Mapanghamon ang temang "Ang Wika sa Nagkakaisang Republika"
Maraming balakid ang susuungin ng mga nagmamalasakit sa Wikang Filipino upang maisakatuparan ang adhikaing ito
May kasangga ang adhikaing pagpapalaganap sa Wikang Filipino bilang wikang dapat na gamitin sa paaralan, mga tanggapan ng pamahalaan, kongreso at pakikipag ugnayang panlabas sa katauhan ng Pangulong Joseph Estrada
May pagtutol ng ilang mga kilalang tao na ang Wikang Filipino ay gawing wika ng pagtuturo at pakikipagtalastasan ng atin pamahalaan
Kung ganito ang reaksyon ng mga taong dapat na manguna sa pagsuporta sa adhikain ng ating Pangulo, ano ang kahihinatnan ng ating mga mithiin para sa Wikang Filipino?
Mga Katanungan sa Paggamit ng Wikang Filipino sa Akademya
Gaano na ba kalawak ang paggamit ng Wikang Filipino bilang wika ng Akademya?
Mas Epektibo ba ang paggamit ng Wikang Filipino kaysa Ingles sa pagtuturo?
Ano ba ang pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng Wikang Filipino bilang wikang panturo?
May Malaki bang papel ang paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo upang mahubog ang pagkabansa o nasyonalismo sa mga mamamayan?
Mapagtatagumpayan ba ng mga nagmamalasakit sa Wikang Filipino na ito ay tunay na malawakang magamit?
Walang tiyak na datos na maihahain
Ang gumagamit ng Filipino sa buong kapuluan ay 23.02%, samantalang ang Cebuano ay 24.38%, masasabing hindi pa rin malawak ang paggamit nito sa kapuluan
Ang Pamantasan ng Pilipinas (UP) pa lamang ang tunay na nagpapatupad ng paggamit ng Wikang Filipino bilang wikang panturo at pakikipagtalastasan
Bakit nga ba kailangang sa pakikipag-usap natin sa kapwa natin Pilipino sa loob ng akademya ay kailangang Inglesan tayo ng Inglesan? Bakit hindi natin gamitin ang sariling wika?
Mas epektibo ang paggamit ng Wikang Filipino kaysa Ingles sa pagtuturo
Ang Wikang Filipino ay dapat na gamiting midyum ng pagtuturo sapagkat ito ang wikang unang nakagisnan ng higit na maraming bilang ng mga mag-aaral
May mga pag-aaral na nagpapatunay na ang mga bata na tinuturuang bumasa sa pamamagitan ng kinagisnan nilang wika, ang Filipino, ay may higit na kahusayang bumasa at umunawa
Napakalaki ng magagawa ng wika sa paghubog ng pagkabansa o nasyonalismo at sa pagtatanim ng matinding pagmamalaki sa pamana ng ating lahi
Noong Agosto 4, 1998 sinabi ni dating Pangulo Joseph Estrada na ang Wikang Filipino ay pamudkarin bilang wika ng kanyang pamahalaan
Ilan sa ating mga kagalang-galang at Makabayan daw na mambabatas ay nagpahayag agad sa pagtutol sa adhikain ng dating Pangulong Estrada
Ayon sa kanila, kapag iniutos ni Pangulong Estrada na gawing eksklusibong paggamit ng Filipino sa mga paaralan at tanggapan ng pamahalaan ay lalabag na sa batas ang Pangulo
Isa pang indikasyon ng pagkakaroon ng mahirap na pagtatagumpay sa adhikaing paggamit ng Wikang Filipino nang malawakan, ay ang paghahain ni Kinatawan Efren Herrera ng Cebu ng House Bill No. 1367 na nagtataguyod palaganapin sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang paggamitng Ingles ng mgamag-aaral
Ang panukalang batas na ito ay bilang tugon sa resulta ng pag-aaral na ipinalabas ni Kalihim Andrew Gonzales na isang milyon o 20% ng mga mag-aaral sa sekondarya ang hindi nakapagsasalita at nakasusulat sa Ingles
Malaki rin ang porsyento ng hindi nakapagsasalita at nakasusulat sa tamang Filipino!
Wala namang hakbang na ginagawa kaugnay nito
Tunay na nakakaawa ang kalagayan ng Wikang Filipino. Paano nga ba ito mayabong kung mismong ang nasa kagawaran ng Edukasyon at mga mambabatas ay hindi sumusuporta dito?
Ang mentalidad na kolonyal ay napakalakas pa rin sa ating mga kababayan
Sa proseso ng intelektwalisasyon, iniaangat ng bayan ang antas ng wika sa estadong nagagamit ito sa intelektwal na usapin at intelektwal na materyales o babasahin
Kinikilala ang pananaliksik bilang repleksyon ng talino at husay ng mananaliksik
Tanging wika ang gamit upang ang mga kaalaman sa pananaliksik ay maisalin at maihatid sa mga mambabasa at bagong mananaliksik
Napapanahon nang tunay na ang pananaliksik ay marapat isulat sa Filipino
Bunga rin ng mataas na uri at kalidad ng teknolohiya sa lipunan sa kasalukuyan na sinasabayan naman ng nakararami sa pagtinging pangangailangan ito upang makaayon sa mabilis na nagbabagong panahon at nagging labis rin ang pagpapakahulugan ng ilan sa Karapatan sa kalayaang magpahayag
Maituturing na de facto ang lingua franca at pangunahing wika ng halos lahat ng midya ang wikang Filipino ngayon
Sa pamamagitan ng mga tabloid na ang gamit na wika sa pagpapalimbag ay Filipino natukoy na ang Filipino ay higit na nauunawaan at ginagamit ng karaniwang tao sa kalye at korporasyon, mula estudyante hanggang sa propesyonal maging drayber at tindera sa palengke
Liban sa tiyak na gamit ng pananaliksik sa buhay, kultura at wika ng tao, mahalaga ang pananaliksik sa iba pang sangay pangkarunungan gaya ng agham at teknolohiya , negosyo at industriya , edukasyon , at maging sa pulitika
Ang wikang Filipino ay de facto ang lingua franca at pangunahing wika ng halos lahat ng midya ngayon
Ang tabloid ay bahagi na nang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao
Pangunahing nilalaman ng tabloid
Mga pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa
Mga kontrobersiya
Balitang artista
Karumal-dumal na krimen
Tsismis
Balitang pampalakasan
Ang paggamit ng wikang Filipino sa pagpapalimbag ng tabloid ay nagpatukoy na ang Filipino ay higit na nauunawaan at ginagamit ng karaniwang tao sa kalye at korporasyon, mula estudyante hanggang sa propesyonal maging drayber at tindera sa palengke
Liban sa tiyak na gamit ng pananaliksik sa buhay, kultura at wika ng tao, mahalaga ang pananaliksik sa iba pang sangay pangkarunungan gaya ng agham at teknolohiya, negosyo at industriya, edukasyon, at maging sa pulitika
Kung walang pananaliksik
Atrasado pa rin ang ating pamumuhay sa kasalukuyan
Kung walang pananaliksik
Mga kagamitang pantahanan ay mas higit na nagpapadali sa mga gawain ng bawat miyembro ng pamilya