Balagtas) Baltazar sa Abril 2, 1971

    1971 (Marso 4)
  • Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 na nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang kanyang mga kapangyarihan at tungkulin
    1971 (Marso 16)
  • Mga kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa
    • Direktor Ponciano B.P. Pineda (Tagalog), Tagapangulo
    • Dr. Lino A. Arquiza (Cebuano), Kagawad
    • Dr. Nelia Guanco Casambre (Hiligaynon), Kagawad
    • Dr. Lorenzo G. Cesar (Samar-Leyte), Kagawad
    • Dr. Clodualdo H. Leocadio (Bikol), Kagawad
    • Dr. Juan L. Manuel (Pangasinan), Kagawad
    • Dr. Alejandro Q. Perez (Pampango), Kagawad
    • Dr. Mauyag M. Tamano (Tausug; mga wika ng mga minoryang kultural), Kagawad
    • Pangalawang 'Direktor Fe Aldave-Yap, Kalihim at Pinunong Tagapagpaganap
  • Mga kapangyarihan, tungkulin at gawain ng Surian ng Wikang Pambansa
    • Maghayag ng mga kinakailangang panuntunan at mga alituntunin na alinsunod sa mga pamantayang umiiral at tumutugon sa mga pinakabagong kaunlaran sa agham ng lingguwistika tungo sa pagpapalawak at pagpapalakas ng Wikang Pambansa
    • Lalinsabay sa panahon ang gramatika ng Wikang Pambansa
    • Magpanukala ng diksyunaryo, tesauro, ensayklopidya o ano mang kasangkapang lingguwistik ayon sa mga pinakabagong leksikograpiya, pilosopiya at pagkatha ng ensayklopidya
    • Magpanukala at maghayag ng mga patakarang pangwika na naaangkop sa progresibong pagpapaunlad ng edukasyonal, kultura, lipunan at ekonomiya ng bansa
    • Pag-aralan at pagpasyahan ang mga pangunahing isyung may kinalaman sa Wikang Pambansa
    • Magpanukala ng mga patakarang naglalayon ng maramihang produksyon ng mga aklat, pamplet at katulad ding babasahin sa Wikang Pambansa sa uri at obrang orihinal
    • Isagawa ang iba pang kaugnay ng, gawain
  • Itinadhana ng Memorandum Sirkular Blg. 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19

    1971 (Hulyo 29)
  • Nag-atas ang Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong (50,000) mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas (Artikulo, XV, Seksyon 3 [1])
    1972 (Disyembre)
  • Sa Saligang-Batas, Artikulo XV, Seksyon 3, ganito ang sinasabi: Ang Saligang-Batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino, ang dapat na mga Wikang Opisyal, at isalin sa bawat dayalektong sinasalita ng mahigit sa limampung libong taong-bayan, at sa Kastila at Arabik. Sakaling may hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig