Pananaliksik

Cards (78)

  • Basic Research
    Ang resulta ng Basic Research ay agarang nagagamit para sa layunin nito. Makatutulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormayson sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.
  • Basic Research
    • Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilaan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid
    • Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila
    • Pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan ng mga kabataan sa isang barangay
  • Action Research
    Ang Action Research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema o masagot ang ang espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik.
  • Action Research
    • Pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang gawain ang inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa mga gawain
    • Pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga ekstra-kurikular na mga gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic performance
    • Pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng mga estudyante sa ikalabing-isang baitang sa inyong paaralan
  • Applied Research
    Ang resulta naman ng Applied Research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon.
  • Applied Research
    • Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan
    • Pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag- aaral sa isang baitang ng isang paaralan
    • Pananaliksik kung bakit sumasali sa gang ang mga kabataan sa isang komunidad
  • Pansining ang mga resulta ng applied research ay maaaring ilapat sa mas malaking populasyon tulad ng iba pang paaralan o barangay na malapit o nasa paligid ng inyong paaralan o barangay. Maaaring gamitin ng iba pang mga paaralan, barangay, at komunidad ang mga resulta ng mga pananaliksik na ito.
  • Kung hindi man, ang metodong ginamit ng mga mananaliksik ay maaaring gayahin o i- modify nang kaunti ng iba pang mga mananaliksik upang magamit nila sa pagresolba ng mga kahawig na problema sa kanilang mga lugar.
  • Mga maaaring mapagkunan ng paksa
    • Internet at Social Media
    • Telebisyon
    • Diyaryo at Magasin
    • Mga Pangyayari sa Iyong Paligid
    • Sa Sarili
  • Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik.
  • Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa
    • Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
    • Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo
    • May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
  • Mga paksa na maaaring piliin
    • Paksang marami ka nang nalalaman
    • Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman
    • Paksang napapanahon
  • Mga hakbang sa pagpili ng paksa
    • Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
    • Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
    • Pagsusuri sa mga itinalang ideya
    • Pagbuo ng tentatibong paksa
    • Paglilimita sa Paksa
  • Mga uri ng paksa
    • Malawak o Pangkalahatang Paksa
    • Nilimitahang Paksa
    • Lalo Pang Nilimitahang Paksa
  • Kung masyadong limitado ang paksa ay maaaring magkulang ang mga gamit na kakailanganin mo para dito
  • Mga uri ng datos
    • Datos ng kalidad o qualitative data
    • Datos ng kailanan o quantitative data
  • Qualitative data
    Datos na nagsasalaysay o naglalarawan
  • Quantitative data
    Datos na numerical na ginamitan ng mga operasyong matematikal
  • Mga hakbang sa pananaliksik
    1. Pagpili ng tamang paksa
    2. Paghahanda ng Balangkas
    3. Paghahanda ng bibliograpiya
    4. Pangangalap ng mga Kinakailangang datos at materyal
    5. Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas
    6. Pagsulat ng pananaliksik
    7. Pagrereserba ng papel
    8. Pagsulat ng pinal na papel
  • Pagpili ng tamang paksa

    Dito ay isinasaalang-alang ang interes ng mananaliksik. Sinusuri kung ang paksang napili napapanahon, makabuluhan, at kailangan ng mananaliksik nito o ng higit na malaking kliyente---ang Lipunan o ang bansa sa kabuoan. Gayundin, kailangan niyang mabatid kung paano lilimitahan o gagawing tiyak ang isang napakalawak na paksa.
  • Paghahanda ng Balangkas
    Dito ay inihahanda ang estruktura ng buong organisasyon ng gagawing pananaliksik.
  • Paghahanda ng bibliograpiya
    Dito ay masusing isinasagawa ng mananaliksik ang pagpili at pangangalap ng aklat, magasin, journal, at iba pang mga mapagkukunan ng datos para sa gagawing pananaliksik.
  • Pangangalap ng mga Kinakailangang datos at materyal
    Dito ay binabasa ang nilalaman ng mga aklat, magasin, journal na binanggit sa itaas. Pinagpapasiyahan ng mananaliksik kung aling mga datos dito ang mahalagang makuha at maisama sa gagawin niyang ulat.
  • Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas

    Aayusin ng mananaliksik ang mga nakalap na datos ayon sa uri ng paglalahad o batayang gagamitin sa ulat.
  • Pagsulat ng pananaliksik

    Maayos na isinasagawa ang pasulat na ulat batay sa mga naunang ginawang preparasyon ng mananaliksik. Kadalasan, ito ay inaabot ng isa o higit pang linggo depende sa uri ng pananaliksik na isinagawa.
  • Pagrereserba ng papel

    Dumaraan ang unang draft ng isinulat sa masusing editing upang matiyak na may kawastuhan sa paggamit ng wika at estilo.
  • Pagsulat ng pinal na papel
    Sa kabuoan, narito ang karaniwang balangkas ng isang ulat pananaliksik / tesis / disertasyon.
  • Konseptong Papel
    Paglalagom ng kabuuang ideya o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin, linawin, o tukuyin
  • Konseptong Papel
    • Nagsisilbi itong proposal na maihahanda sa binabalak na pananaliksik
  • Pahayag ng Tesis

    Naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik. Isa itong matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon O pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksang handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos at ebidensya.
  • Pahayag ng Tesis

    • Malalaman ng mga mambabasa kung tungkol saan ang sulating pananaliksik
    • Magbibigay ng direksyon sa mananaliksik sa pangangalap ng mga ebidensyang magpapatunay sa kanyang argumento
  • Bibliyograpiya
    Bahagi ng isang pananaliksik o aklat na nagpapakita ng talaan ng mga aklat, dyornal, pahayagan, magasin, di nakalimbag na batis katulad ng pelikula, programang pantelebisyon, dokumentaryo, at maging ang mga social media networking site na pinagsanggunian o pinagkuhanan ng impormasyon
  • Direktang Sipi

    Ginagamit kung isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin. Dapat lamang isipan na hindi naman Maganda kung sobrang haba ang direktang sisipiin. Tiyakin ding tama ang pagkakopya ng mga datos at hindi nagbago sa proseso ng pagkopya. Sa paggamit ng direktang sipi, kinakailangang lagyan ng panipi (" ") ang bawat nakuhang tala. Kung bahagi lamang ng sipi ang gagamitin, gumamit ng ellipsis (. . .). Ginagamit ang ellipsis kung hindi binuo ang pangungusap o talata.
  • Buod ng Tala
    Ginagamit ito kung ang nais lamang gamitin ay ang pinakamahalagang ideya ng isang tala, tinatawag din itong synopsis. Layunin ng buod na mabigyan ng pangkalahatang ideya ang mambabasa. Bagama't ang buod ang pinaikling bersyon ng isang tala, taglay nito ang pangunahing ideya.
  • Presi
    Mula ito sa salitang Pranses na precis na ang ibig sabihin ay pruned or cut down. Presi ang tawag kung ang gagamitin ay ang buod ng isang tala. Sa paggamit ng presi, pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de vista ng may-akda. Maaaring gamitin ng mananaliksik ang mga susing salita o key words ng orihinal na manunulat. Humigit-kumulang na sangkatlo ng orihinal na tala ang haba ng presi.
  • Sipi ng Sipi
    Maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang mahabang sipi. Ang ganitong uri ay ginagamitan din ng panipi.
  • Hawig o Paraphrase

    Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng mananaliksik.
  • Salin o Sariling Salin

    Sa mga pagkakataong ang tala ay nasa wikang banyaga, ginagamitan ito ng pagsasalin. Ito ay ang paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba pang wika. Mayroon lamang ilang bagay na dapat isaalang-alang sa pagsasalin. Ito ay ang mga sumusunod: Alamin ang konteksto ng isasalin. May mga salitang iba ang kahulugan depende sa konteksto. Ang mga idyoma ay hindi maaaring isalin nang direkta sapagkat maiiba ang kahulugan nito. Iwasan ang pagsasalin nang literal. Ang mga salitang teknikal at siyentipiko ay maaari nang hindi isalin.
  • Mga Prinsipyo sa Pag-oorganisa ng Papel
    • Kronolohikal
    • Heograpikal o Batay sa Espasyo
    • Komparatibo
    • Sanhi/Bunga
    • Pagsusuri
  • Borador
    Sa wikang Ingles, ang borador ay tinatawag na draft. Hindi pa ito pinal at maaari pang magpasok ng mga ideyang iyong naiisip habang isinusulat o nirerebisa ang iyong papel. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-uugnay-ugnay ng mga nakalap na tala. Ang borador ay ibinabatay sa huling balangkas. Kailangang pag-aralang mabuti ang balangkas bago isulat ang borador. Dapat ay mabilis ang pagsulat ng borador upang tuloy-tuloy ang daloy ng kaisipan. Maaari ding samahan ng mga puna, paliwanag, at interpretasyon ng datos ang iyong papel ngunit siguruhing obhetibo ang mga ito at nakabase sa mga may kredibilidad na impormasyon.