Konserbatismo – lumaganap ang kaisipang ito noong Middle Ages nang lumaon ang pangunahing tagapagtaguyod ay si Edmund Burke (1729-1797), isang Irish na mambabatas, manunulat, at pilosopo. Pangunahing katangian ng konserbatismo ang layuning mapanatili ang nananaig na kaayusan. Sa makabagong panahon, maituturing si dating punong ministro Margaret Thatcher ng United Kingdom na nagpairal ng konserbatismo.