Edukasyon sa Panahon ng Kastila
1. Sa pagpasok ng huling bahagi ng ika-15 dantaon, nagsimulang itayo ang mga pinakaunang pamantasan at kolehiyo, at mga bokasyonal na paaralan
2. Taong 1863 nang maitatag ang kauna-unahang makabagong pampublikong edukasyon sa Asya
3. Sa bisa ng Leyes de Indias (Law of the Indies), ipinag-utos ni Haring Felipe II ang pagbibigay ng edukasyon sa mga katutubo sa Pilipinas kasabay ng pagtuturo ng wikang Espanyol
4. Para mapadali ang pagpapalaganap ng bagong wika sa mga katutubo, inaral ng mga fraile ang wika ng mga katutubo
5. Inilathala ang ilang mga libro na nasulat sa wikang Espanyol at Tagalog tulad ng Doctrina Christiana at Vocabulario de la Lengua Tagala
6. Pagdating ng mga fraileng Agustino sa Cebu, kaagad silang nagtayo ng mga paaralan noong 1565
7. Ang Bataan (noo'y Morong) ang naging sentro ng sinaunang edukasyong Dominikano pagdating nila noong 1587
8. Maliban sa pagtuturo kung papaano magbasa at sumulat, nagturo din nila ng mga makabagong kaalaman sa industriya at pagsasaka
9. Sa mga paaralan, itinuro dito ang katesismo, pagbasa at pagsulat sa Kastila, at mga awiting pansimbahan