EKONOMIKS ARALIN 2 1Q

Cards (22)

  • Kagustuhan
    Hinahangad ng tao dahil nagbibigay ito ng higit na kasiyahan
  • Uri ng Kagustuhan
    • Ekonomiko (Economic)
    • Di Ekonomika (Noneconomic)
  • Noneconomic Wants
    Pagmamahal, dignidad, respeto, integridad, at kalayaan (di nabibili o di nababayaran)
  • Economic Wants
    Bahay, kotse, aklat at kompyuter (nabibili o nababayaran)
  • Sa realidad, may mga noneconomic wants na natutugunan sa pamamagitan ng ekonomikong paraan
  • Uri ng Produkto o Serbisyo
    • Free Goods
    • Economic Goods
  • Free Goods
    Mga produktong nakukuha ng libre (halimbawa: sikat ng araw, ulan, magandang tanawin, hangin)
  • Economic Goods
    Mga produktong may karampatang halaga at nakukuha kapag ito ay binili (halimbawa: pagkain, gamit, damit, atbp.)
  • Ang mga free goods ay nagiging economic goods kapag sumasailalim ito sa proseso na lilikha ng bagong produkto
  • Klasipikasyon ng mga Kagustuhang Ekonomik
    • Payak (basic)
    • Nilikha (created)
    • Pampubliko at pribado
  • Payak (Basic Wants)

    Mga kailangan at gusto ng tao para mabuhay (halimbawa: cravings na pagkain, paboritong damit, istilo o disenyo ng bahay)
  • Nilikha (Created Wants)

    Likha ng media na kinokondisyon ang kaisipan ng tao na ang produktong ipinapatalastas ay pangangailangan. Nagdudulot ng karangyaan, karangalan, ginhawa at kaluwagan sa buhay (halimbawa: home theaters, liposuction at mga branded na kasuotan)
  • Pampubliko
    Pangangailangan ng buong populasyon na lahat ng tao sa bansa ay nakikinabang (halimbawa: kalsada, tulay, dam, paaralan, ospital atbp.)
  • Pribado
    Mga partikular na pangangailangan ng mga tao na iba-iba ito para sa bawat tao o mga grupo (halimbawa: pribadong ospital, pribadong paaralan)
  • Mga Salik na Nakakaapekto sa Economic Wants
    • Kita
    • Populasyon
    • Patalastas
    • Pisikal na Lokasyon
    • Urbanisasyon
    • Indibidwal na Pangangailangan, Kagustuhan at Panlasa
  • Kita
    Ang kakayahan ng tao na kumonsumo ay batay sa laki ng kanyang kita
  • Engel's Law: Habang lumalaki ang kita ng isang pamilya, lumiliit ang bahagdan na nakalaan para sa pagkain, samantalang mas mataas na bahagdan ang nailalaan para sa ibang bagay
  • Populasyon
    Nakaaapekto sa ekonomikong kagustuhan ang pagbabago sa populasyon. Mas malaking populasyon, mas malaking pagkonsumo. Mas maliit na populasyon, mas maliit na pagkonsumo
  • Patalastas
    Nakokondisyon ng patalastas ang pagkonsumo ng tao. Demonstration Effect o Bandwagon Phenomenon - Nakagawian na ng mga tao na gayahin ang ginagawa ng iba. Endorser - Sikat na personalidad na gumagamit ng produkto sa patalastas
  • Pisikal na Lokasyon
    Naaapektuhan din ng lokasyong heograpikal ang pagkonsumo ng mga tao. Halimbawa: Dahil isang tropikal na bansa ang Pilipinas, bumibili ang mga tao ng panangga sa sikat ng araw at mga pagkaing pampalamig o nagbabakasyon sa malamig na lugar tuwing sasapit ang tag-init
  • Urbanisasyon
    Paglipat ng mga tao mula sa kanayunan patungong siyudad. Proseso kung saan ang isang rural na lugar ay nagiging industriyalisado. Halimbawa: Isang probinsyana ang makikipagsapalaran sa lungsod sa paniniwalang mas mabilis itong makakahanap ng trabaho
  • Indibidwal na Pangangailangan, Kagustuhan at Panlasa
    Nakadepende ang pagkonsumo sa personal na hilig ng tao. Iba-iba ang kasarian, edad, antas ng edukasyon at kabuhayan, pisikal na kondisyon, trabaho at kultura na nakakaapekto sa pagkonsumo