ANG MGA KONSEPTO AT MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA DEMAND

Cards (10)

  • Batas Demand
    Nagsasaad na habang ang presyo ng produkto ay tumataas, kumokonti ang bibilhing produkto ng mamimili. Ngunit kapag ang presyo ay bumababa, dumarami ang produktong bibilhin ng mamimili habang ang ibang salik ay hindi nagbabago (ceteris parabus).
  • Ceteris parabus
    "all other things remain constant" (Latin) - walang ibang salik na nagbabago (maliban sa presyo) - presyo lamang ang nakakaapekto sa Qd (Quantity demanded)
  • Demand Function
    Isang mathematical equation na nagpapahayag ng ugnayan ng presyo at demand. Qd = a- b(P)
  • Demand Schedule
    Talaang nagpapakita sa ugnayan ng demand at presyo ng isang produkto sa itinakdang panahon
  • Demand Curve
    Grapikong representasyon ng isang demand schedule binubuo ng 2 axes: vertical (y-axis: P)at horizontal (x-axis: Qd)
  • Teorya ng Utility
    Ang presyo ng produkto ay kailangang katumbas ng pakinabang o paggamit nito. Habang mas kapaki-pakinabang ang produkto, kinakailangang mas mataas ang halaga nito. Ang pakinabang ng produkto ay katumbas ng halaga ng kasiyahan na naidudulot nito sa mamimili.
  • Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
    • Kita
    • Populasyon
    • Mga Pansamantalang Uso
    • Pagbabago sa Presyo ng mga Pamalit na Produkto
    • Pagbabago sa Presyo ng Complements
  • Ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng mataas na demand sa mga produktong normal goods. Halimbawa: Ice cream- kapag mataas ang kita mas maraming ice cream ang mabibili.
  • Ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng pagbaba ng demand sa mga produktong inferior goods. Halimbawa: Sardinas- Ipagpalagay na lamang na sardinas lang ang kasya sa badyet, kapag mataas ang kita ng mamimili, maaari na siyang makabili ng mas masarap na pagkain. Bababa na ang demand ng sardinas.
  • Ang mga complementary product ay mga produkto o serbisyong higit ang silbi o halaga kapag pinagsama at ginamit nang sabay. Halimbawa: kotse : gasolina